KC Concepcion enjoys first live NBA experience; Miss World Megan Young takes part in ceremonial toss

KC Concepcion and Miss World 2013 Megan Young were spotted at the PHL NBA Global Games yesterday, October 10, at the SM Mall of Asia Arena in Pasay City.


Matapos ang group date, nanood naman si KC Concepcion ng NBA pre-season game, bilang suporta sa Houston Rockets player na si Chandler Parsons, kagabi, October 10, sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Matatandaang kinumpirma ng Kapamilya actress sa kanyang Instgram account, noong October 9, ang dinner date nila ni Chandler, kasama ang dalawang kapatid niyang sina Garie Concepcion at Cloie Syquia-Skarne.

(Read: KC Concepcion confirms group date with NBA player Chandler Parsons)

Kahapon naman, kapansin-pansin ang tuwa ni KC sa pagkakataong makanood nang live ng NBA game.

Sa larawang nai-post niya sa Instragram, kasama ang UP courtside reporter na si Bea Fabregas, inilagay ni KC ang caption na ito:

“Great seats to a great game + my 1ST live basketball game EVER. Salamat, @chandlerparsons :) GO #Rockets!!!”

Nagbigay rin ng pasasalamat si KC kay Chandler sa kanyang Twitter account para sa pagkakataong ibinigay niya para makanood nang live ng NBA game.

Bumisita sa bansa ang NBA teams na Houston Rockets at Indian Pacers para sa nabanggit na NBA pre-season game.

Sa kanyang huling Twitter post, inihayag ni Chandler kung gaano niya na-enjoy ang maiksing bisita niya sa bansa.

MEGAN, TOO. Bukod kay KC, naging agaw-atensiyon din ang pagdating ni Miss World 2013 Megan Young.

Mula sa kanyang paglapag sa bansa kahapon, galing sa first tour niya sa London, nagtungo ang first Pinay Miss World sa MOA Arena para gawin ang ceremonial toss.

Ito ay ginanap bago ang laban sa pagitan ng Houston Rockets at Indiana Pacers, na pinagwagian ng una sa iskor na 116-96.

Pagkatapos nito ay nagtungo si Megan sa Solaire Resort and Casino sa Pasay City, para dumalo naman sa press conference na inihanda para sa kanya ni Miss World Philippines national director Cory Quirino.

(Read: Miss World 2013 Megan Young excited to see loved ones in Olongapo, says she has not spoken to rumored bf Mikael Daez)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN