Raymart Santiago claims wife Claudine Barretto is a drug user

May isa pang matinding ebidensiya na isinumite si Raymart Santiago laban sa asawang si Claudine Barretto. Ito ay ang larawan at video kung saan nagtuturok diumano ng ipinagbabawal na gamot ang aktres.


“Hay naku are u kidding me???how low can u go?”

Ito ang tweet ng aktres na si Claudine Barretto ilang sandali matapos isumite ng asawang si Raymart Santiago ang counter-affidavit nito sa Office of the City Prosecutor ng Marikina noong Martes, September 24.

Hindi direktang tinukoy ni Claudine kung ang tweet niyang ito ay patungkol kay Raymart.

Kalakip ng counter-affidavit ni Raymart ang mga ebidensiya niya laban kay Claudine, bilang sagot sa nauna nang reklamong domestic violence ng aktres laban sa aktor.

Kabilang dito ang mga larawan ni Raymart na nagpapakita ng mga pasa niya sa iba’t ibang bahagi ng katawan, na natamo diumano niya mula sa pananakit ni Claudine.

Mayroon ding mga sinumpaang salaysay ang mga kapatid ni Claudine na sina Gretchen, Marjorie, at J.J. Barretto.

(Read: Raymart Santiago submits evidence against wife Claudine Barretto)



ALLEGED DRUG USE. Maliban sa mga ito, ayon sa report ng TV Patrol ng ABS-CBN noon ding September 24, may isa pang mas matinding ebidensiyang isinumite sa korte si Raymart.

Ito ay ang testimonya ng aktor tungkol sa paggamit diumano ng ipinagbabawal na gamot ni Claudine.

Upang patunayan ang kanyang alegasyon ay nagsumite si Raymart ng larawan at video, kung saan makikitang nagtuturok diumano ang aktres ng injection sa kanyang braso.

Kalakip din nito ang medical record na nagsasaad daw na positibo ang aktres sa droga.

Ayon kay Raymart, ang mga naturang ebidensiya umano ang magpapatunay na wala sa tamang pag-iisip ang kanyang asawa.

Sabi ng aktor, “Pag under the influence ka, hindi mo alam kung ano’ng ginagawa mo, yun, sa mga ganung bagay, di ba?

"Kaya nga ’pinagbabawal yun, di ba?”



NOT TRUE. Ayon naman sa legal counsel ni Claudine na si Atty. Junelet Mataro, hindi pa makapagbibigay ng opisyal na pahayag si Claudine dahil kakasumite pa lang ng reklamo ni Raymart sa Prosecutor’s Office.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngunit pinaninindigan ni Atty. Mataro na walang katotohanan ang mga ibinibintang ng aktor sa kanyang kliyente.

Aniya, sa sariling panayam nito sa TV Patrol, “Of course, I will say that these are all lies because we also have our own evidence to prove his actions.”

Si Atty. Mataro ang may hawak ng kasong paglabag sa R.A. 9262 o Violence Against Women and their Children Act na isinampa ni Claudine laban kay Raymart.



HOLDING ON. Samantala, sa kanyang Twitter account (@itsmeclaudineb) ay nagpasalamat si Claudine sa mga masusugid niyang followers na patuloy na sumusuporta sa kanya.

“Thank u all for all ur Prayers & support & for giving me d strength i need to surpass each Trial wid a smile everyday.thank u po.”

Nagpasalamat din si Claudine sa isa pa niyang legal counsel, si Atty. Ferdinand Topacio, na nagpadala sa kanya ng inspirational quote sa pamamagitan din ng Twitter.

Ani Atty. Topacio: “@itsmeclaudineb No weapon formed against you shall prosper. Isaiah 54:17”

Simpleng “thanks Atty” ang maiksing tugon ng aktres sa mensaheng ito ng kanyang abugado.

Sinubukan ng PEP na hingan ng karagdagang pahayag si Atty. Topacio tungkol dito, ngunit hindi pa ito sumasagot sa text message at tawag namin sa telepono.

Mananatiling bukas ang PEP sa anumang nais ipahayag ng kampo ni Claudine hinggil sa mga alegasyon ni Raymart.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN