Judy Ann Santos remains a Kapamilya; signs two-year contract

Sa kanyang pagpirma muli sa ABS-CBN, ipinaalala ni Judy Ann Santos ang pahayag niya noon na ang first option niya palagi ay ang Kapamilya network.


Mananatiling Kapamilya ang young superstar na si Judy Ann Santos.

Ito ay matapos siyang pumirma muli ng kontrata sa ABS-CBN noong Miyerkules, September 11.

Kasama ni Judy Ann na pumirma ng kontrata ang kanyang manager na si Alfie Lorenzo. Sa parte naman ng ABS-CBN ay dumalo ang top executives na sina Ms. Charo Santos-Concio, Ms. Cory Vidanes, at Laurenti Dyogi.

Bago ang pagpirmang muli ni Judy Ann sa ABS-CBN ay lumabas ang espekulasyon na baka lumipat na siya ng ibang network, dahil na rin sa maagang pagwawakas ng kanyang comeback drama series na Huwag Ka Lang Mawawala.

Sa farewell presscon ay naging emosyunal pa nga ang aktres at sinabing bukas siyang makipag-usap sa ibang network.

(Read: Judy Ann Santos on negotiating with other networks: "First option will always be ABS.")

Ngunit paglilinaw ni Judy Ann, “Ang naalala ko, the last word I said naman sa presscon, di ba, ‘ABS will always be our first option.’

“With regards with talks na nangyayari with other networks, nandiyan naman kami para makinig.

“I’m a Kapamilya, hindi ko naman talaga puwedeng itanggi na first option will always be ABS.”

Ayon kay Judy Ann, two years ang pinirmahan niyang kontrata ngayon sa Kapamilya network.

Kabilang sa mga proyektong gagawin niya ang reality show na Bet On My Baby at isang teleserye.



NOT ABOUT THE MONEY. Kinumpirma ng TV5 na may offer sila kay Juday at balitang hindi biro ang talent fee na inaalok nila sa aktres para lang lumipat ito sa kanila.

Ngunit sa huli ay pinili pa rin ni Judy Ann na maging isang Kapamilya at tinanggihan ang malaking offer ng Kapatid network.

Sabi ng aktres, “Oo naman, hindi naman ako magpapaka-plastic na lahat naman tayo kailangang kumita ng pera.

“Pero at the end of the day, iisipin mo rin, ano ba talaga ang mas makakabuti sa iyo?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At the same time, saan ka ba magiging masaya, saan ba mas naba-value ang worth mo bilang isang tao at bilang isang artista?

“Saka ako mismo, pinaplano ko rin naman kung saan ba ako dapat pumunta, ano bang path ng career puwede kong buksan para maiba naman ang nakikita ng tao sa akin.

“There are lot of things you have to consider but, at the end of the day, dun ka babagsak sa kung saan ka kumportable at kung saan ka papakinggan.

“May mga tampuhan, may mga samaan ng loob, pero sa palagay ko, kung walang ganun, hindi ka matututo bilang isang tao.

“Hindi mo rin malalaman kung paano mo ba iha-handle ang mga susunod pang problema sa mga darating pa na panahon.”

Patuloy niya, “Ako, naniniwala ako na lahat ng ito nangyari for a reason. It made a better person.

“At the same time, it made me realize na, okay, alam ko kung saan ako.

“In fairness naman sa amin ni Tito Alfie, ayaw kasi naming ipakita rin parang magwe-welcome ka ng talks with the other networks, at the end of the day, hindi naman din magiging okay.

“Dun kasi lumalabas yung usapan na, ‘A, nasilaw sa ganito! A, kasi ganun, kasi ganito.’

“Dun muna tayo makipag-settle sa unang option. Kung hindi matuloy, saka tayo pumunta sa ibang option.

“It was never na sabay-sabay na meeting.

"At the same time, kasi ang pangit din naman ng magiging dating ko sa mga network producers na lahat sila kinausap ko, tapos wala naman akong tinupad na usapan.

“Ayoko na maging ganun ang tingin sa akin ng mga tao na sa tuwing may matatapos na kontrata, lahat kakausapin.”



NEW LOOK. Kapansin-pansin din ang bagong hairstyle ni Judy Ann sa contract signing niya sa ABS-CBN.

Inamin ng 35-year-old actress na nangangahulugan ito ng mga pagbabago ngayon sa buhay niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Maiba naman, bagong buhay, bagong chapter ng life.

“For a change, at the same time, kung ano yung nakaraan, yun na yun.

“Di ba, sabi nga nila, kung gusto ng isang babae magbigay ng change sa buhay niya, sinisimulan sa buhok?

“Ako, maliban sa change sa buhay, ayoko lang nagtatali ng buhok, nahihirapan ako.”

Ramdam din ang positibong aura ng aktres, kung saan kita ang pagiging masaya at kalmante niya.

Ayon kay Judy Ann, may kinalaman ito “sa pagle-let go ng mga negative vibes at the same time pagtanggap ng reality and challenges na this is life.”

Dagdag niya, “You really cannot control it at hindi mo puwedeng sabihin na, ‘Ako ang driver ng buhay ko, mangyayari kung ano ang gusto kong mangyari.’ Kasi, hindi talaga.

“May mga susulpot na mga challenges na biglang magbabago ng pagkatao mo, at the same time, babalik ka rin sa core mo na love and family.

“Para sa akin ngayon, I just know where I am right now.

“At the same time, ine-enjoy ko na lang ang lahat.

“Kasi naisip ko na kung lahat ng bagay seseryosohin at dadamdamin ko, dadami lalo ang wrinkles ko, sayang mga endorsements.

“Aalagaan ko na lang ang sarili ko at gusto kong maka-inspire ng mga tao na ang pagiging positive ay nakakahawa.

“Yung pag-smile sa isang buong araw, nakakabuo ka ng isang araw ng isang tao.

“Kung ano ang issue mo, issue mo na yun sa sarili mo, huwag mo nang ibigay sa iba kasi may sari-sarili rin silang issue.

“Happy lang ako, happy lang ako na hanggang ngayon, nandiyan pa rin ang mga tao at nag-aabang sa akin.”



SEPARATE DECISIONS. Sa kabila ng pagiging mag-asawa nila ni Ryan Agoncillo, ayon kay Judy Ann, may kanya-kaniya pa rin silang desisyon pagdating sa kanilang showbiz career.

Tapos na rin kasi ang kontrata ni Ryan sa TV5 at sinabi nitong bukas na siyang makipag-usap sa ibang networks.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

(Read: Ryan Agoncillo on next career plan: "Things are looking good for me and GMA right now...")

Pahayag ni Judy Ann tungkol dito, “Kami naman ni Ryan, when it comes to work, hindi kami nag-uusap about it.

“Kasi both of us believe, nagkakilala naman kami na magkaiba kami ng ginagawang proyekto. O magkasama man, hindi kami nakikialam sa kontrata ng isa’t isa.

“Dun kasi nagsisismula ang ano ng mag-asawa… doubts. At the same time, nagka-clash na kayo.

“Negosyo ito… bilang negosyo namin ito, we try to avoid talking about our work kasi hangga’t maaari, pag sa bahay, we talk about family, going out, we talk about ourselves.

“Pero siyempre, yung mga moments na lowest time ng mga nakaraang buwan, si Ryan talaga ang unang-unang tao na kinausap ko.

“Kasi siya yung tao na hindi ka niya kakampihan kasi asawa ka niya.

“Siya yung magsasabi sa iyo punto per punto na, ‘Ito kasi ‘yan.’

“Sa kanya, ‘Sinabi ko lang sa iyo, ikaw pa rin naman ang magde-decide.’”

Naospital kamakailan si Ryan dahil sa sakit na dengue. Ayon sa aktres ay maayos na ang kalagayan ng asawa ngayon.

“He is better now, nagpapalakas, kasi medyo bumagsak yung katawan.

“Kasi isang linggo din kami sa hospital, but he’s okay na,” sabi ni Judy Ann.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN