Jericho Rosales on Kim Jones and Heart Evangelista crossing paths: "no big deal"

Jericho Rosales did not think of career issues when he proposed to Kim Jones: “Ang naisip ko lang, I’d be more blessed. I’d be more inspired. God is gonna give favor sa life ko. Siyempre, honoring someone, parang marriage nga, e, di ba? May magandang balik ‘yan, e. Sabi ng bible kasi, ‘Enjoy the wife of your youth.’”

 


Maayos na sinagot ni Jericho Rosales ang isyu ng pagkukrus ng landas ng fiancé niyang si Kim Jones at ex-girlfriend na si Heart Evangelista.

Aniya, hindi na dapat bigyan ng kulay ang pagkikita ng dalawa sa press launch ng isang timepiece brand noong September 17.

“Yeah, I know. But, no big deal,” nakangiting sagot nito sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa aktor noong Huwebes, September 26.

Nagkaroon ba ng pagkakataong makapag-usap sina Kim at Heart?

“I don’t know. I have no idea.”

Maituturing ng iba na awkward situation ang pagsasama sa isang event nina Kim at Heart.

Pero ayon kay Jericho, si Kim ang tipo ng tao na sadyang cool at confident kapag nahaharap sa anumang sitwasyon.

Ngunit hindi na raw dapat bigyan ng kulay ang pagkikita ng dalawa.

Saad ng Kapamilya star, “Oh, yeah, she can handle herself well.

“Kumbaga, itong mga bagay na ito, doesn’t shake her.

“She would be herself. She would be respectful. She would be polite and approachable.

“She’s the coolest person on earth.”

Sa katunayan, ang positibong disposisyon ng Filipino-British TV host ang isa sa mga katangian daw na minahal ni Jericho.

“She’s a really positive person. That’s why I love her.

“Alam niya rin na ako rin, positive na tao.

“When I walk in a hallway, hi-hello ako sa mga tao. Gano’n din siya.”

Nauna nang nailathala sa PEP ang reaksyon ni Heart tungkol sa pagkikita nila ni Kim sa isang media event.

Dito ay nabanggit ni Heart na masaya siya para sa nalalapit na pagpapakasal ng dating nobyo kay Kim.

(Read: Heart Evangelista reveals secret of strong relationship with Senator Chiz Escudero)



“I’VE FOUND THE ONE.” Tila nasa cloud nine pa rin si Jericho, 34, nang kamustahin siya ng PEP tungkol sa engagement nila ni Kim, 25.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Matatandaang naging usap-usapan ang romantic proposal ng aktor kay Kim, na naganap sa New Life Christian Center, sa Alabang, noong August 4.

Kinuntsaba ni Jericho ang presiding pastor noong araw na iyon.

Pagkatapos mag-preach ng pastor, tinawag nito ang aktor upang magbigay ng testimoniya tungkol sa pag-ibig.

Ngunit ang tunay na pakay ni Jericho ay pormal na hingin ang kamay ng nobyang si Kim.

Paano siya dumating sa puntong handa na siyang magpakasal?

“I actually didn’t have an idea. It just struck me like lightning.

"Na parang, I had other plans. My plans were to go abroad, before kami naging together. And that changed.

"My priorities changed also. It just came. Sinorpresa lang ako ng presence niya.”

Hindi raw akalain ni Jericho na mahahanap niya ang babaeng gusto niyang makasama habambuhay.

“Parang feeling ko, medyo hindi ako naging successful sa side na yun, e. Muntik na akong mag-give up.

“And then she came. Parang nagkaroon ng bagong hope sa love and relationship.”

Kaya kahit wala pang dalawang taon silang magkarelasyon ay nag-propose na si Jericho kay Kim.

Opisyal silang naging magkasintahan noong October 2011.

Ani Jericho, “She’s an amazing woman. Hindi ko na pinatagal pa. I believe, alam ko na sa puso ko, na she’s the one.”


NOT SCARED TO COMMIT. Malaking bagay para sa isang lalaki ang magdesisyong sumabak sa isang lifetime commitment.

Lalo na sa eligible bachelor na tulad ni Jericho, ang pagpapakasal ay posibleng makaapekto sa kanyang karera bilang artista.

Pero talagang hindi raw ito sumagi sa isip ni Jericho.

Saad niya, “Sorry ha, ganito talaga ako. Hindi ko naisip yun, e.

“Ang naisip ko lang, I’d be more blessed. I’d be more inspired. God is gonna give favor sa life ko.

“Siyempre, honoring someone, parang marriage nga e ‘di ba? May magandang balik ‘yan, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sabi ng bible kasi, ‘Enjoy the wife of your youth.’”

Nang kumustahin namin ang kanilang wedding preparation, tumanggi si Jericho sabihin kung saan ang napili nilang venue at petsa ng kanilang kasal.

“Wala pa. We cannot announce anything yet. We want to keep that thing to ourselves for now.”



SUPPORTIVE WIFE-TO-BE. Wala raw dapat ipag-alala si Jericho tungkol sa kanyang showbiz career dahil tuloy pa rin ang paggawa niya ng proyekto, kahit makasal na siya.

“Nothing’s gonna change anyway.

“Gagawin ko pa rin yung trabaho ko. Nand’yan pa rin ako. Lalabas pa rin ako sa TV, movies, commercial. I’d be making music.

“It’s just that meron lang karagdagan sa buhay ko, na susuportahan ako sa lahat ng gusto kong gawin.

“Hindi naman niya ako nilimitahan sa kahit anong gusto kong gawin sa career ko.”

Sa kasalukuyan ay pinaghahandaan ni Jericho ang ABNKKBSNPLAko?! (Aba Nakakabasa Na Pala Ako?!), ang pelikulang pagtatambalan nila, sa kauna-unahang pagkataon, ni Andi Eigenmann.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN