Angel Locsin and Phil Younghusband break up?

Rumors about Angel Locsin and Phil Younghusband breaking up surfaced yesterday on the Internet. However, the camps of both parties neither confirm nor deny the report.


Mainit na pinag-uusapan ngayon, sa loob at labas ng showbiz, ang diumano’y breakup nina Angel Locsin at Phil Younghusband pagkatapos ng mahigit isang taong relasyon.

Nitong mga nakalipas na araw ay naging laman ng ilang entertainment columns sa tabloid at news websites ang sinasabing breakup ng magkasintahan.

Ngunit hanggang ngayon ay wala pang kumpirmasyon mula mismo kina Angel at Phil.

Pareho ring tikom ang bibig ng talent managers ng dalawa tungkol dito.

Sinubukan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na kumpirmahin ang balita sa talent manager ni Angel na si Ethel Ramos.

Ngunit ayon sa beteranang kolumnista, wala siyang alam tungkol sa napapabalitang breakup ng kanyang alaga sa kasintahan nitong atleta.

Halos ganito rin ang naging sagot ng manager ni Phil, na si Cathy Nazareno, sa aming text message kahapon, October 21, para alamin ang estado ng relasyon ngayon ng football player at ng aktres.

Sa kanyang reply sa writer na ito kaninang umaga, October 22, sinabi ni Cathy: “I actually don’t know about the situation as I got back from a trip. I don’t meddle with Phil’s personal life.”

Wala ring anumang update pareho sina Angel at Phil tungkol sa relasyon nila sa kani-kanilang social media accounts.

Ayon sa ulat ni Allan Diones, sa kanyang column sa Abante Tonite kahapon, ang huling tweet ni Phil tungkol kay Angel ay noon pang September 7.

Sabi ni Phil, “Watching Showtime, enjoying @VhongX44 intro. Hahaha! Go, my love, @143redangel!”

Ang huli namang post ni Angel kay Phil, sa Instagram, ay noon pang August.

Binigyan ng Kapamilya actress ng surprise cake ang Azkals player, para sa 26th birthday nito, habang nasa ice skating rink sila.

Noong August din ang huling Instagram post ni Phil tungkol kay Angel.

Kung totoo ngang break na sina Angel at Phil, sila ang ikatlong high-profile celebrity couple na naghiwalay sa loob lamang nitong nakalipas na buwan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Una ay sina Derek Ramsay at Cristine Reyes, na napag-alaman ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ay nag-break, pagkatapos lamang ng halos isang buwang relasyon.

Noong nakaraang linggo lamang ay nakumpirma naman ang breakup nina Jennylyn Mercado at Luis Manzano, pagkatapos ng halos dalawang taong relasyon.

Si Luis ay ex-boyfriend ni Angel.

FROM TWITTER TO LOVERS. Nagsimula ang relasyon nina Angel at Phil sa pamamagitan ng isang Twitter post ni Phil noong February 10, 2011.

Sa nasabing post, niyaya ni Phil si Angel na makipag-date sa kanya sa Valentine’s Day.

(Read: Azkal Phil Younghusband asks Angel Locsin out for Valentine’s Day on Twitter)

Hindi natuloy ang date ng dalawa sa mismong Valentine’s Day, ngunit naging daan ang Twitter post ni Phil para sa pagkakataong maka-date nito kalaunan si Angel.

(Read: PEP EXCLUSIVE Phil Younghusband on his tweet to Angel Locsin: "It wasn’t a bet.")

Pagkaraan ng ilang pagkikita, naging opisyal na magkasintahan ang aktres at ang football player noong May 27, 2012.

(Read: FIRST READ ON PEP: Phil Younghusband declares Angel Locsin is now officially his girlfriend)

Sa ilang magkahiwalay na interbyu kina Angel at Phil, sinabi nila kung gaano nila kamahal ang isa’t isa.

Sa isang panayam sa Spin.ph, ang kapatid na sports website ng PEP, inihayag ni Phil: “Angel is the one. She is the one.”

(Read: Phil Younghusband excited about his "future" with Angel Locsin)

Halos ganito rin ang naging pahayag ni Angel sa isang interbyu nang tanungin kung sa tingin niya ay si Phil na ang lalaki para sa kanya.

Aniya: “Sa ngayon, gusto kong isipin na oo, oo.

"Masaya talaga kami, and yung happiness na ibinibigay niya kasi sa akin, ibang klase rin talaga.

"Napakabait na tao ni Phil talaga, and napaka-blessed ko na naging parte siya ng buhay ko.”

Noong May 2013, naging matunog ang balitang nag-propose na si Phil kay Angel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Subalit itinanggi ito ng sikat na atleta, “Not yet, not yet.

“Like I’ve said, I wanna be with Angel, but I didn’t propose yet.

"In the future, I plan to, but not yet.”

(Read: Phil Younghusband denies proposing to Angel Locsin: "No... no ring at the moment!")

Samantala, bukas ang PEP sa anumang paglilinaw, mula sa kampo nina Angel at Phil, tungkol sa mga usap-usapan ng paghihiwalay nila.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN