KC Concepcion lashes back at bashers: “Nakakabastos na bilang isang babae.”

“Nakikita n’yo naman wala akong commitments, wala akong sineseryoso, di ba?” Ito ang pahayag ni KC Concepcion sa kabila nang pagli-link sa kanya sa NBA player na si Chandler Parsons.


Sa kabila ng mga intrigang kasalukuyang ibinabato kay KC Concepcion, mas gusto ng aktres na magbilang na lang ng mga biyayang natatanggap niya:

“Yes, the show must go on. Life goes on.

"Every day is a new day. Napakaganda ng mga blessings.”

Ito ang lahad ng anak ni Sharon Cuneta nitong Miyerkules, October 23, pagkatapos ng SM Shoes and Bags fashion show na ginanap sa SMX Convention Center.

Si KC, kasama si Luis Manzano, ang dalawang artistang rumampa sa nasabing fashion show.

Dugtong pa ni KC, “Hina-hash-tag ko ‘yan sa Twitter, di ba? ‘BUB’—blessings upon blessings,” sabi ng 28-anyos na aktres.

Bago pa man magsimula ang panayam kay KC, nakiusap na ang aktres na huwag siyang tanungin tungkol kay Chandler Parsons, ang National Basketball Association (NBA) player ng Houston Rockets na dumating sa bansa, kasama ang iba pang NBA players, para sa isang preseason game.

Nali-link kasi ang dalawa, pagkatapos kumpirmahin ni Chandler na nag-dinner sila ni KC.

Itinanggi naman ng aktres na romantic ang nasabing paglabas nila at marami rin daw silang mga kasama noong kumain sila.

(Read: KC Concepcion dismisses rumored romance with NBA player Chandler Parsons )

DEALING WITH HER BASHERS. Nabaling na lang ang usapan sa kung may open communication si KC sa inang si Sharon pagdating sa buhay-pag-ibig ng dalaga.

“Whenever meron akong bagong dine-date, or bagong kinikilala, sinasabi ko kay Mom,” sagot ni KC.

“Sabi ko, ‘Ma, lalabas kami ni Ganito,’ or ‘Magkikita kami ni Ganyan.’

"Sasabihin niya, parang, ‘I trust naman kung paano kita pinalaki.’ Na parang, ‘I just have to trust na parang ikaw ang makakaramdam niyan.’

"Tapos may smiley face naman siya sa text niya."

Hindi man direkta ay ipinahayag ni KC na walang katotohanan ang pagli-link sa kanya kay Chandler.

“Nakikita n’yo naman, wala akong commitments, wala akong sineseryoso, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I’m getting to know people, and alam mo yun? Dinners, friendship,” paglilinaw ni KC.

Pinasaringan na rin ng aktres ang kanyang bashers sa social networking sites.

Hindi kasi magaganda ang komento ng mga ito kay KC, dulot ng pagkaka-link kay Chandler, na mayroon na umanong girlfriend.

“Walang kung anu-anong mga pinagsasabi ng mga bashers sa Instagram ko or sa Twitter, na napakabastos talaga.

“Walang kwentang comment minsan. Nakakabastos na bilang isang babae.

“Kasi parang… Ano’ng tingin n’yo sa akin, di ba?

“And naririnig n’yo pag meron akong boyfriend.

“Ilang beses n’yo lang talaga ako narinig na nagka-boyfriend, di ba?” aniya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media na kausap.

Si Piolo Pascual ang huling nakarelasyon ni KC. Nagkahiwalay sila noong 2011.

SUPPORT SYSTEM. Paliwanag pa ni KC, ang mahalaga raw sa kanya ay may tiwala sa kanya si Sharon pagdating sa kanyang mga desisyon.

Hindi na raw niya iniintindi ang sinasabi ng ibang tao, gaya ng kanyang mga kritiko, na hindi naman talaga siya lubusang kilala.

“Ang sa ‘kin naman, talagang sanay ako na di ako masyadong pinapakialaman ni Mom.

"Kasi siguro, she always tells me na ang hirap din kasing… Andaming nagsasabi sa ‘yo kung ano’ng dapat gawin, kung ano’ng di dapat gawin.

“And sa kanya, nakikita niya talaga na napaka-devoted ko sa trabaho ko, napaka-busy ko sa trabaho ko, and she knows kung nasaan ako, kung ano’ng pinagkakaabalahan ko."

Pagpapatuloy pa ni KC, “And kung meron man akong makilala, I tell her naman, and sasabihin niya sa akin siguro ngayon kung ayaw niya. Meron siyang comment na malalaman niya.

“And so, parang okey naman. She’s very supportive. Mararamdaman mo naman... If something goes wrong, she will be there.

“So far, I’m glad na mabubuting tao naman yung mga nakikilala ko.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN