Raymond Gutierrez on brother Richard having a baby with Sarah Lahbati: "Ay, wala akong masasabi diyan! Siya ang tanungin ninyo."

Raymond Gutierrez on being part of TV5: “For me, it’s refreshing, it’s a new start. I was with GMA since, you know, I was a teenager. So ngayon naman, parang ano naman, bagong chapter. So it’s a start of a new relationship and start of new chapter in my life.”


“Refreshing.”

Ito raw ang pakiramdam ni Raymond Gutierrez ngayong bahagi na siya ng TV5.

Sabi ng bagong Kapatid TV host sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “For me, it’s refreshing, it’s a new start.

“I was with GMA since, you know, I was a teenager.

“So ngayon naman, parang ano naman, bagong chapter.

“So it’s a start of a new relationship and start of new chapter in my life.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang 29-year-old TV host sa trade launch ng TV5 na may pamagat na “Weekend Do It Better” sa Megatrade Hall ng SM Megamall kahapon, September 8.

Kasama sa walong programa na ilulunsad ng Kapatid network ang showbiz talk show na Showbiz Police: Intriga Under Arrest, kung saan isa si Raymond sa mga host kasama sina Lucy Torres-Gomez, Joey Reyes, at Cristy Fermin.

Kabilang naman sa mga segment hosts ng programa sina MJ Marfori, Dani Castaño, at Divine Lee.

Aminado si Raymond na kakaiba ang saya na dulot ng mga naging bonding moments nila ng kanyang co-hosts nitong mga nakaraang linggo.

Aniya, “Masaya. You know si Lucy, I know her like from…

“You know, we go to Bench Chan’s house together, so parang I’ve known Lucy for many years.

“And also because she’s Bisaya and my mom [Annabelle Rama] is Bisaya.

“Si Nay Cristy, it’s actually my first time to bond with her and talk to her.

“Pero alam ko na na she had a good working relationship with my sister [Ruffa Gutierrez] and parang alam ko na nanay-nanayan talaga siya sa showbiz.

“And with Direk Joey naman, he’s really such an authoritative person kaya iniidolo ko siya.”



PERFECT TIMING. Paano siya napasama sa bagong showbiz talk show ng TV5?

Saad ni Raymond, “You know, because I really trust Tita Wilma [Galvante]… siya talaga yung nag-discover sa akin, e, before.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And then when we had a meeting and she told me kung ano yung mga plans niya for TV5, siyempre, if I believe in someone, I will really support them, so yun.

“Thankful din ako sa kanya na naisip din niya ako for this new project.

“Tamang tama na-drop na rin yung show ko sa kabila so perfect timing.”

Ang huling show ni Raymond sa GMA-7 ay ang Showbiz Central.

Hands-on daw si Raymond sa kanyang segment sa Showbiz Police.

Paliwanag niya, “I’m that kind of person, e.

“In everything that I do, whether it’s for my magazine work, for my column, I’d like to get involved, I’d like to be creative.

“Part din ako minsan ng mga brainstorming sessions dito, so yun, nakakatuwa.”

Matagal-tagal na ring host ng showbiz programs si Raymond. Ano ba ang mga natutunan niya pagdating sa pag-handle ng mga intriga bilang host at artista?

Saad niya, “You know, ako as a host, you have to do your homework, you have to go to work prepared.

“Hindi puwedeng kunwari kasi sometimes you didn’t get to watch TV so much.

"So I really have to update myself ano bang nangyayari, ano ba ang mga opinion ko, ano ba ang puwede ko masabi, ano ang puwede ko ma-share.

“So that’s how I work.

“And sa mga artista naman, I think if you’re in the business for a long time, dapat may force field ka na sa mga intriga, e.

“Ganyan ang family ko, lahat halos ng intriga napagdaanan na namin.

“But as long as you have a strong support system, I think that what’s most important.”

Ano ba ang aasahan ng mga manonood sa Showbiz Police?

Sabi ni Raymond, “Ang maganda dito, even me, I’m looking forward dun sa banter ng mga hosts.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi we come from all different backgrounds so we all have different opinions, we all have different take on different issues.

“So, feeling ko, masaya yung mga kuwentuhan namin, yung mga opinion namin.

“And also, ako, I’m also looking forward nga dun sa ‘Housebreak’ segment because I get to visit some of the homes of celebrities.

“So exciting din yun because ako I just recently moved into my condo, so parang yung interior design, parang naiisip ko na rin siya.

“So it’s interesting for me to see how people live.”



NAPOLES CONNECTION AND TWIN BROTHER RICHARD. Nitong mga nakaraang linggo ay isinangkot ang pangalan ni Raymond sa isyu ng pork barrel scam.

Nadawit ang kanyang pangalan bilang business partner diumano ng anak ni Janet Napoles.

Sa kanyang Instagram account, nagbigay ng pahayag si Raymond at sinabi nitong kumukonsulta na siya sa kanyang abogado.

(Read: Raymond Gutierrez mulls over filing case over article linking him to Napoles family)

Muli naming hiningan ng kanyang paliwanag si Raymond tungkol dito.

Sabi niya, “You know, I was gonna say the statement sana sa first airing na lang sa show. Sasagutin ko ‘yan.”

Tungkol naman sa report na may anak na ang kanyang kakambal na si Richard Gutierrez sa girlfriend nitong si Sarah Lahbat, natawa lang si Raymond at sinabing, “Ay, wala akong masasabi diyan! Siya ang tanungin ninyo.”

Ayon sa report ng PEP, nanganak si Sarah sa anak nila ni Richard noong bandang katapusan ng April. Pinangalanan daw ng dalawa ang kanilang anak na "Zion."

(Read: Source: Sarah Lahbati gave birth to baby boy in April)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN