KC Concepcion dismisses rumored romance with NBA player Chandler Parsons

Friendship lamang daw ang namamagitan kay KC Concepcion at sa NBA player na si Chandler Parsons. Ito ang nilinaw ni KC sa exclusive interview sa kanya ng PEP. Sabi pa ng TV host-actress, wala siyang naramdamang kilig nang mag-dinner sila ni Parsons. "Ayokong kiligin sa isang taong may girlfriend na. So, hindi talaga," sabi ni KC.


Noong nakaraang linggo ay naging laman ng mga balita ang pakikipag-dinner ni KC Concepcion sa Houston Rockets player na si Chandler Parsons.

(Read: KC Concepcion confirms group date with NBA player Chandler Parsons)

Sa pagpapatuloy ng exclusive interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay KC, tinanong namin siya kung ano ang naging reaksiyon ng mga manliligaw niya sa dinner nila ni Parsons.

Hindi ba na-insecure o kinabahan ang mga ito na baka mabasted sila dahil sa NBA player?

“Wala! Yun nga, test din yun, di ba? Kung magri-react sila or cool na cool lang sila,” nangingiting tugon ni KC.

Sabi pa ni KC tungkol sa dinner nila ni Parsons, "Kasi akala ng buong Pilipinas, romantic na agad. Actually, parang welcome dinner lang naman.

"Saka hindi naman ako ang naglabas nun, di ba?” patungkol ni KC sa interview ni Parsons, kung saan inamin nito ang kanilang dinner ng Pinay TV host-actress.

(Read: Spin.ph: Rockets rising star Parsons confirms dinner date with actress KC Concepcion)

Ano ang naging reaction ni KC sa interview ni Parsons?

“Well, siya ang unang nag-follow sa akin sa Twitter. Unang nag-contact sa akin. Saka hindi kami sa Twitter unang nag-meet. So, parang friendship siya.

“Hindi ko lang ikinukuwento sa tao, bilang meron din naman akong private life. Saka wala namang dahilan para ikuwento sa hindi ko kakilala at kaibigan ko."

Nagkaroon ng NBA pre-season game ang Houston Rockets at Indiana Pacers sa SM MOA Arena noong Huwebes, October 10.

Saan niya nakilala si Parsons?

“Common friend. Very good friend siya nina Tim, Jeremy Lin na gumagawa ng mga charity works dito. So, nag-start yun dun.

“Tiga-TFC pa nga yung nagpaalam sa akin na kung puwede niya akong i-contact.

“So, talagang pati ako, wala talaga akong alam sa basketball. That was my first time to watch a basketball agad.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaya nga nagulat ako na romance agad yung anggulo [sa mga balita].

"Oo nga naman, hindi rin naman kasi nila alam na magkakilala na kami, matagal na.”

Alam ba ni Parsons na artista si KC sa Pilipinas?

“Hindi namin napag-uusapan. Parang hindi naman. Siyempre, nalaman na lang niya after a while,” sagot ni KC.

NOT A DATE. Iginiit ni KC sa PEP na hindi dinner date ang nangyari sa kanila ni Parsons kundi welcome dinner lang.

Nai-set ba yung welcome dinner para kay Parsons bago ito dumating ng Pilipinas, o nung nandito na ito sa bansa?

Sabi ni KC, “Kasi medyo istrikto sila sa NBA. Ewan ko kung ano ang nangyari. Basta ang alam ko lang, gusto nilang mag-dinner.

"Hindi ko na alam kung ano yung arrangement na nangyari nung mga time na yun.”

Hindi ba siya nailang dahil sikat na NBA player ang ka-dinner niya?

“No, that was a private dinner, sa isang function room. We were fifteen. And closed-doors siya. Hindi siya yung tipong nasa restaurant ka na kita ng lahat. Very private.

“Kaya nga nagulat ako nung sinabi niyang nag-dinner kami. Siya pa yung nagkuwento sa akin na, ’Oh, during training, the press asked me about you and I ended up talking about [it].’

"Reaction ko, ’What?!’

“So, alam ko na, na tatanungin na ako ng mga tao. Tapos, wala talaga akong pinu-post or whatever.

“So, nung malaman nga ng mga tao, sila rin ang nagsabi na, ’Ang daya mo. Bakit ikaw, walang pinu-post? May itinatago?’

"So, parang sabi ko nga sa Twitter recently, ’Damn if you do, damn if you don’t.’

“Nung private yung mga bagay sa akin, nagtatampo kayo dahil wala akong isini-share.

"Pero nung katiting na maliit na maliit na shinare ko, after na niyang magsalita, biglang ayun, lumabas na yung mga kung anu-ano nang mga sinasabi nila.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang tinutukoy ni KC ay ang mga komento, lalo na sa social networking sites, na ipinagmamalaki raw ni KC ang naging dinner. Sinasabi rin ng mga komento na hindi dapat isipin ni KC na seseryosohin siya ng NBA player.

Anu-ano ang mga napag-usapan nila ni Parsons sa dinner?

“Wala lang, para lang kaming mga buddy-buddy na... wala. Nagtatawanan lang kami. Nothing about basketball,” sabi ni KC.

May sinabi rin si Parsons sa interview niya na "looking forward" siya na makatrabaho si KC. Tungkol ba ito sa charity work na gusto niyang gawin dito sa Pilipinas?

“Siguro nga, kasi gawain na yun ng mga best friends niya na nakapunta na dito.”

Sa naturang interview ng NBA player ay inilarawan niya si KC bilang "great girl."

Ano ang reaksiyon niya dito?

“Siyempre, thank you. He’s also a fun-loving person na napaka-down to earth. To think na rock star siya in his own right.

“When we talked about, ’I didn’t expect you to be down to earth. Di ba, you feel like a boy-next-door?’

"Sabi niya, ’Actually, yun naman ang gusto kong maramdaman ng mga tao sa akin.’

“Kasi, parang showbiz din naman ang basketball, may mga branding din ang mga players.

"Sabi niya, ’I’m a college boy...’ He can play among the big players.

"Parang you don’t need to be a certain way para maging magaling na player sa NBA, parang ganun.”

STILL IN CONTACT. Umamin naman si KC sa PEP na kahit wala na dito sa Pilipinas ang basketbolista, mayroon pa rin silang communication nito.

Tinatawagan ba siya nito sa phone o nag-uusap lang sila sa social media?

“A, basta! Parang normal friends lang kami!” natatawang sabi ni KC.

May kilig ba sa kanya ang pagkikita nila at yung magkasama sila sa dinner?

Sagot ni KC, “Hindi. Ayokong kiligin. Ayokong kiligin sa isang taong may girlfriend na. So, hindi talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, for me, we’re friends.

"Kung talagang magpakita siya nang maganda in the future, at klaro na yung state of kung ano yung relationship, as with any guy na nasa sitwasyon, whether kilala or not, siguro kung mabait naman yung tao sa iyo, okay naman.

“Pero as of now, buddy-buddy lang. Wala nga kayong narinig sa akin.”

May pakiusap lang si KC sa mga naghihinalang may namumuong relasyon sa kanila ni Parsons na higit pa sa pagiging magkaibigan.

Aniya, “I’d like to just wanna focus on the friendship angle lang. Kasi talagang, sa totoo lang, it’s a big thing for me na ang dami ng problema ng Pilipinas, di ba?

“So, with NBA and Miss World, parang ang tingin ko, gusto kong suportahan yung mga makaka-uplift sa atin bilang Pilipino.

“So, for me, to be friend to people like that, na hindi naman ako yung lumapit sa kanya, at wala naman akong kaalam-alam sa basketball...

"Parang, you wanna give them a good time. You wanna show them na may maganda dito sa Pilipinas.

"Siyempre, ang alam lang nila, yung nakikita nila sa news.

“So, parang I wanted to show them a good time, na eto yung mga close ko sa akin, yung mga kapatid ko, yung mga friends ko.

"’Hey, masaya dito, okey dito. Wala kayong dapat ikatakot.’”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN