Laguna Governor ER Ejercito surprised by Comelec’s decision to disqualify him

Ito ang bahagi ng pahayag ni Laguna Governor ER Ejercito sa desisyon ng Comele na diskwalipikahin siya dahil sa "overspending" noong May 2013 elections: "HINDI PA TAPOS ANG KASO. TULOY TULOY PA PO ANG LABAN AT SAMANTALANG GUMUGULONG ANG PROCESO, AKO PA RIN PO ANG GOBERNADOR NG LALAWIGAN NG LAGUNA. WALANG MAGBABAGO SA PAMAMAHALA AT TULOY TULOY PO ANG ATING PAGSESERBISYO SA LALAWIGAN."


Ikinagulat ni Laguna Governor ER Ejkercito ang naging desisyon ng Commission on Elections (Comelec) First Division na idiskwalipika siya dahil sa "overspending" noong May 2013 elections.

Muling nahahalal bilang gobernador ng lalawigan ng Laguna ang actor-politician.

Ngunit sa pagsusuri ng Comelec ay napag-alaman nila na lagpas sa maximum budget na P4.5 million ang ginastos ni Governor ER sa pangangampanya noong nakaraang eleksyon.

Ayon kay Comelec Chairman Sixto Brillantes, P6 million ang nagasta ni Governor ER sa TV advertisements pa lamang. Hindi pa kasama rito ang ibang ginastos nito sa kampanya.

(Read: Comelec disqualifies Governor ER Ejercito for "overspending" in May 2013 elections)

Sa statement na ipinadala ni Governor ER sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ngayong gabi, September 26, ay ipinahayag nito ang kanyang nararamdaman sa naging desisyon ng Comelec:

"NAKAKAGULAT..NAKAKALUNGKOT. HINDI KO INAASAHAN NA AKO AY MAGIGING BIKTIMA NG LUMALALANG PULITIKA.

"TRABAHO LANG AT SERBISYO PUBLIKO ANG PAKAY KO AT ANG KAPAKANAN NG AKING MGA KALALAWIGAN ANG AKING LAYUNIN.

"HINDI PA TAPOS ANG KASO. TULOY TULOY PA PO ANG LABAN AT SAMANTALANG GUMUGULONG ANG PROCESO, AKO PA RIN PO ANG GOBERNADOR NG LALAWIGAN NG LAGUNA. WALANG MAGBABAGO SA PAMAMAHALA AT TULOY TULOY PO ANG ATING PAGSESERBISYO SA LALAWIGAN.

"PATULOY PO NAMING IPAPALIWANAG SA KAGALANG-GALANG NA COMELEC KUNG BAKIT HINDI TAMA ANG KANILANG DESISYON.

"SA BANDANG HULI, LAHAT NG ITO AY AKING MALALAMPASAN, MANANAIG ANG KATOTOHANAN AT ANG KAPANGYARIHAN NG BATAS ANG IIRAL..."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN