Senator Jinggoy Estrada criticizes fellow senators in privilege speech on PDAF issue

"Nahusgahan na kami nang walang kalaban-laban, lalo ng ng makapangyarihang mga alagad ng media," pahayag ni Senator Jinggoy Estrada kaugnay ng pagkakadawit niya at mga kapwa senador sa pork barrel scam.


Isang oras at sampung minuto ang inabot ng privilege speech ni Senador Jinggoy Estrada kaninang hapon, Setyembre 25.

Tinalakay ng actor-politician sa kanyang talumpati ang pagkakasangkot nila nina Senador Juan Ponce Enrile at Senador Bong Revilla Jr. sa multi-billion Priority Development Assistance Fund (PDAF) o pork barrel scam.

Kinasuhan ang tatlong senador ng plunder at malversation of funds noong September 16 ng Department of Justice at National Bureau of Investigation kaugnay ng paggamit nila ng kanilang PDAF.

Sa kanyang privilege speech kanina ay binanggit ni Senator Jinggoy ang pangalan ng ibang mga mambabatas na diumano’y kuwestiyonable rin ang paggamit sa kanilang PDAF.

Ang mga tinukoy niya ay ang mga kapwa senador na sina Miriam Defensor Santiago, Alan Peter Cayetano, Kiko Pangilinan, at Manny Villar.

Sina Santiago at Cayetano ay nasa Senado pa, habang sina Pangilinan at Villar ay natapos na ang mga termino.

Sabi ni Senator Jinggoy sa kanyang talumpati, "Matanong ko lang po, Mr. President [Senator Franklin Drilon], bakit ba ho ang direksiyon ng imbestigasyon ng Blue Ribbon ay tila nililimitahan ng komite sa mga foundation na nauugnay kay Janet Lim Napoles?"

Si Napoles ang itinuturong utak ng multi-billion pork barrel scam. Kasalukuyang naka-detain si Napoles sa Fort Santo Domingo sa Santa Rosa, Laguna, habang iniimbestigahan ang kaso.

Patuloy ni Senator Jinggoy, "Hindi ba’t may higit sa walumpu’t dalawa ang foundations na nakasaad sa COA report na sinasabing may bahid na katiwalian?

"Sadya bang nagbubulag-bulagan lang sila kaya hindi nakikita ang ibang nilalaman ng COA report? Katulad ng hindi pagbusisi ng Blue Ribbon Committee patungkol sa pondong inilaan ng ilang mambabatas sa sarili nilang korporasyon o NGO?

"As blatant and as violative of a law as this, and yet this does not even merit a mere mention in the Blue Ribbon investigation?

"Biruin mo, inilagay ang pondo sa isang NGO foundation na sila mismo ang incorporator o board of director at stockholder?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"E, di parang kumuha ka ng pera mula sa isang bulsa at inilagay sa isang bulsa, di po ba, Ginoong Pangulo?

"At heto pa, hindi ba’t paulit-ulit na sinasabi ni Senador [Teofisto ’TG’] Guingona sa hearing ang tungkol sa mga kuwestiyonableng transaksiyon diumano ng mga Napoles NGOs at mga suppliers nito?

"E, bakit hindi niya nakikita o binabanggit na paulit-ulit din sa Blue Ribbon hearing ang mga kuwestiyonableng transaksiyon naman ng mga local government units na siyang nag-implement ng proyektong pinondohan mula sa PDAF ng ilang mambabatas?

"Ayon din sa COA report, merong P1.2 billion in LGU transactions o local government unit transactions funded from PDAF na hindi po nagko-comply sa procurement law."

Ilan daw sa mga pinanggalingan ng P1.2 billion na ito ay mula sa PDAF nina Defensor-Santiago, Cayetano, Pangilinan, at Villar.

Tanong pa ni Senator Jinggoy: "Bakit hindi po nababanggit ang mga ito? Dahil sa sila ay kaalyado ninyo?"

Dagdag niya, "Pero hindi ko naman po sinasabi na sila ay nagkasala. Ito po ay base sa COA report na meron po raw irregularities ang kanilang pinaglaanan na pondo."

Bukod sa mga kapwa niya senador, pinangalanan din ni Senator Jinggoy sa kanyang talumpati si Mandaluyong Congressman Neptali Gonzales Jr. at Party-List Representative Florencio Noel.

Binatikos din ni Senator Jinggoy si Commission on Audit Chair Maria Gracia Pulido-Tan dahil sa pagsali raw nito sa "PDAF teleserye," sa pamamagitan ng paglalabas sa media ng resulta ng kanilang special audit.

GUILTY BY PUBLICITY. Naglabas din ng kanyang saloobin si Senator Jinggoy kaugnay ng panghuhusga sa kanila.

"Kaya ngayon, anumang pagpapaliwanag ay hindi na pinakikinggan at hindi na matanggap ng galit nating mga mamamayan dahil nakundisyon na ang kanilang paniniwala ng walang humpay na istorya sa media.

"Hindi pa man nagpasya ang mga naatasan ng Pangulo na suriin ang mga testimonya at magsampa ng kaukulang kaso base sa ebidensiya, nahusgahan na kami nang walang kalaban-laban, lalo ng ng makapangyarihang mga alagad ng media.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Masakit at mabigat ang mga paratang na ito. Ngunit higit na masakit ay ang kawalan ng katarungan at walang habas na pagdidiin at panggigipit sa amin sa isang hindi patas na paliwanagan."



SHARON’S TWEETS. Kaugnay ng pagdawit ni Senator Jinggoy ng pangalan ni Kiko Pangilinan ay nagbigay agad ng reaksiyon ang asawa nitong si Sharon Cuneta, sa pamamagitan ng Twitter.

Ipinagtanggol ni Sharon ang asawa laban sa akusasyon ni Senator Jinggoy.

Hinamon din ng Megastar ang sinumang makapagpapatunay na may ninakaw sa kanyang PDAF si Kiko: "I will give you P10 million in cash and I will leave my husband."

(Read: Sharon Cuneta defends husband Kiko Pangilinan against Senator Jinggoy Estrada)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN