Sarah Geronimo refuses to talk about rumored suitor Matteo Guidicelli

“Basta gusto kong maging truthful sa inyo the best way that I can. Gusto ko pong manahimik na lang muna,” says Sarah Geronimo when asked about her relationship with rumored suitor Matteo Guidicelli.


Bilang isa sa mga ambassador ng isang mobile messaging application, hindi naiwasan ng media na biruin si Sarah Geronimo kung paano sila nakapag-uusap ng rumored suitor nitong si Matteo Guidicelli.

Si Sarah kasi ay endorser ng Kakao Talk, samantalang si Matteo naman ay kilalang endorser ng Line, ang kalaban nitong mobile messaging application.

“Hindi naman kami puwedeng mag-usap dahil sa competitor siya, e, di ba?” sabi ni Sarah, nang sandali siyang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media sa press launch ng Kakao Talk, kagabi, September 16.

Nang kumustahin ng media ang pagkakaibigan nila ni Matteo, ang matipid na sagot ni Sarah: “Okay naman.”

Bagamat nauna nang pinabulaanan ni Matteo ang sinasabing panliligaw niya kay Sarah, may ilan pa ring patuloy na nang-iintriga sa dalawa.

Sinabi na noon ni Matteo sa isang interbyu, na lumabas dito sa PEP, “We’re just friends.”

(Read: Matteo Guidicelli insists he’s not courting Sarah Geronimo)

Samantala, sa tono ng sagot ng Popstar Princess, tila umiiwas siyang sagutin ang mga tanong tungkol sa Galema actor.

Aniya, “Ayaw ko pong ano… kumbaga, okay lang na hanggang doon na lang muna natin…

“Kung ano man yung sasabihin ko, ayaw ko naman pong magsalita ng…

“Basta gusto kong maging truthful sa inyo the best way that I can.”

Dagdag niya sa huli, “Gusto ko pong manahimik na lang muna.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN