Part 2. LJ Reyes has no regrets about loving Paulo Avelino: "Hindi yun totoo, hindi ko naiisip yun."

Sa kabila nang maingat pa rin si LJ Reyes sa pagbibitaw ng salita tungkol sa sinapit nila ni Paulo Avelino, inamin niyang gumaan ang kanyang loob dahil nakapagsalita na siya. Sabi ng Kapuso actress, "Kahit konti lang yung naibigay kong details or ano, kahit papaano, nasabi ko. Pero siyempre, hindi ko sasabihin lahat or hindi ako magsasalita nang diresto dahil respeto sa isa’t isa."


Nang araw na pinag-usapan nila ni Paulo Avelino ang kanilang desisyon tungkol sa relasyon nila, umiyak ba si LJ Reyes?

“Oo naman,” pag-amin ng Kapuso actress sa pagpapatuloy ng panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Ilang araw siyang umiyak?

“Ano, e, medyo matagal.

“Mahirap kasing lagyan ng time frame yung mga bagay, kasi medyo matagal.

“Pero iyon nga, hindi kasi ako nagsalita.

“Gusto ko lang din kasing i-keep yung ganun na, ‘Sige, ako na lang yung, ako na lang, ako na lang yung matibay, ganyan…’

“Tapos, wala na lang akong sasabihin, ganun. Kaya hindi rin ako nagsasalita.”

Umiyak ba si Paulo?

“Oo naman, I’m sure.”

Bakit nila ito napagdesisyunan? Ano ang pangunahing dahilan?

“Alam mo, hindi mo na siya mapi-pinpoint sa iisang dahilan.”

Naipon na?

“Masyado na kasing matagal din, na parang feeling ko, mag-isa akong sumasangga.

“Kasama na rin siguro yung pagod, ganyan.”

Ano ang sinasangga ni LJ?

“Madaming bagay. Ang mga challenge sa buhay.”

Wala ba siyang maibibigay na partikular na dahilan?

“Ayoko, ayokong magsalita.

“Pilít na pilít na nga itong interview na ito, e!” natawang sabi ni LJ.

Masasabi ba niyang magkaibigan sila ni Paulo ngayon?

“For me, I treat him as a friend. I treat him as someone I respect.

“Kasi nga, kung together kami in raising the kid, kailangan nagkakaintindihan kami, meron kaming respeto sa isa’t isa, ganun.

“Merong pagmamahal as friends, ganyan.

“Hindi kasi puwede kapag wala.

“Kasi yung mga bagay na yun, mag-aano kayo—magka-clash kayo, magdi-disagree kayo, mag-a-argue kayo on things.

“If you have respect for each other, siyempre mas madali yung mga bagay-bagay.”



RUMORED ATTEMPTED SUICIDE. Pinag-usapan nila ang major decision na ito early this year pa.

Tinanong naman namin si LJ kung nakarating sa kanya ang balitang nagtangka diumano si Paulo na mag-suicide? Ano ang reaksiyon niya tungkol dito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

(Read: Paulo Avelino’s camp says actor’s reported suicide attempt is "fabricated")

Sabi niya, “May mga nagsabi sa akin, pero siyempre, hindi ko naman… I don’t think kaya niyang gawin yun.

“I believe na hindi niya kayang gawin yun dahil na lang sa takot sa Diyos.”

Tinanong ba niya si Paulo tungkol dito?

“We never had the chance na makapag-usap tungkol sa ganung bagay.”

Dagdag niya, “Well, ayokong maniwala.

“As in, hindi talaga. As in, walang doubt. Kahit an inch of doubt, wala.

“Ako kasi, naniniwala ako na hindi solusyon yun, e, sa kahit anong problema.

“You know, I pray for him. I really did.

“Pareho kaming may responsibilidad na malaking-malaki.

“At siyempre, wini-wish ko na, alam mo yun, magawa niya yung responsibilidad na yun.

“Not for me, for the kid.”

Hindi ba siya nagtanong kay Paulo kahit sa pamamagitan ng text message?

“Naniniwala kasi ako na pag ganung ka-sensitive na bagay, you’re not supposed to talk, to ask about it sa text lang, ganyan.

“Especially sa pagkakakilala ko sa kanya, hindi mo siya puwedeng kausapin basta-basta lang nang ganun-ganun na lang, sa mga sensitive na bagay.”

Kapag nagkita sila, itatanong niya?

“We’ll see. Depende.”



NO REGRETS. May panghihinayang ba siya na nagkaroon sila ng relasyon, na minahal niya si Paulo?

Sagot ni LJ, “Wala naman, kasi I have Aki, e. Because of it, I have Aki, e.

“At sobrang blessed talaga ako na meron akong isang anak na talagang, dyusko, napaka-sweet talaga, napakalambing.

“Oo, makulit, pero grabe naman sa lambing.

“Nakakawala ng pagod dahil sa kanya, kasi sobra-sobra talaga.

“So, kung ire-regret ko na naging kami, o dumating siya sa buhay ko, ibig sabihin, kasama dun si Aki.

“And ayoko yun, hindi yun totoo, hindi ko naiisip yun.”

Sa tingin ba ni LJ ay may chance pa na magkabalikan sila ni Paulo?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi ko masabi. Kasi ayokong magsalita nang tapos. Tatay pa rin siya ng anak ko.

“Pero ewan ko… I mean, hindi ko alam.”



UNLOADING. Matapos ang lahat ng mga ipinahayag ni LJ tungkol sa kanila ni Paulo, ano ang nararamdaman niya ngayon?

“Kahit papa’no, nakakaluwag ng loob.

“Na kahit konti lang yung naibigay kong details or ano, kahit papaano, nasabi ko.

“Pero, siyempre, hindi ko sasabihin lahat or hindi ako magsasalita nang diresto dahil respeto sa isa’t isa.

"Ayoko namang ibuklat yung buong buhay namin sa… di ba?

“Pero iyon, basta ang sa akin naman kasi, masaya naman ako na ganito, mas okay ako na ganito.”

Ano ang mensahe ni LJ para sa kanyang sarili?

“Grabe! Sobrang hindi ko na-realize na kaya kong maging matibay ng ganung katibay,” simula ni LJ, na halatang pinipigilang umiyak.

“Iba talaga kapag naging nanay ka na, iyon.

“At saka, kailangan, tuloy lang yung kapit sa Diyos, ganun.

“Dun, e, dun naman lang humuhugot ng strength.

“Yung pag talagang hindi mo na alam saan, saan ka pa huhugot ng lakas—dasal na lang.”

Ano naman ang mensahe ni LJ kay Paulo?

“Baka magalit, e, baka magalit!” at natawa si LJ.

“Well, I’m very happy na very busy rin siya sa work niya.

“And lagi naman siyang nagtse-check kay Aki, ganyan.

“And hindi naman niya nakakalimutan yung responsibilidad niya, and I’m very thankful for that.”

Walang “salamat sa pagmamahal”?

“Wow! Salamat for the… I’m very thankful for everything,” pagtatapos ni LJ.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN