Claudine Barretto on sister Gretchen Barretto: “Nababaliw na yata siya."

Claudine Barretto on sister Gretchen and husband Raymart’s allegation of drug use: “Hindi ko alam kung sino ang adik sa amin talaga.”


Naniniwala ang kampo ni Claudine Barretto na suportado ng kanyang kapatid na si Gretchen Barretto ang pagsampa ng reklamong pagnanakaw ng dating personal assistant laban sa kanya.

Sa ulat ng website ng ABS-CBN News, maiiksi ngunit matitindi ang mga sagot ng 34-year-old actress nang tanungin siya ng media tungkol sa nakatatandang kapatid.

Ang isang sinabi ni Claudine ay, “Nababaliw na yata siya.”

Si Claudine ay nakausap ng media nang mag-file ito ng counter-affidavit para sagutin ang akusasyon ng dating personal assistant, o P.A., na si Dessa Cadelario Patilan, 19, kahapon, October 10, sa Makati Regional Trial Court.

Ang reklamong Theft na isinampa ni Dessa noong September 11 ay sa dahilang ninakaw diumano ni Claudine ang kanyang mga gamit na may kabuuang halaga na P13,550.

Naganap daw ang insidente noong May 10, 2013, nung pinasok siya ni Claudine sa silid na kanyang tinutulugan, sa loob ng bahay ng aktres, sa Loyola Grand Villas, Quezon City.

Kasama umano ni Claudine noong gabing iyon sina Michelle Barretto, Ma. Luisa Ponce Becher, PO3 Pelito Obligacion, PO3 Ibrahim Abdul, at PO1 Wilfredo Cahayag.

Ayon sa sinumpaang salaysay ni Dessa, ang paghahalughog ni Claudine ng kanyang mga gamit ay kaugnay ng reklamong pagnanakaw na isinampa ng aktres laban sa kanya.

Pinagbintangan ni Claudine si Dessa ng pagnanakaw ng mga alahas at mamahaling gamit ng aktres na nagkakahalaga raw ng P8.5 million.

Si Dessa ay pro-bono client ni Atty. Alma Mallonga ng Siguion-Reyna, Montecillo and Ongsiako Law Office. Ibig sabihin ay kawang-gawa o libre ang serbisyo ni Atty. Mallonga kay Dessa.

(Read: FIRST READ ON PEP: Claudine Barretto’s personal assistant files theft complaint against her)

Ang abugado naman ni Claudine sa kasong ito ay si Atty. Ferdinand Topacio, na abugado rin niya sa maraming kaso laban sa asawang si Raymart Santiago.



“GINAGAMIT SIYA NG KAPATID KO.” Naging matapang naman ang pahayag ng aktres nang tanungin kung handa na siyang harapin ang mga akusasyon ng dati niyang P.A.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Magsama na lang sila ni Gretchen sa kulungan,” pahayag ni Claudine.

Ikinalulungkot daw ni Claudine ang pagkakadamay ng dating P.A. sa hidwaan nila ni Gretchen.

Sabi ng pinakabatang kapatid ni Gretchen, “S’yempre malungkot, s’yempre nakakaawa. Nakakalungkot kasi ginagamit siya [Dessa] ng kapatid ko.”

Sa kauna-unahang pagkakataon ay sinabi naman ni Claudine na handa siyang iurong ang kanyang reklamo laban sa dating P.A. kung hihingi ito ng tawad sa aktres.

“Iyon lang naman ang hinahantay ko,” sabi ni Claudine sa media.

Ipinakulong ni Claudine si Dessa sa Marikina City PNP Detention Cell noon ring Mayo 10, noong araw na, ayon kay Dessa, pinasok siya sa kuwarto ng aktres at hinalughog ang kanyang gamit.

Kahapon, Oktubre 10, limang buwan nang nakakulong si Dessa. Noong Setyembre ay hinawakan ni Atty. Mallonga ang kaso ng P.A.

Ayon kay Atty. Mallonga, sa maikling pakikipag-usap sa kanya sa telepono ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), noong October 2: "We do accept pro-bono cases when there is merit to the case.

"Kawawa itong bata. Nineteen lang, nag-iisa. Walang pera, walang laban. She was put to jail, wrongly accused of stealing money, and then ninakawan pa siya. Hindi na ito tama.

"Kinausap ko siya. I studied her, asked questions. I’m satisfied that this girl is good. Mabait. Napaka-inosente. Medyo depressed lang dahil nag-iisa, na parang hindi niya naiintindihan ang ginawa sa kanya. Maaawa ka.

"That’s why I took on her case."



GRETCHEN’S ALLEGED INVOLVEMENT. Kasabay ng pagsampa ni Claudine ng counter-affidavit, kinuwestiyon ng kanyang legal counsel, si Atty. Ferdinand Topacio, ang motibo ng dating P.A. sa pagsampa ng reklamo laban sa kanyang kliyente.

Giit ni Atty. Topacio tungkol sa reklamo ng dating P.A. ni Claudine, “Wala naman kasi talagang katotohanan e.

“Kasi kung totoo ’yan, bakit ngayon lang?

“At saka bakit kung noong nabigyan lang siya ng abogado ni Gretchen, saka lang siya nag-file ng countercharge?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nabanggit din niyang nanggaling umano mismo sa legal counsel ni Dessa, si Atty. Alma Mallonga, ang pagiging bahagi ni Gretchen sa pagsasampa ng kaso ng una.

Sa panayam ng TV5 News noong nakaraang buwan, sinabi ni Atty. Mallonga, “Yes, it is true Gretchen is a client and a good friend. This matter concerning Dessa was brought to my attention, my personal capacity really, by Gretchen.”

Gayunman, binigyang-diin ni Atty. Mallonga, na inindorso man sa kanya ni Gretchen ang kaso ni Dessa, walang inutos na anuman ang nakatatandang kapatid ni Claudine.



ON ALLEGED DRUG USE. Samantala, nanatiling matipid ang pagsagot ni Claudine nang tanungin ito tungkol sa alegasyon sa kanya ng asawang si Raymart.

Sa counter-affidavit na isinumite ng aktor bilang tugon sa reklamong “physical, sexual, psychological and economic abuse,” inakusahan ni Raymart si Claudine nang diumano’y paggamit ng ipinagbabawal na droga.

(Read: (UPDATED) Raymart Santiago submits details of Claudine Barretto’s alleged drug dependence in his counter-affidavit)

Ito ay pinatunayan din ni Gretchen sa official statement na ipinadala niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong nakaraang linggo.

(Read: PEP EXCLUSIVE Gretchen Barretto to parents Mike and Inday: "We hear Claudine’s cry for help. Why can’t you?")

Nang tanungin siya muli tungkol sa alegasyong ito, ang tanging sagot ni Claudine, “Hindi ko alam. Hindi ako nakikinig sa mga sinasabi nila.

“Hindi ko alam kung sino ang adik sa amin talaga.”

Nauna nang pinabulaanan ni Claudine ang alegasyong paggamit ng ipinagbabawal na droga, sa isang press conference na ipinatawag ng kanyang legal counsel, noong October 1.

Dipensa ni Atty. Topacio, ang gamot na itinuturok ni Claudine, sa larawang isinumite ni Raymart bilang ebidensya, ay isa sa mga “beauty secret” daw ng kanyang kliyente.

Kaugnay nito, ibinahagi rin sa presscon ang resulta ng pinakahuling drug test na ginawa ni Claudine. Dito’y nakalahad na negatibo si Claudine sa mga ipinagbabawal na gamot.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bilang patunay na hindi totoo ang alegasyon sa kanya, pangungutya ni Claudine kay Raymart: “Kung totoo ngang mentally ill ako or drug addict ako, bakit mo pababayaan ang mga anak mo sa akin ng ilang buwan?

“Di ba, sila dapat ang unang binitbit mo? Hindi yung mga Louis Vuitton luggages, hindi mga relo mo, hindi pera.

“Kung hindi pa ako nag-TPO [temporary protection order], wala siyang pakialam sa mga anak niya.”

(Read: Claudine Barretto denies Raymart Santiago’s allegation that she is a drug user)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN