PEP EXCLUSIVE Part 1 Marjorie Barretto asks her dad: "When did I ever become a bad child?"

Nagsalita ngayon si Marjorie Barretto upang sagutin ang mga masasakit na salitang binitawan ng amang si Miguel Barretto laban sa kaniya at mga kapatid na sina Gretchen at J.J. Barretto.


“I am very hurt with the statement of my father.”

Ito ang bungad na pahayag ni Marjorie Barretto sa eksklusibong panayam sa kaniya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kagabi, Oktubre 1, sa pamamagitan ng telepono.

Ang tinutukoy ni Marjorie, ang ika-anim sa pitong anak nina Miguel at Estrella Barretto, ay ang mga binitawang salita ng ama sa isang presscon kahapon, Oktubre 1.

Ang press conference na ginanap sa Hotel Rembrandt, sa Quezon City, ay para sa bunsong kapatid ni Marjorie na si Claudine Barretto.

Dito ay sinagot ni Claudine at ng kanyang mga abugadong sina Atty. Ferdinand Topacio at Atty. Junelet Mataro ang mga alegasyon laban sa aktres ng asawang si Raymart Santiago.

Kasamang humarap sa media ni Claudine at ng kanyang mga abugado ang 76-year-old patriarch ng Barretto family, na mas kilala bilang Mike.

Kasabay ng pagtatanggol ni Mike Barretto sa bunsong anak ay ang pagbabatikos naman niya sa iba pang mga anak, na sina Joaquin Jose (J.J.), Gretchen, at Marjorie Barretto.

Pito ang anak nina Mike at Inday Barretto: Miguel Jr. (Mito), 53; Michelle (Mitchie), 52; Joaquin Jose (J.J.), 51; Gia, 44; Gretchen, 43; Marjorie, 39; at Claudine, 34.

Nagpakawala ng mga maaanghang na salita si Mike Barretto sa tatlong anak dahil kumampi diumano ang mga ito kay Raymart, nang magsumite sila ng affidavit laban kay Claudine.


MARJORIE’S AFFIDAVIT. Kung noong una ay mailap si Marjorie sa media pagdating sa mga kontrobersiyang nakapalibot sa pamilya Barretto, ngayon ay nagpaunlak siya ng interbyu sa PEP associate editor na si Erwin Santiago.

Kailangan na raw niyang linawin ang ilang bagay-bagay na naungkat sa presscon ng kapatid na si Claudine, para raw malinawan ang publiko.

Unang sinagot ni Marjorie ang tungkol sa kanyang affidavit, na nakapaloob sa counter-affidavit ni Raymart, na isinumite sa Office of the City Prosecutor ng Marikina noong September 24.

Ang counter-affidavit ni Raymart ay sagot nito sa reklamo ni Claudine laban sa kanya, dahil nilabag umano ng aktor ang R.A. 9262 o Violence Against Women and the Children (VACW) Act.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

(Read: Raymart Santiago submits evidence against wife Claudine Barretto)

Panimula ni Marjorie, “I see a lot of articles, bashers or supporters of my sister, Claudine, saying that napakasama naming kapatid, bakit pa kami kumakampi kay Raymart, stuff like that.

“The story of the affidavit is this—Claudine filed a VAWC case against Raymart.

“And in two instances, two separate clauses, her lawyers mentioned my name.

“And I had to answer that. I had to give my affidavit on that.”

Diin pa ng 39-year-old former actress-politician, “Because, if their lawyers never mentioned my name at all, I would never have had to submit an affidavit.

“In other words, hindi ko ito kasalanan.

“Hindi ako nakialam sa kaso ni Raymart at ni Claudine.

“Hindi na lang ako basta nag-submit ng affidavit out of nowhere, para lang mag-bully sa kapatid ko, para saktan ang kapatid ko, hindi gano’n.

“Kasi sana, yung tao, bago sila maghusga, or kung ano pa ang sabihin nila sa akin, sana alam muna nila yung totoo.

“Sana nabasa muna nila yung affidavit ko.”

Hihilingin daw ni Marjorie sa kanyang abugado kung maaari niyang ilabas sa PEP ang mga nakasaad sa affidavit niya.

Giit pa niya, “I was merely answering what Claudine stated in her VAWC case against Raymart—sinagot ko lang.

“Kailangan ko lang linisin ang pangalan ko dito dahil hindi ako nakikisawsaw.

“And I would like to request my mother and my father to please ask a copy from the lawyers of Claudine of the affidavit that I filed, kasi meron na silang kopya nun.

“And please show it to my mom and dad, and let them be the judge of that—if I just really wrote it out of nowhere, just to destroy my sister.

“Hindi ako ang dapat sisihin dito.

“Kung hindi nila ako pinangalanan doon [sa affidavit], wala akong kailangang sagutin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So I want that clear,” paliwanag ni Marjorie, ang kapatid na sinundan ng bunsong si Claudine.



BAD CHILD? Sumunod na sinagot ni Marjorie ang pahayag ng ama tungkol sa kanilang tatlo nina Gretchen at J.J.: “It’s either we are bad parents, kami ng mommy, or we had bad children.”

Pahayag ni Marjorie sa sinabi ng ama: “I’m just saying that, of all the things naman that’s being written about me, or [written by] the bashers and supporters of Claudine—siyempre, yung pinakamasakit, yung manggaling sa sarili mong ama.

“I just need to clear my name because I really… you know, my dad is very old and my mom.

“And I really want, sana, before magkasakit sila or, you know, anything happens to them, bago mangyari ‘yon, sana makuha ko yung sagot na ito: when did I ever become a bad child?

“Because, in my mind, I’m a very, very good daughter.

“I may never have had the chance to support them financially, because I was a single mother at a very young age, but I was a good daughter.”

Ang tinutukoy ni Marjorie ay ang pagkakaroon niya ng anak, si Daniella, sa dating karelasyon na si Kier Legaspi.

Patuloy niya: “And my dad and my mom, and my brothers and my sisters would always boast na makapamilya ako dahil I’m always here with them.

“Every event, every… I’m always with them, for them.

“So, sana sagutin ng daddy ko: ‘Daddy, please, make a rundown of the reasons why you think I have been a bad child.’

“Because I have children, and they all have access to this Internet and all of that.

“And when they read that my own father called me a bad child, I don’t want them growing up thinking that I was a bad daughter.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I feel that that was very unfair of my father because I have never done anything to make him say so.

“But if I have, I am humbly telling my father, ‘Daddy, please, give me a rundown of the reasons why you think I have been a bad daughter, I have been a bad child.

“’And if what you’re saying is correct, if what you’re saying is accurate, I promise, I will make it up to you. I will correct it, habang buhay pa kayo.

“’But, please, don’t call me a bad child in the media.’

“Because it is the most hurtful thing for a child to hear from her father.”



STAY AWAY. Sinagot din ni Marjorie ang sinabing ito ng ama: “Ang wish ko lang, tumigil na sila. Layuan na nila kami. Lay off us. Wag na sila kumampi kay Raymart. Wag na sila kumampi kay Claudine…”

Reaksiyon ni Marjorie, “Yung sinasabi nila Daddy na mag-lay off ako, huwag akong makialam, or parang back off, something like that…

“I just want to say that I have stayed away from Claudine’s business for a very, very, very long time already.

“As a matter of fact, lahat ng away nila ni Raymart, ako lang sa magkakapatid ang hindi tumakbo sa bahay nila para tumulong.

“Because I didn’t want to get involved, and I didn’t want na mabaligtad.

“Yung sinasabi ng daddy ko na layuan ko si Raymart at si Claudine, ’Dad, I have been away from the Claudine and Raymart issue for… oh my god, more than a year already!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN