Janine Gutierrez still undecided about joining beauty pageant

Pag-iisipan pa raw ni Janine Gutierrez ang pagsali sa isang beauty pageant. Paliwanag niya, “Siyempre, kung sasali ako, kailangang handang-handa. Kasi, hindi puwedeng balewala lang. Kung go, go talaga, hindi yung bahala na lang. So, pag-iisipan ko pa pong mabuti.”


Isa si Janine Gutierrez sa milyun-milyong Pilipino na nagbunyi sa pagkapanalo ni Megan Young sa Miss World 2013, na ginanap sa Bali, Indonesia, noong September 28.

Si Megan ang kauna-unahang Pinay na nakasungkit ng korona ng Miss World sa loob ng 63 taon.

(Read: Megan Young wins Miss World 2013!)

Sabi ni Janine, “I’m so happy for her. Super happy po ako sa kanya.

“Alam ko naman na pangarap na niya ang maging beauty queen.

“Saka ang galing niya, ang galing niya talaga. Kaya naman natuwa ako nung nanalo siya ng Miss World.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Janine sa dressing room ng Sunday All Stars, sa GMA Studios, noong Linggo, September 29.



BEAUTY-QUEEN MATERIAL. Marami ang naniniwalang, gaya ni Megan, kaya rin ni Janine na sumali sa isang national beauty pageant, at maging kinatawan ng Pilipinas sa isang international pageant.

Gusto bang sumali ni Janine kung saka-sakali?

“Naku, hindi ko pa po alam, e. Hindi ko pa po iniisip,” sagot ng panganay na anak nina Lotlot de Leon at Ramon Christopher.

Dagdag ni Janine, “Nagpapasalamat po ako sa mga nag-uudyok sa aking sumali.

“Kasi, dati naman, parang hindi naman ako pasok sa ganung bagay.

“Hindi ko po alam kasi, right now, naka-focus po talaga ako sa acting.”

Kailan siya magdedesisyong sumali sa isang beauty pageant?

Sagot ni Janine, “Wala po talaga akong concrete plans, e. Iisipin ko pa po.

“Siyempre, kung sasali ako, kailangang handang-handa. Kasi, hindi puwedeng balewala lang.

“Kung go, go talaga, hindi yung bahala na lang. So, pag-iisipan ko pa pong mabuti.”

Nag-aalangan ba siyang sumali dahil natatakot siyang matalo?

“Siyempre po, pag sumali ka, ang goal ay manalo. So, I’m sure may pressure.

“Kung magiging pambato ka ng Pilipinas, maraming umaasa na mag-uuwi ka ng parangal para sa bayan, di ba?

“I’m sure may halong pressure. Pero sa tingin ko, masaya rin siya,” sabi ni Janine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN