Manager of Miss Universe Philippines reminds her to be careful with her words

Lumikha ng kontrobersiya ang naging pahayag ni Miss Universe Philippines Ariella Arida tungkol sa Latina beauties na lumalahok sa international beauty pageants. Sa kabila nito, umaasa ang kanyang manager at mentor na si Jonas Gaffud na maiuwi ni Ariella ang Miss Universe corwn.


Mainit pa ring pinag-uusapan ngayon ang kontrobersiyal na statement ni Miss Universe Philippines Ariella Arida tungkol sa mga Latina beauty na sumasali sa international beauty pageants.

Nagsimula ang lahat sa kanyang interview sa ANC program na Headstart noong October 22.

Hiningan ng host na si Karen Davila ng reaksiyon si Ariella sa komento ng viewers na tila nahihirapan siyang i-express ang sarili sa wikang Ingles.

Sagot ng 24-year-old beauty queen: “Latinas cannot even speak a sentence, right? I mean, a complete sentence in English... You know, I think, it’s the Filipinos who are very critical about this.”

Malinaw na ang ibig lamang sabihin ni Ariella ay hindi pamantayan ang pananalita niya ng Ingles sa pagpapanalo ng Miss Universe crown.

Ngunit nag-react ang marami sa ating mga kababayan sa sinabing ito ni Ariella, partikular na ang New York-based radio host na si Mo Twister.

Sa pamamagitan ng Twitter ay binatikos ni Mo ang pahayag na ito ng Philippine representative sa Miss Universe ngayong taon.

Agad namang ipinagtanggol ni Ervic Vijandre si Ariella mula sa pambabatikos ni Mo.

At dito na nga nagsimula ang maaanghang na palitan nina Mo at Ervic sa Instagram.

Si Ervic ay masugid na manliligaw ni Ariella. Si Mo naman ay kilala sa pagkatabil nito kapag galit.

(Read: Mo Twister and Ervic Vijandre trade insults on Instagram over Ariella Arida’s Headstart interview)

Samantala, si Ariella ay nag-apologize na, sa pamamagitan ng Twitter, kaugnay ng mga nasabi niya sa interview.

“OM sorry. I didn’t mean to offend anyone from my last interview. I hope you guys can understand what I’m trying to say.”



ARIELLA’S MANAGER. Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang manager at mentor ni Ariella na si Jonas Antonio Gaffud, sa launch ng Aces & Queens, sa Opus Bar, Resorts World Manila, kagabi, October 24.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kinuha ng PEP ang reaksiyon ng tagapamahala ng Mercator Model and Artist Management sa kontrobersiyang nilikha ng interview ni Ariella sa Headstart.

Ayon kay Jonas, pinagsabihan na niya si Ariella na maging maingat sa mga sasabihin, lalo na’t malapit na ang Miss Universe pageant na gaganapin sa Moscow, Russia, sa November 9.

“Sinabihan ko siya na maging careful siya, lalo na sa mga interviews.

"Kita n’yo naman, naging big issue tuloy ito laban sa kanya.

“Always na i-consult niya sa amin ang tungkol sa mga ganyan.

“I know na kaya naman niya ang mga ganyan, pero para lang sa pagiging maingat, nandito naman kami para i-guide siya nang maayos."

Sabi pa ni Jonas, “I hope and pray na wala namang mabago sa pagtingin natin sa ating Miss Philippines.

"Let’s support her and pray that she brings home the crown.”

Si Jonas ay kilala sa mundo ng fashion at beauty pageants.

Siya ang nagsilbing mentor sa huling tatlong kandidata ng Pilipinas sa Miss Universe na pawang pumuwesto sa Top 5: sina Venus Raj (2010, 4th runner-up), Shamcey Supsup (2011, 3rd runner-up), at Janine Tugonon (2012, 1st runner-up).

Si Jonas din ang namamahala sa career ng mga Brazilian-Japanese models na sina Daniel Matsunaga, Fabio Ide, Hideo Muraoka, at Akihiro Sato.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN