(UPDATED) Raymart Santiago submits evidence against wife Claudine Barretto

Naiyak ang aktor na si Raymart Santiago matapos isumite ang mga ebidensiya niya laban sa asawang si Claudine Barretto. Kasama sa ebidensiya ng aktor ang mga larawang nagpapakita ng mga pasa niya sa iba’t ibang bahagi ng katawan, na natamo raw niya mula sa aktres.


Nagsumite ngayong araw, September 24, ng 22-pahinang counter-affidavit si Raymart Santiago upang pabulaanan ang mga akusasyon laban sa kanya ng asawang si Claudine Barretto.

Kalakip sa counter-affidavit ni Raymart ang ilang mga larawan na magpapatunay diumano na siya ang nakaranas ng pananakit mula kay Claudine.

Makikita sa mga larawan ang pasa sa iba’t ibang bahagi ng katawan ng aktor, na natamo raw niya mula sa asawa.

Matatandaang una nang naghain ng reklamo si Claudine ng pananakit o domestic violence laban kay Raymart.

Humihingi rin ng Permanent Protection Order (PPO) ang aktres laban sa aktor.

(Read: Claudine Barretto files violation of R.A. 9262 against husband Raymart Santiago)

Kasama rin sa ipinasang ebidensiya ni Raymart kanina, sa Office of the City Prosecutor ng Marikina, ang sworn statements mula sa mga kapatid ni Claudine, na sina Gretchen, Marjorie, at J.J. Barretto.

Sa Instagram photo na in-upload ng Showbiz Police reporter MJ Marfori, matapos magsumite ni Raymart ng counter-affidavit ngayong araw, makikita ang larawan ng aktor na namumugto ang mga mata.

Sa panayam ng GMA News sa aktor, ipinaliwanag ni Raymart na nalulungkot siya, kaya siya napaluha.

"Sa totoo lang, malungkot ako dahil kailangan pang lumabas ang lahat ng ito.

"Kagaya ng sinabi ko, hindi ko ginustong ilabas ito.

"Pero ganun sila, e, marami silang ’nilalabas," pagtukoy ng aktor sa kampo ni Claudine.

Patuloy niya, "Kailangan ko lang din sumagot. Siguro para din sa mga anak ko, para malaman nila ang totoo."

Pagkatapos nito ay napaupo si Raymart, at naluluhang sinabi nito, "Nakakalungkot kasi nandoon yung mga anak ko. Ang pangit lang ng nangyari."

Dumating din si Claudine kanina, ngunit tumangging magbigay ng pahayag ang aktres.

ATTY. TOPACIO’S REACTION. Samantala, kinuha ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang reaksiyon ng abugado ni Claudine, na si Atty. Ferdinand Topacio, kaugnay ng pagsusumite ng counter-affidavit ni Raymart.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Atty. Topacio, sa statement na ipinadala niya sa PEP ngayong gabi, September 24:

"For one, Mr. Santiago is a martial arts expert and an action star, so it is difficult to believe how a person of my client’s diminutive physique can cause him the injuries he claims.

"Second, it is a cheap attempt to muddle the issue as to whether or not he inflicted physical, emotional, psychological, and economic abuse upon Ms. Barretto."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN