Sharon Cuneta serious about giving P10M and leaving Kiko Pangilinan if her husband is proven to be involved in pork-barrel scam

Nasasaktan daw si Sharon Cuneta sa pagdadawit ng kaibigang si Senator Jinggoy Estrada sa asawa ni Sharon na si Kiko Pangilinan sa pork-barrel scam. Saad ng Megastar, “Masakit sa akin yung ang taas ng tingin sa kanya [Kiko] ng mga anak ko. Even his students in Ateneo... Lagi niyang ibinibilin sa mga students niya, ‘When you look back at this time, what are you gonna tell your children about what you did during those…?’ Yung parang laging nauuna yu


Makalipas ang isang linggo matapos maghayag ng kanyang saloobin sa Twitter si Sharon Cuneta, nakausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kaugnay ng pagdadawit ni Senator Jinggoy Estrada sa asawa ni Sharon na si dating Senator Francis “Kiko” Pangilinan sa kontrobersiya ng pork-barrel scam.

(Read: Sharon Cuneta defends husband Kiko Pangilinan against Senator Jinggoy Estrada)

Naganap ang panayam ng PEP kay Sharon sa trade launch ng TV5 primetime programs noong Miyerkules, October 2, sa NBC Tent, The Fort, Taguig City.

Bungad ng Megastar, “Alam mo, there’s so much I wanna say, but Kiko said, ‘Let’s not allow people to be distracted from the real issue.’

“Kasi, hindi naman kami ang issue, di ba?

“It’s so easy to answer everything after… after.

“Ganito ang tanong: Sino ang binigyan ng PDAF? Saan napunta yung PDAF? Yun lang ‘yon.”



“I STAND BY MY WORD.” Pinaninindigan ni Sharon ang una niyang pahayag, sa kanyang Twitter account, na magbibigay siya ng sampung milyong piso at iiwanan niya si Kiko sa sinumang makapagpapatunay na sangkot ang mister niya sa pork-barrel scam.

“Ganito yung exact words ko… Kasi ngayon, may mga nagsasabing, ‘Nasaan na yung ten million mo? Binigyan pala ng ganyan?’

“Sabi ko, i-prove na nagnakaw.

“Tapos, because of that, I will give ten million and leave him.

“Tapos, ang kasunod nun, that’s how confident I am.

“Hindi ko sinabing, ‘O, sige, bayaran ko kayo agad.’ Ano ba naman yun?

“But I stand by it, though.”

Ano ang naging reaksiyon ng mga kakilala niya sa kanyang hamon na magbibigay siya ng P10 million?

“Tawanan lang!” bulalas ni Sharon.

“Gusto ko lang ulitin, what I said was, I will give ten milion and leave my husband.

“Nakalimutan na nga lang nila yung hihiwalayan ko ang asawa ko. Parang mas importante yung, ’I will give ten million sa makakapagpatunay na nagnakaw yung asawa ko.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Like I said kanina, I repeat, hindi naman kuwestiyon yung sino ang nabigyan ng PDAF or budget, kasi kasama ’yan sa pulitika.

“A lot of people get that [PDAF]. It’s the President’s prerogative, di ba?

“Ang question, saan napunta ang PDAF?

“Kasi, the more money meron ang isang politician para makatulong, kung napunta sa dapat, mas maraming natulungan. Yun lang naman.

“I don’t need to go into details anymore.

“Pag na-solve na, and we arrived at the truth sa nangyayaring scandal o sa scam na ito, pag nalaman kung sino ba talaga tunay na involved, ito ba talagang mga akusado—then we can answer all the questions very easily.

“Pero right now, ayaw kong makisali.

“Basta we know the truth, malinis ang konsensiya, I’m okay na, I’m okay na.”



BASHERS. Paano yung bashers niyang pinu-provoke siya lagi?

Sagot ni Sharon, “Di ba, hindi ko na sila pinapansin?

“Parang feeling ko, may hobbies na akong iba. Kailangan, may hobby na rin sila.

“It doesn’t matter to me. I don’t read them anymore, if you notice, since I went back to Twitter.

“Kasi, I figured, why am I giving energy to what they’re saying?

“The people that matter to me are the people who follow me, because they like to be inspired, they like to have fun, to laugh.

“Bakit ko naman… that’s all part of show business. Mas maganda yung sinisiraan ka kaysa ikaw ang naninira.”



CLOSE FRIEND. Inamin ni Sharon na nagulat siya nang idawit ni Senator Jinggoy si Kiko sa kanyang privilege speech kaugnay ng pork-barrel scam.

(Read: Senator Jinggoy Estrada criticizes fellow senators in privilege speech on PDAF issue)

Isa si Jinggoy sa tatlong senador—ang iba ay sina Senador Juan Ponce Enrile at Bong Revilla—na kinasuhan ng plunder at malversation of funds ng Department of Justice at National Bureau of Investigation kaugnay ng paggamit diumano nito ng Priority Development Assistance Fund (PDAF) sa bogus non-government organizations.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad ni Sharon, “I love Senator Jinggoy.

“Senator Bong is a friend, but Jinggoy is a closer friend.

“Ayaw kong i-past tense, pero nagulat ako. Mahal ko siya, e.

“Hindi ito showbiz. I need to… hindi ko kailangan.

“Siguro, kung wala siyang halaga sa akin, hindi ako nag-react.

“Okey lang naman, that’s all politics. Lahat naman tayo, we just want the truth to come out.

“Hindi naman natin sinasabing pinu-point natin na sila na nga. Pero we want the truth to come at maparusahan yung dapat.

“Kasi, ibang usapan yung ten billion, di ba?” pagtukoy niya sa halaga ng kuwestiyonableng pork-barrel fund na napunta diumano sa mga pekeng NGOs.



UNEXPLAINED POVERTY. Ano naman ang naging reaksiyon ni Kiko sa alegasyon ni Senator Jinggoy?

“Sabi niya, ‘Sweetheart, enough na. We’re not the issue.

“’It’s an issue to answer everything pag tapos na yung buong gulo. When everything has been resolved or we arrived at the truth.’

“Madali na lang yun. It’s so easy naman to show.

“But like I said, ang tanong, hindi yung sino ang nabigyan ng PDAF.

“Kasi, part yun ng pulitiko. Kahit sinong politician.

“Ang question is, saan napunta?

“Kasi kung napunta sa dapat puntahan, mas maraming natulungan.”

Sa isang research na isinagawa ilang buwan na ang nakararaan, nasa listahan si Kiko sa may pinakamaliit na net worth sa mga senador.

Ibig sabihin, isa sa pinakamahirap na senador ang asawa ng Megastar.

Komento ni Sharon dito, “Ang sabi niya, ganito, yung joke niya sa pamilya, joke namin, ganito: ‘Yung ibang pamilya, kapag naimbestigahan, may unexplained wealth...’

“Ang tagal na namin itong joke, 2001 pa.

“Sana mag-examine sila, kasi kakahiya naman, dahil ang magiging ano nila sa akin, ‘Bakit unexplained poverty?’

“Okey na kami. We don’t need… kung meron mang maarte sa lifestyle, ako yun, e, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“But I worked hard for what I want. Never naming hinihingi.

“My father never gave me a house.”



KIKO’S INTEGRITY. Ano ang reaksiyon ni Kiko sa sinabi ni Sharon, sa isang interbyu, na lahat ng properties nilang mag-asawa ay galing sa Megastar?

Tugon ng singer-actress, “Alam naman niya.

“Sabi lang niya, ‘You know, it’s okay. Whatever you say, kung sino man ang detractors mo, they always come up with something. You can’t win.’

“It’s common knowledge. I mean, absolutely with no disrespect to my husband, obviously.

“Pero siguro, nagiging protective lang ako masyado. Kasi, parang okey lang na yung sinasabi nilang pulitiko...

“Masakit sa akin yung ang taas ng tingin sa kanya [Kiko] ng mga anak ko.

"Even his students in Ateneo, in Legal Management, when he was teaching a subject or two for seven years.

“Lagi niyang ibinibilin sa mga students niya, ‘When you look back at this time, what are you gonna tell your children about what you did during those…?’

“Yung parang, laging nauuna yung meron kang moral high ground lagi.

“So, masakit sa akin.

"Tatay ng mga anak ko yun. Alam ko kung ano ang pagkatao.

“So, sa amin, we decided, basta alam namin. So, it doesn’t matter.

“Kasi, yung detractors, no matter what you say, will come up with something na ikaka-destroy mo.

“What’s that saying? No need to explain anything because people that matter to you don’t need you to explain, and the people that don’t like you will always find something na para asarin ka lang.”



SHARON’S DAD. Pati ang yumaong ama ni Sharon, na si dating Pasay City Mayor Pablo Cuneta, ay nadadamay na rin sa isyu. May mga nagkokomentong corrupt din ang ama ng Megastar.

“Nakakaano nga, e, dahil hindi naman natin alam kung ano ang nangyari, dahil bata pa ako…,” sabi ni Sharon tungkol sa mga dekadang nanungkulan ang kanyang ama bilang mayor ng Pasay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ay, hindi ko masasagot yun!

“Ang naalala ko, yung mga nagawa naman niya sa Pasay. May mga things na parang… pero hindi ako nahe-hurt tulad noon.

“Parang, you know na, e. It’s not worth the time anymore or the energy na magpaka-work up ka na ganyan?

“I’m working every single day, and I am thankful when I go to work.

“Kasi, it’s always a happy set, both Madam Chairman and The Mega and The Songwriter," pagtukoy ni Sharon sa dalawang programa niya sa TV5.

“Even when my brother died, I had two tapings for Mega and the Songwriter. And the next day, Madam Chairman.”

Ang tinutukoy ni Sharon na yumao ay ang half-brother niyang si Boyking Cuneta.

Patuloy niya, “When I arrived, talagang… ugali ko ‘yan, di ba?

“Since yung tragedy nung kami na lang ni KC, di ba? Naghiwalay kami..."

Si KC Concepcion ang anak ni Sharon sa dating asawang si Gabby Concepcion.

“Talagang dive ako into work. Hindi ako nagmumukmok, hindi ko sinisira ang trabaho ko.”

Paano siya nakakatawa kung nasa mourning stage pa siya?

“Sabi nga ni Ogie, we were praying before the show, and sinasabi nga nila sa set na, ‘Puwede ka ba naming patawanin?’

“Sabi ko naman, ‘Utang na loob, para n’yo nang awa!’

“Kasi, wala namang kinalaman yung audience namin sa... alangan namang iwan ko si Ogie na nagsu-show siyang mag-isa?”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN