Marian Rivera relates Bali vacation with boyfriend Dingdong Dantes

Marian Rivera on wedding plans with longtime boyfriend Dingdong Dantes: “Huwag na muna masyadong seryoso, kakapirma ko lang sa GMA-7, nakakahiya naman.”


Sinulit daw ni Marian Rivera ang birthday vacation niya kasama ang kanyang boyfriend na si Dingdong Dantes sa Bali, Indonesia dahil dalawang araw lang sila nanatili doon.

Ito ang masayang kuwento ni Marian nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media sa Davao City noong Sabado, August 17, bago ang Kapuso mall tour niya para sa Kadayawan Festival.

“Ang sarap doon kasi hindi siya more on shopping,” sabi ni Marian tungkol sa bakasyon nila sa Amandari Resort sa Bali, Indonesia para sa kanyang ika-29 na kaarawan noong August 12.

Dagdag niya, “Ang sarap mag-shopping, aminin natin ‘yan. Pero maganda rin naman na relax ka lang, wala kang masyadong iniisip.

“At ang maganda sa Bali, kultura kasi siya. Lakad lang, kain, cellphone.

“Dalawang araw lang kami kaya sinagad namin ang sarili namin na maikot lahat.

“Parang ang dami naming gustong gawin pero kailangan na naming bumalik kasi may Genesis siya, e.”

Ang Genesis ang susunod na teleserye ni Dingdong sa GMA Network.

Bago ang bakasyon sa Bali, Indonesia, nagtungo rin ang magkasintahan sa exclusive resort sa Balesin Island sa Quezon Province para naman sa ika-33 na kaarawan ni Dingdong noong August 2.

Nang tanungin kung saan ang susunod na destinasyon nila ni Dingdong para magbakasyon, sabi si Marian, “Hindi pa namin alam. Pero hindi pa ako nakakapunta sa Korea.

“Iba naman, para lahat sa Asia maikot namin.”

WEDDING PLANS. Dahil sa tagal na ng relasyon nila ni Dingdong, hindi maiwasang matanong si Marian tungkol sa planong pagpapakasal.

Tulad ng madalas niyang reaksiyon, natawa muli si Marian nang tanungin tungkol dito.

Aniya, “Hindi naman namin sinasabi na walang plano pero mas maganda siguro na ine-enjoy lang namin.

“May sinasabi kasi na kapag naramdaman mo na ibinigay sa ’yo ng Diyos, ‘Anak, ito na ang time para sa ’yo,’ why not? Naniniwala kami na dapat time na, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Basta kami, ine-enjoy namin, go with the flow kami, masaya kaming dalawa.”

Pero hindi naman itinanggi ni Marian na napag-uusapan nila ni Dingdong ang tungkol sa pagpapakasal.

Aniya, “Ayaw ko magpapakaplastik na hindi. Lahat naman ng mga babae, may pangarap.

“Of course, ang mga lalaki din may pangarap ‘yan.

“So, imposibleng na sa lahat ng relasyon hindi napag-uusapan ang mga bagay na ‘yan."

Mangyayari ba ito ngayong taon?

“No, siyempre hindi,” mabilis niyang sagot.

Pagkatapos ay nakangiti siyang nakiusap sa press na huwag na munang pag-usapan ang pagpapakasal.

Sabi niya, “Huwag na muna masyadong seryoso, kakapirma ko lang sa GMA-7, nakakahiya naman.”

Sa susunod na linggo ay nakatakdang makipag-meeting si Marian sa GMA-7 executives para alamin kung anu-ano ang magiging proyekto niya.

“Nakakatuwa ang GMA-7 kasi yung dati, ibinibigay nila sa akin, ‘O, ito ang gagawin mo.’

“Ngayon, parang ilalatag na nila sa akin kung ano yung mga project, ’Ano yung mga gusto namin sa ’yo.’”

Nag-renew ng three-year exclusive contract sa GMA-7 noong August 10.

(Read: Marian Rivera renews contract with GMA-7)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN