Tom Rodriguez confirms contracting dengue fever

Sa kanyang Twitter account ay kinumpirma ni Tom Rodriguez na na-confine siya recently dahil sa dengue at respiratory tract infection. Gayunpaman, balik-trabaho na ang aktor mula pa noong September 11, Miyerkules.


Kinumpirma ni Tom Rodriguez, via his Twitter account, na dengue ang naging sakit niya kaya siya naospital kamakailan.

“My doctor just confirmed that it was dengue fever as well as upper respiratory tract infection. Thank god and all your prayers! Nakalabas ako,” ayon sa tweet ni Tom ngayong araw, September 12, Huwebes.

Iniulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong September 11, Miyerkules, na na-confine sa St. Luke’s Hospital ang bida ng My Husband’s Lover noong September 6, Biyernes. Nakapanayam namin ang aktor sa press conference ng Cosmo Bachelor Bash noong Setyembre 10, Martes.

(Read: Tom Rodriguez not yet fully recovered from illness)

Sa press conference ay ikinuwento ng aktor na kahit hindi pa siya lubusang magaling ay nagpaalam muna siya sa doktor para makadalo sa press conference na ginanap sa 55 Events Place sa may Tomas Morato, Quezon City.

Hindi kinumpirma Tom sa naturang interview na mayroon siyang dengue dahil sumasailalim pa siya sa mga tests, pero patuloy raw ang pagbaba ng kanyang platelet count, na isang sintomas ng dengue.

September 11, Miyerkules, ay sinabi ni Tom sa account niyang @akosimangtongas na "back to work" na siya.

Noong araw pa ngang maospital si Tom ay tila wala siyang balak na ipaalam ito, subalit dahil sa mensahe sa kanya sa Twitter ng ilang kakilala, sumagot si Tom na huwag silang mag-alala dahil sinusuri naman siya nang mabuti ng mga doktor.

“I dont know how it got out, pero I just want to thank everyone for all your concern :) dont worry guys im under expert care:) labyu ol!” sabi ni Tom.

Tinawagan ng PEP si Tom para saana sa karagdagang impormasyon subalit hindi ito sumasagot sa telepono.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN