Raymart Santiago holds more evidence against Claudine Barretto: "Depensa ko yun sa sarili ko. Meron pa tayong pang-opensa."

Iginiit ni Raymart Santiago na ang pagsumite niya sa korte ng ebidensiya laban sa asawang si Claudine Barretto ay bilang depensa lamang sa sarili. Sabi nito, “Ilang beses kong pinag-isipan at pinag-aralan, pero pilit nila akong itinutulak, e. Parang napilitan din ’kong ilabas yung mga hawak ko.”


Nagiging emosyunal si Raymart Santiago kapag napag-uusapan ang mga rebelasyon sa counter-affidavit na isinumite niya sa Marikina Prosecutor’s Office noong September 24.

Ang counter-affidavit ay sagot ng aktor sa asawang si Claudine Barretto, na naunang naghain ng reklamo laban kay Raymart, dahil biktima umano si Claudine ng domestic violence.

Hindi raw maisip ni Raymart na aabot sa ganito ang pagsasama nila ni Claudine, at hindi daw niya ito kagustuhan.

“Hindi ko naman ginusto yung nangyari,” sabi ni Raymart, nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Startalk, kahapon, September 26.

Naganap ang interbyu sa story conference ng Villa Quintana, ang upcoming afternoon soap ng GMA Network, kung saan nasa cast si Raymart.

Sabi ni Raymart tungkol sa isinumiteng counter-affidavit: “Napilitan lang akong sagutin yung ibinabato nila sa akin.

“Yun lang ang inilabas ko para maipagtanggol ko ang sarili ko.

“Ilang beses kong pinag-isipan at pinag-aralan, pero pilit nila akong itinutulak, e.

“Parang napilitan din ’kong ilabas yung mga hawak ko.”



MORE EVIDENCE AGAINST CLAUDINE. Kasama sa counter-affidavit ni Raymart ang mga larawan na nagpapakita ng mga pasa at galos niya sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Natamo raw niya ang mga ito mula sa pananakit sa kanya ni Claudine, dahil siya raw, at hindi si Claudine, ang naging biktima ng domestic violence. (View photos)

Mayroon ding sworn statements na kasama sa counter-affidavit, mula sa mga kapatid ni Claudine na sina Gretchen, Marjorie, at Joaquin Jose (J.J.) Barretto.

At naroon din ang mismong testimonya ng aktor tungkol sa paggamit diumano ni Claudine ng ipinagbabawal na gamot.

(Read: Raymart Santiago claims wife Claudine Barretto is a drug user)

Sa tono ng mga pahayag ni Raymart, mukhang marami pa siyang pasabog laban sa asawa.

Ayon sa Kapuso actor, “Actually, yung mga inilabas ko, yun pa lang ang sagot ko sa mga ibinato nila sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yung mga ibinigay kong ebidensiya ay mga sagot sa pag-akusa sa akin.

“Kumbaga, depensa ko yun sa sarili ko. Meron pa tayong pang-opensa.”

Dagdag niyang pahayag, “Lalabas naman ’yan sa korte lahat.

“Ayoko na ring himayin, dahil may mga bagay na ganun din naman ang tingin ko sa sarili ko, na nagtiis din ako.

“Kagaya nang sinabi ko din dati, sana inayos na lang namin ito privately.

“Nung una naman, ayoko din namang magsalita.

“Yung pribadong buhay ko, ayoko ding pag-usapan mula noon pa.”



NEW LIFE. Nakahanda na raw si Raymart harapin ang bagong buhay na siya na lang mag-isa.

Ngunit umaasa raw ang aktor na makakasama pa ang dalawa nilang anak ni Claudine.

Sa ngayon ay nakatira raw si Raymart sa isang kaibigan, at ang susunod na hakbang daw ay ang pagkuha niya ng sariling bahay.

Saad ng asawa ni Claudine, “Sa akin, may mga problemang dumarating tayo. Sa akin, tuloy lang.

“At nagpapasalamat ako na binigyan ako ng project ng GMA at nagtitiwala sila sa akin. Nagpapasalamat ako sa kanila.”


IS RECONCILIATION POSSIBLE? Tinatanong ng PEP kung may puwang pa sa puso niyang magkaayos sila ni Claudine at magkabalikan.

May natitira pa ba siyang pagmamahal sa asawa?

Ayon kay Raymart, “Alam mo, hindi ko masasagot ‘yan, e, dahil magiging ipokrito naman ako.

“Siyempre, kahit papano, maiisip ko kung paano mo nagawa sa akin. Sacrifices din na ginawa ko.

“Yun lang, parang masakit para sa akin.”

Alanganin man ang sagot ni Raymart, sa huli ay sinabi nitong mahirap nang maibalik ang dati.

“Sa ngayon, kung ako’ng tatanungin… Ayun, tapos na,” malungkot niyang sagot.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN