Sunshine Cruz admits feeling jittery taking first step to mend 12-year rift with cousin Sheryl Cruz

Sunshine Cruz relates how she and her cousin Sheryl Cruz reconciled at the story conference of Galema last September. "Nung nakatabi ko siya, dun ko sinabi sa kanya, ’Ate Sheryl, bakit ka nagalit sa akin? Never naman ako nagsalita ng anything bad against you.’ Sabi niya, ’Hindi, nadamay ka lang, kasi close kayo ni Geneva [Cruz]."


Isa sa mga bagay na ipinagpapasalamat ni Sunshine Cruz ay ang pagbabati nila ng pinsan niyang si Sheryl Cruz.

Matagal na panahon silang nagkaroon ng hidwaan matapos pulaan umano nina Sunshine at Geneva Cruz ang pinsan nilang si Sheryl.

Ang dahilan ay ang hindi pag-uwi ni Sheryl mula sa Amerika nang yumao ang kanyang amang si Ricky Belmonte, noong 2001.

Ayon kay Sunshine, unang nagkrus ang landas nila ni Sheryl sa story conference ng Apat Na Maria.

Medyo nagkailangan pa raw sila kaya hindi sila nakapag-usap noon.

“Actually, nagkaroon muna kami ng story con ng Apat Na Maria, pero na-shelved yung project.

“Magkasama kami. Doon hindi kami masyado nag-usap. Nag-hi lang siya sa akin, nag-hi rin ako sa kanya. Pero hindi nakapag-usap,” kwento ni Sunshine sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ibang media reporters kamakailan.

Tila pinagtiyap naman ng pagkakataon na magkabati sina Sheryl at Sunshine dahil pareho ulit silang kasama sa cast ng Galema, isang bagong teleserye sa Kapamilya network.

Ibinahagi ni Sunshine na siya ang unang gumawa ng hakbang para magkausap sila ni Sheryl sa story conference ng naturang teleserye noong Setyembre.

“Ako na, siyempre mas bata ako,” pag-amin niya.

(READ: Sheryl Cruz reconciles with cousin Sunshine Cruz after long-standing rift)

Medyo kinakabahan pa raw siya nang buksan niya ang usapan tungkol sa pinag-ugatan ng kanilang alitan, labin-dalawang taon na ang nakakaraan.

“NOT ME!” Paliwanag ni Sunshine, noon pa man ay wala naman siyang galit kay Sheryl.

“Pero nung story conference ng Galema, tabi kami sa table—Sunshine Cruz, Sheryl. Naku, siyempre, nag-pray muna ako.

“Tapos, nung katabi ko siya, dun ko sinabi, ‘Ate Sheryl, I just want to ask, bakit ka nagalit sa akin? Never naman ako nagsalita ng anything bad against you.’”

Sa kanilang pag-uusap ay napag-alaman ni Sunshine na nadamay lang siya sa sama ng loob ni Sheryl sa pinsan nilang si Geneva.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tapos sinabi niya naman sa akin, ‘Hindi, kasi si Gen ka-close mo.’

“Di ba, si Gen ata nagsalita noon? Sabi ko, ‘Si Gen lang yun, hindi kaya ako no!’ Hindi ako talaga,” giit ni Sunshine.

Pagkatapos ng masinsinan nilang pag-uusap ay humingi raw sila ng tawad sa isa’t isa.

Aniya, “Tapos nag-sorry ako sa kanya, kung ano man yung ano. Nag-sorry din siya sa akin. Tapos nag-embrace na kami. Tapos after that, ok na.”

MEDIATOR. Kwento pa ni Sunshine, gumawa na rin siya ng hakbang upang magkaayos sina Sheryl at Geneva.

“Sinabi ko na kay Gen. Kasi nga nagsabi sa akin si Ate Sheryl about it.

“Sabi ko, ‘Gen, I think Ate Sheryl deserves an apology.’ And si Gen, willing naman siya. Sabi niya, one of these days dadalaw daw siya sa set namin para mag-sorry daw kay Ate Sheryl.”

Umaasa si Sunshine na tuluyan na silang magkaayos na magpipinsan.

“Sabi ko nga, hindi na tayo bumabata. Ang pangit naman kung naga-away-away pa tayo. Hindi sasaya si Uncle Jesse—si Ricky Belmonte.

“Sabi ko dapat maayos na. Dapat nagdadamayan kapag magkakamag-anak. Hindi naga-away.”

“Sobrang close kami ngayon. Nagpa-plan pa kami magpunta sa ate ko. Kasi my ate is based in Paris. Magbabakasyon kami ng kaming dalawa lang.

“Nakakatuwa kasi sabi ko nga, meron talagang pagkakataon na ibibigay sa’yo ang Diyos na magkakaayos kayo."

Sa ngayon, masaya raw nagplaplano sina Sunshine at Sheryl na magbakasyon sa Paris.

GENEVA’S PREGNANCY. Samantala, ikinagalak ni Sunshine ang balitang nagdadalang-tao si Geneva.

(READ: Pregnant Geneva Cruz, hospitalized)

Pag-amin ni Sunshine, “Ako yung isa sa mga sinabihan niya about that. I’m very happy for her. Bago siya nag-40 years old nagkaroon pa siya ng isang baby.”

Ang panalangin lang ni Sunshine ngayon ay maging healthy ang kanyang pinsan at ang nasa sinapupunan nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ngayon nga medyo may sakit, so pag-pray natin. Kasi si Gen, medyo maselan siya magbuntis. Kaya before naalis yung baby nila ni KC [Montero, ex-husband of Geneva]. So, sana maging strong siya.

Ang ipinagbubuntis ni Geneva ay anak niya sa fiancée na si Lee Paulsen.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN