Raymart Santiago insists he’s not guilty of using Claudine Barretto’s money

Raymart Santiago reveals story behind Claudine Barretto’s "missing money" in 2011: "I admit withdrawing all the money in our joint account because I discovered several days earlier that Complainant tore off several blank checks from my check book containing the bulk of our money.

"Contrary to her allegations, I am the one who actually feared that she would withdraw all our savings...” stated Raymart in his counter-affidavit s


Walang katotohanan na pera ang isa sa pinag-ugatan ng hiwalayang Raymart Santiago at Claudine Barretto.

Ito ang ganting-sagot ni Raymart Santiago sa pahayag ni Claudine Barretto, na ang kawalan nila ng prenuptial agreement ang isa sa dahilan kung bakit nasira ang relasyon nilang mag-asawa.

“The absence or presence of a pre-nuptial agreement is not what makes or breaks a marriage.

“Money is not the cause of Raymart and Claudine’s marital breakup.

“It is the lack of peace and harmony between them and in their household that it was no longer healthy for them and their children to stay together.

“This is why Raymart left the conjugal home for good,” saad sa official statement ng legal counsel ni Raymart na si Atty. Ruth Castelo, na ipinadala sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), ngayong araw, October 2.

Matatatandaan na sa counter affidavit na isinumite ni Raymart sa Prosecutor’s Office ng Marikina noong September 24, idinetalye ng aktor ang mitsa kung bakit umalis siya sa bahay nila sa Loyola Grand Villas, noong March 17 nitong taon.

Paulit-ulit daw siyang kinukumbinsi ni Claudine na idemanda ang kapatid na si Gretchen Barretto, dahil ininsulto umano ng huli ang mga anak nila, na nine years old at six years old.

Ngunit hindi pumayag si Raymart sa hinihingi ni Claudine, sa kadahilanang wala siyang sapat na ebidensiya na maihaharap sa korte ukol dito.

(READ: Raymart Santiago reveals final straw that did in his marriage to Claudine Barretto)


UNFOUNDED ACCUSATION. Pinabulaanan din ni Raymart ang pasaring ni Claudine na madalas niyang gamitin ang credit card ng aktres nang walang paalam.

Kaugnay ito ng nabanggit ni Claudine sa press conference kahapon, October 1, tungkol sa na-reject niyang credit card noong nakaraang linggo.

Kinumpirma ng aktres na totoong hindi gumana ang credit card niya noong namili siya sa isang drug store sa Marikina kamakailan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngunit paniwala raw niya na kaya hindi gumana ang kanyang credit card ay dahil may ibang taong gumagamit nito.

Hindi man nagbanggit ng pangalan si Claudine, ang hinala ng karamihan ay si Raymart ang pinatututsadahan nito.

Mariin namang itinanggi ni Raymart ang mga paratang ni Claudine.

Paglilinaw ni Raymart, ayon pa rin sa official statement na ipinadala ni Atty. Castelo:

“Paano ko magagamit ang credit card niya e sa kanya yun at pangalan niya yun?

“Paano naman mapupunta sa kin yun at bakit ko gagamitin?

“Meron din akong sariling credit card.

“Sila din ang gumamit nun, wag nila ibintang sa kin.”


UNSETTLED DEBT? Iginiit din ni Atty. Castelo na walang basehan ang mga patutsada ni Claudine sa kanyang kliyente.

“Claudine says that her credit card is an extension of her dad Miguel’s credit card.

“In such case, how is it possible for Raymart to be able to use such credit card as Claudine implies?

“It is a more logical conclusion to say that only Miguel and Claudine could have used the credit card because it is theirs.”

Kahit kailan ay hindi raw pinakialaman ni Raymart ang pera ni Claudine, dahil may sarili daw pagkakakitaan si Raymart.

“Raymart is a productive individual and earns his own keep in and out of show business.

“He has not and never will touch money that is not his own, especially Claudine’s.

“Her credit card is her credit card, and it is therefore her own look out to charge purchases and pay for them on time,” paliwanag ng legal counsel ni Raymart.



CONJUGAL BANK ACCOUNT. Matatandaan na isa sa mga inirereklamo ni Claudine kay Raymart ay ang hindi nito pagbigay diumano ng suportang pinansiyal sa kanilang pamilya.

Kaugnay ito ng kasong Violence Against Women and Children Act o R.A. 9296, na isinampa ni Claudine laban kay Raymart, noong August 29.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngunit ang alegasyong ito ni Claudine ay mariing pinabulaanan ng aktor sa kanyang counter-affidavit.

Ayon kay Raymart, regular siyang nagbibigay ng pera para sa household expenses nila sa Loyala Grand Villas.

“Complainant imputes upon me economic violence for allegedly not contributing for the household expenses.

“Nothing can be farther away from the truth as we had a utility account from where we draw the funds for the household expenses.

“Even before we opened this account, I was never remiss in my obligation to contribute for these expenses.”

Dagdag pa niya, kahit noong humiwalay siya ng tirahan ay hindi siya nagkulang sa pagtustos sa mga gastusin ng kanyang pamilya.

Bilang ebidensiya, isinumite ni Raymart ang kopya ng bank book ng joint account nila ni Claudine, kung saan nagdeposito ang aktor ng pambayad ng tuition ng kanilang mga anak.

Aniya, “After I left the conjugal abode, I never ceased to provide financial support to our children.

“I paid for the children’s full tuition and deposited the amount of Two Hundred Thousand (Php200,000.00) from April to June 2013 and One Hundred Thousand (Php100,000.00) in July 2013, as evidenced by the entries in the bankbook of our joint account and a deposit slip, copies of which are hereto attached and marked as Annexes ’36,’ ‘37’ and ‘38’”


THE TALE OF CLAUDINE’S MISSING MONEY. Inilahad din ni Raymart, sa kanyang sinumpaang salaysay sa korte, ang tungkol sa pag-withdraw niya ng milyon-milyong piso mula sa joint account nila noong October 26, 2011.

Tila may kaugnayan ito sa napabalitang pagwawala ni Claudine sa isang bangko sa Quezon City, matapos siyang hindi makapag-withdraw ng pera, noong October 2011.

Mistulang naglaho diumano ang malaking halaga ng pera na balak sanang kunin ng aktres mula sa banko.

(READ: Claudine Barretto "loses" account balance at a bank; money mysteriously disappears as she’s about to withdraw it)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi naging malinaw noong panahong iyon kung bakit nagkulang ang balanse ng naturang joint bank account ng mag-asawang Claudine at Raymart.

Lalo pa’t ilang araw pagkatapos pumutok ang naturang balita ay naglabas sila ng joint statement sa media na masaya pa rin silang nagsasama bilang mag-asawa.

"WE ARE STILL TOGETHER, we have not separated, we love each other, and we both value and cherish our marriage and relationship."

"Any issues that we may have are private, and do not detract from, nor diminish, the strength of our marriage," saad nina Raymart at Claudine sa isang official statement na nailathala sa PEP noong October 28, 2011.

(READ: Raymart Santiago and Claudine Barretto deny rumored separation: "We are still together.")

Ngayon, isiniwalat ni Raymart sa kanyang counter-affidavit ang pagkuha niya ng pera mula sa joint account nila noong October 26, 2011.

Ang winithdraw niyang pera ay nagkakahalaga ng ilang milyong piso.

Ang tanong: bakit biglang kumuha ng malaking halaga sa banko si Raymart, noong araw na tinangka rin ni Claudine na mag-withdraw?

Paliwanag ni Raymart sa kanyang sinumpaang salaysay: “I admit withdrawing all the money in our joint account because I discovered several days earlier that Complainant tore off several blank checks from my check book containing the bulk of our money.

“Contrary to her allegations, I am the one who actually feared that she would withdraw all our savings.

“From my discovery, I was advised to withdraw everything because it would have been easier to return money than go after somebody who has it.”

Sa kabila nito ay binalik naman daw agad ng aktor ang share ni Claudine sa perang kinuha niya sa kanilang conjugal bank account.

Ani Raymart: “Complainant’s share from the funds that I withdrew from our joint bank accounts was already returned to her and properly acknowledged by her lawyers. Such fund is now within her disposal.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Umabot ng halos walong milyong piso ang ibinalik ni Raymart na pera kay Claudine.

Bilang ebidensiya, isinumite ni Raymart ang kopya ng dalawang BDO Manager’s Check—na nagkakahalaga ng Php 4,957,840.40 at Php2,808,436.30—na idineposito niya sa bank account nila ni Claudine.

Dagdag pa ng aktor sa kanyang counter-affidavit: “The undated Acknowledgement Receipt signed by Complainant’s counsels Atty. Agnes Maranan and Atty. Hans Santos is also hereto attached, marked and made an integral part of this Counter-Affidavit as Annex ’41.’”

(ED’S NOTE: May pahintulot si Atty. Ruth Castelo na ilabas ng PEP ang mga detalyeng ito.)

"WALANG PANALO SA ’TIN DITO." Sa huling bahagi ng statement ng kampo ni Raymart, nag-iwan sila ng mensahe para sa kampo ni Claudine:

"Sana tumigil na sila nang kakalabas nang hindi totoo.

"Wag na nila akong i-provoke ulit dahil gusto ko sana sa korte ko na lang ilabas lahat.

"Marami pa akong matinding ebidensiya na puwedeng ilabas ngayon pero hayaan na lang natin si Judge ang makakita nito.

"Wag na sana sa public."

Sa nangyayaring public word war nila, nag-aalala ang aktor para sa mga anak.

"Uulitin ko, walang panalo sa ’tin dito. Sa korte na lang natin dalhin ang mga ebidensiya natin.

"Inaalala ko din ang mga bata. At sana wag mo na silang idamay.

"Tayong dalawa ang may problema, hindi sila."

Hangga’t maaari, mas gugustuhin daw niyang tumigil nang magsalita ang magkabilang panig.

Ani Raymart, "Napilitan ako maglabas ng ebidensiya sa media para ipagtanggol ang pangalan ko.

"Masyado niya akong sinira kaya nagsabi lang ako ng totoo.

"Ngayong alam na nila kahit papano, puwede na ’ko tumahimik."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN