Derek Ramsay admits Cristine Reyes is now his girlfriend

Mula sa pagiging malapit na magkaibigan ay inamin ni Derek Ramsay na girlfriend na niya ngayon si Cristine Reyes. Ngunit sinabi ng aktor na nawiwirduhan siya sa nangyari sa kanila ni Cristine, lalo na’t nagpahayag siya noon na walang namamagitan sa kanila higit pa sa pagiging magkaibigan. Sabi ni Derek, “We’re both in the state of shock, it’s really weird. One minute, I look at her like one of my boys, one of my buddies."


"Yeah, we confirmed it yesterday, it’s one day pa lang."

Ito ang pahayag ni Derek Ramsay nang tanungin kung totoo ang balitang sila na nga ni Cristine Reyes.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News ang aktor sa pamamagitan ng telepono kagabi, August 29.

Ilang oras bago ang panayam namin kay Derek ay nakausap ng media si Cristine sa press conference ng kanyang bagong primetime series sa ABS-CBN, ang Bukas Na Lang Kita Mamahalin.

Dito ay tinanong ang aktres kung sila na ba ni Derek, ngunit hindi niya ito direktang sinagot.

Paliwanag ni Cristine, “Gusto ko kasi if ever man na may sasabihin ako, alam n’yo yun, lalo na on-cam, ano, yung sigurado na.”

(Read: Cristine Reyes neither confirms nor denies relationship with Derek Ramsay)

Sa panayam naman namin ni Derek ay hindi na siya nagpaliguy-ligoy pa sa pagsasabing sila na nga.

"We spoke about it yesterday after the presscon."


FROM FRIENDS TO LOVERS. Matagal nang nali-link sina Derek at Cristine, subalit ang palagi nilang sinasabi noon ay walang namamagitan sa kanila higit pa sa pagiging magkaibigan.

Aminado naman si Derek na kinain niya ang kanyang mga salita.

Saad niya, "It’s really weird because I know you heard me say this na wala talagang nangyayari.

"I want everyone to know that’s true.

"We’re both in shock, we both find it really awkward.

"Magkaibigan kami and the last two weeks, the last week and a half, something different happened, and we decided that it’s worth taking the risk...

"It’s just weird and awkward that it turned out this way.

"For me, nagbitaw ako ng salita, ’I’ll never date showbiz... I could never see myself end up with this woman.’"

ONE WEEK AND A HALF. Ano ba ang nangyari sa sinasabi niyang "a week and a half" na nagpabago ng kanilang relasyon mula sa pagiging magkaibigan at napunta ito ngayon sa pagiging magkasintahan?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Derek, “In a week and a half, we met up and then again, same scenario na nagbi-vent lang ng stress sa trabaho.

"In a week and a half, we just hang out with each other ’coz I’ve been working every day and it’s really, really stressful.

"I just want to hang out with somebody I can trust and talk to.

"We don’t usually get to hang out this much, every now and then lang kami before.

"Pag may problema lang, tawagan, kulitan, pero wala.

"Pag magkikita sa trabaho, kulitan, then wala.

"Then heto, nagsama kami ng one week and a half, tapos ayun na."

Wala raw ligawang nangyari sa kanila.

“We skipped the whole part na ligawan, we skipped the whole part na putting your best foot forward.

"Kasi kilala na namin ang isa’t isa, ang tagal na naming magkaibigan.

"Problema niya, problema ko, we confide to each other," sabi ni Derek.

STILL SURREAL. Ayon pa sa Kapatid actor, hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala kung paano naging sila na ni Cristine.

“We’re both in the state of shock, it’s really weird.

"One minute, I look at her like one of my boys, one of my buddies.

"Yung best friend ko pa nga, si Michael Kim, sinabi ko sa kanya yung news, sumakay ng eroplano galing Australia to go here, to celebrate because he’s so happy.

"Two years ago nung nakilala niya si Cristine, sinabi niya sa akin, ’Derek, why don’t you date Cristine?’

"Sabi ko, “Mike, that would be like dating you. Cristine is one of the boys.’

"And now, kami na.

"He’s so happy, he’s gonna arrive at 7 tonight."

SAME PERSONALITIES. Kilalang prangka at matapang si Cristine na minsan ay nami-misinterpret ng iba.

Pero pagtatanggol ni Derek sa kanyang bagong girlfriend, “I think we share the same personality.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"We’re both very feisty... we’re both honest, sometimes too honest.

"I’ve given advice to Cristine for the longest time about some of her reactions, some of her problems—and she listened.

"The friendship was there and it’s very far from what people say about who she is.

"I got to know the real Cristine and like I said, it’s so weird.”

Bagamat kilala na raw ni Cristine ang mga magulang ni Derek, hindi pa raw niya ito pormal na naipapakilala bilang kasintahan niya.

“Yeah, my parents have met her.

"Nasabi ko na ba sa kanila? Hindi pa... I’m going to see them this weekend, isasama ko siya to meet my folks in that way.

"Of course I don’t hide anything from my parents."

Nakilala naman na raw ni Derek ang pamilya ni Cristine.

"I met din her mom last night [August 28], I met majority of her family and they’re really, really nice.

"It was her tita’s birthday and she has a wonderful family, big family, masaya... and then birthday din ng sister niya.

"Marami ngang meaning ang 28 sa buhay ni Cristine."

RAYVER CRUZ. Pinabulaanan naman ni Derek ang usap-usapan na siya raw ang third party sa breakup noon ni Cristine sa ex-boyfriend nitong si Rayver Cruz.

“No, that’s not true," diin ni Derek.

"Rayver and I are friends, Cristine is my friend, and they came to my house together.

"I’d like to clear that issue.

"Cristine and I got closer in No Other Woman [2011]. Rayver is close to Angelica [Panganiban, Derek’s ex-girlfriend] and they’re both my friends.

"Pero naging close lang ako kay Cristine dahil nagsama nga kami sa set and how our personalities jibe as friends.

"Ang tagal na, ’no, it’s like we know each other for almost three years and if something is happening, bakit di pa nangyari nun? Pareho naman kaming single?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naugnay din noon si Derek sa frisbee player na si Alexa Amos, na nabalita pa ngang naging girlfriend ng aktor.

Pero sabi ni Derek, “I was dating this frisbee player and she’s a wonderful girl but it didn’t work out.

"We see each other for a while actually and Cristine really knows about that.

"Wala akong masasabing masama tungkol sa frisbee player na ‘yan, it’s just that things didn’t work out.

"She’s a wonderful girl but sometimes two people just do not connect."

VERY HAPPY. Paulit-ulit ang pagsasabi ni Derek na masayang-masaya siya ngayon lalo na’t magkasama pa sila ni Cristine sa pelikulang Trophy Wife with Heart Evangelista and John Estrada.

Saad niya, "It’s pretty cool that’s we’re shooting together, we’re working together.

"Ayokong pangunahan ang lahat ng ito.

"Alam ko kung ano ang nararamdaman ko para kay Cristine, and I’m really looking forward on what we end up doing with each other.

"Alam ninyo naman ako na mahilig magplano, mag-travel, at gumawa ng mga adventures."

Nang matapos ang relasyon ni Derek kay Angelica noon ay sinabi ng aktor na hangga’t maaari ay ayaw na niya ng high-profile relationship.

Ngunit ngayong isa na namang sikat na aktres ang bago niyang karelasyon, hindi ba siya natatakot na maulit ang mga nangyari?

Sabi ni Derek, “Yeah, I’m scared, I’m scared.

"But if you don’t take risk, you’ll never get anywhere.

"It’s just weird! Kami din ni Cristine, we find it weird, but we know it’s worth taking the risk and nag-e-enjoy kami."

Aware naman daw si Derek na marami pa rin ang magbibigay ng hindi magandang komento ngayong umamin na siya tungkol sa relasyon nila ni Cristine.

“Siyempre, may nababasa kang mga nega, people give comments.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ako, I always respect opinions of everyone. Sana lang yung iba, huwag masyadong magsalita ng bastos.

"You can always put it in a nice way. Babae si Cristine at dapat nirerespeto ang mga babae," sabi ni Derek.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN