Dingdong Dantes on staying with GMA-7: "Home is where the heart is!"

Dingdong Dantes on his five-year contract with GMA-7: "Sa stage po na ito sa aking buhay, career... e, thirty-three [years old] na po ako, e. Pag ako po papasok sa isang commitment, mas maganda na pong pangmatagalan."


“Overwhelming” ang naging paglalarawan ni Dingdong Dantes sa kanyang nararamdaman pagkatapos pumirma muli ng kontrata sa GMA-7.

Naganap ang contract signing sa McKinley Hall Manila Polo Club noong Sabado ng umaga, September 14.

(Read: Dingdong Dantes renews contract with GMA-7; acknowledged as "Kapuso Primetime King")

Paliwanag pa ng Kapuso actor, “Overwhelming because you can’t describe it in one word.

“Parang, sabi ko, para siyang birthday, para siyang rebirth. Parang it’s a renewal of my commitment.

“Parang… alam mo yung ang daming pakiramdam? Masaya na nakaka-emo din kasi, looking back, ang tagal ko na rin pala sa kanila.”

Eighteen years na ang inilalagi ni Dingdong sa GMA-7, kung saan nagsimula siya noong 1995 sa pamamagitan ng youth-oriented series na T.G.I.S.

Gaano katagal niyang pinag-isipan bago pumirma ulit sa Kapuso network?

Sagot ni Dingdong, “Nag-expire po yung kontrata ko, August, and practically it took a month yung pag-uusap.”

Ganun din daw katagal niyang pinag-isipan na manatiling Kapuso.

“That whole process.”



FIVE YEAR CONTRACT. Sino ang nagdesisyong limang taon ang pipirmahan niyang bagong kontrata?

Sabi ni Dingdong, “Alam ninyo, yung detaleyng ganun, si Perry [Lansigan, his manager] ang makakasagot.

“Pero sa pagkakaalam ko, sila rin [GMA-7] ang nagbigay ng option.”

Dagdag niya, “Hindi, kasi ano po, e, sa stage po na ito sa aking buhay, career... e, thirty-three [years old] na po ako, e.

“Pag ako po papasok sa isang commitment, mas maganda na pong pangmatagalan.”



OFFERS FROM OTHER NETWORKS. Dumating ba siya sa punto na naisipan niyang umalis na sa GMA-7 at lumipat sa ibang network?

Tugon ni Dingdong, “Kung sa umalis, hindi po, e.

“Ganito na lang po siguro… let’s put it this way—sa lahat naman ng trabaho, lahat ng profession, darating ang point na may crossroads kayong pagdadaanan.

“Na may major decision kayong gagawin sa buhay and ako, I consider siguro yung napagdaanan ko yung crossroad na iyon, especially at my age.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So there were options, yes.

“But at the end of the day, uuwi ka at pupunta ka kung ano yung dinidikta ng puso mo rather than yung idinidikta ng critical thinking mo.”

May offer ba sa kanya ang ABS-CBN noon?

Sagot ni Dingdong, “A, kung ako po tatanungin ninyo, physically kung nagkaroon man, e, wala po ako dun. Hindi ko po sila nakaharap.

“But I think my manager po, si Perry po talaga makakasagot niyan.”

Wala naman daw siyang alam na naging offer sa kanya ang TV5.

“Nothing, nothing, wala po. Wala pong ganung pag-aalok sa akin.”

Ano ang pinakamalaking dahilan kaya pumirma muli si Dingdong sa GMA-7?

“For fifteen years, nagtiwala sa akin ang GMA.

“Sa mga susunod na kabanata ng buhay ko, willing silang sumugal kasama ko.

“Na willing silang ibigay kung ano ang nararapat para sa akin.

"And parang that itself, grateful na po ako dun and, gaya ng sabi ko, home is where the heart is!”



MORE THAN AN ACTOR. Kasama ba sa pinirmahan niyang panibagong kontrata na hindi lang siya artista ng Kapuso network, kundi makapagbibigay na rin siya ng input at suggestions tungkol sa kanyang mga proyekto?

Saad ni Dingdong, “Alam ninyo, no man is an island, e. I mean, hindi ko naman puwedeng gawing mag-isa yun.

“Kaya nga ang magandang anggulo o aspeto sa contract namin is that they’re open to collaboration. They are open to collaboration with me.

"And ako, I cannot do it alone. I also need to have people around me whom I can collaborate with.

“So, importante rin yung mga taong nasa likod ko na tumutulong sa akin, na gumagabay sa akin.”

Sa limang taon niyang guaranteed contract ay magbabalik din ba siya sa pagiging direktor?

Nagdirek na si Dingdong dati ng isang pelikula (Angels) at isang horror series (Wag Kukurap).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yes, yes,” kumpirma niya.

Kailan siya ulit magdidirek?

“Sana, e, siguro mga two years, a couple of years.

“Pinaghahandaan ko po, e. May materyal.

“Could be TV, pero siyempre mas maganda kung pelikula. Could be TV.”

May hosting din?

“Maaari, meron din po.”



MOVIE CONTRACT. Kasama rin ba sa bagong kontrata niya ang paggawa ng pelikula sa GMA Films?

Tugon niya, “A, hindi, magkaiba po yun.

“Although it’s encompassing also, kasi I believe naman na GMA Films is one branch, isang sanga ng GMA.

“Pero yung pinirmahan ko, it encompasses everything naman.”

Pero hindi siya exclusive sa GMA Films?

“Yes. Like what I’ve said, pretty much kung ano po yung estado ng kontrata ko dati e ganun pa rin ngayon.

“Kumbaga, open pa rin ako sa pagtatrabaho outside of television.

“Kasi, alam ninyo ang pananaw ko diyan, napakaliit lang ng industriya, di ba?”

Nakagawa na si Dingdong ng dalawang pelikula sa Star Cinema (Segunda Mano at One More Try), at kasalukuyan niyang ginagawa ang pangatlo niyang pelikula dito (She’s The One).

Open din si Dingdong na muling makipag-co-produce sa GMA Films, gaya ng pelikulang Tiktik: The Aswang Chronicles (2012).

Meron din daw tsansa na makipag-co-prod siya muli sa Star Cinema.

“Meron din naman po. Kumbaga, at the end of the day, kung ano ang magiging beneficial sa buong industry, doon tayo,” sabi ni Dingdong.

Sa hiwalay na panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa kasintahan ni Dingdong na si Marian Rivera, sinabi nitong gusto niyang makagawa rin ng pelikula sa Star Cinema.

Ano ang reaksiyon dito ni Dingdong?

“Maganda naman na mabigyan siya ng chance to also work outside of the network.

“Alam ninyo, this is what I always think—kahit saan man kami mapunta, we will always represent GMA.

“And kaya sa mga occasions na ganun, proudly nire-represent namin ang GMA dahil bihira lang ang mga pagkakataong ganun na makapunta kami sa ibang channel.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN