Gladys Guevarra ready to face ex-boyfriend Jojo Diamse in court

Hangga’t maaari ay ayaw na sanang isapubliko ni Gladys Guevarra ang pagsasampa nila ng kaso laban sa isa’t isa ng kanyang dating live-in partner na si Jojo Diamse. Paliwanag ng singer-comedienne, “Nag-file ka na, e, di, be quiet. And besides, lalaki ka, di ba? Di na rin lang natapos ’to sa usapan, dinala mo na ‘to sa court, nag-file din ako, e, di dun na lang tayo mag-usap. Huwag na natin gamitin ang social networking, and media.”<


Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang singer-comedienne na si Gladys Guevarra sa kanyang gig sa Zirkoh Tomas Morato kaninang madaling-araw, September 6.

Kinuha namin ang panig niya sa mga isinampang reklamo laban sa kanya ng dating karelasyon na si Joselito "Jojo" Diamse.

Sinampahan siya ni Jojo ng mga reklamong Attempted Murder, Grave Oral Defamation, Grave Coercion, at Violation of R.A. 7610 sa Quezon City Regional Trial Court kahapon, September 5, Huwebes.

(Read: Gladys Guevarra’s former live-in partner files multiple complaints against singer-comedienne)

Ayon sa singer-comedienne, nagulat siya nang nalaman niyang naghain ng mga reklamo laban sa kanya ang dating kasintahan.

Sabi pa ni Gladys, pagkatapos daw ng gulong iyon noong August 23 ay tumuloy siya sa Camp Karingal para ireklamo sa desk ng Anti-Violence Against Women and their Children ang pananakit na ginawa diumano ni Jojo sa kanya.

Pero nandiyan naman daw ang pag-asang puwede pang ayusin at ituloy na raw ang pag-move on.

Sabi ni Gladys, “Itong insidente ng hiwalayan, was like five months ago.

"Siguro ang pagkakamali ko lang, ako yung pumupunta to talk to him.

“Really, I don’t want to talk into details anymore, kasi ayan naman, nag-file na siya ng kaso.

"Irespeto na natin yun bilang right niya yun at gusto niyang gawin yun."

Dagdag pa niya, “Na-surprise ako! Nalaman ko sa Instagram post, at na-surprise ako when I heard na nag-file siyang demanda.

“Ang akin lang, between the two of us, di ba, dapat ako yung may lakas ng loob na magpa-interview, gamitin yung TV?

"Pero hindi ko ginawa, kasi ayoko ng malaking gulo.

"I was hoping that time na, ‘O, sige, nag-usap tayo, nagkagulo tayo diyan, diyan na lang ‘yan, maayos natin diyan.’

"Pero ito na, e…”

THE FIRST TO FILE. Nilinaw ni Gladys na siya ang unang nag-file ng demanda na Anti-VAWC laban kay Jojo, pero hindi raw niya ito pina-media.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayaw na raw niyang pag-usapan pa iyon at gawin pang malaking isyu.

Dagdag na paliwanag ni Gladys, ang buong akala niya, pagkatapos ng gulong iyon ay puwede na silang mag-usap, mag-ayos, at mag-move on.

Aminado ang singer-comedienne na may natira pa siyang pagmamahal sa dating kasintahan dahil sayang naman daw na basta na lang itapon ang halos limang taon nilang relasyon.

Pero pagkatapos daw ng gulong iyon, nawala na raw ang natitirang pagmamahal niya kay Jojo.

At dahil nagkademandahan na raw, harapin na lang sa korte at huwag na raw silang magsagutan pa sa media at malaman ng publiko ang kanilang mga problema.

Saad ni Gladys, “Ang iniisip ko kasi, yung sa TV, yung mga taong nanonood na nae-entertain ko, they know me as komedyante—dun ko sila ini-entertain.

"Feeling ko, hindi ko naman sila mae-entertain dito sa nangyayari ngayon sa buhay ko.

"Parang hindi ko naman yata kailangang pa ‘to para i-TV pa.

“Kumbaga, nag-file ka na rin ng case mo. I also filed ng kaso ko na kailangang protektahan ko rin ang side ko.”

Umalma lang si Gladys sa ikinaso ni Jojo sa kanya na Attempted Murder at iba pang kaso.

Sabi niya, “Sa liit kong ito, parang hindi ko naman yata kakayaning manakit ng tao, dahil may takot naman ako sa Diyos.

“Yung sinasabing sasagasaan ko siya, maybe because dun ako nag-park, e, and he was standing there.

"Baka akala niya… after nung insidenteng iyon, nasa kanya ang susi ng kotse ko.

"Dapat nga kasuhan ko pa siya ng carnapping dahil umuwi akong wala akong sasakyan."

Pero ayaw na raw idetalye ni Gladys ang ilan pa niyang kasagutan dahil nagdemanda na rin naman daw si Jojo, mabuting doon na lang daw sa korte niya sagutin lahat.

Mensahe ni Gladys kay Jojo: “Nag-file ka na rin pala, even sa Hall of Justice pinu-post mo pa. Nag-file ka na, e, di, be quiet.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And besides, lalaki ka, di ba?

"Di na rin lang natapos ’to sa usapan, dinala mo na ‘to sa court, nag-file din ako, e, di dun na lang tayo mag-usap.

"Huwag na natin gamitin ang social networking, and media.”

Ngayong araw ay nakatakdang makipag-usap si Gladys kay Atty. Ferdie Topacio para kuning legal counsel sa kasong ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN