Gretchen Barretto on mom Inday Barretto’s statements against her: "May kasabihan na ang kakambal ng sinungaling, magnanakaw."

Sinagot ni Gretchen Barretto ang isang Instagram follower niya na nag-post ng mensahe ng suporta para sa kanya, pagkatapos mabasa dito sa PEP ang mga pahayag ng ina ng aktres na si Mrs. Inday Barretto.


"May kasabihan na ang kakambal ng sinungaling, magnanakaw.”

Ito ang maikling tugon ni Gretchen Barretto sa naging pahayag ng inang si Inday Barretto na nailathala rito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kahapon, October 27.

Matatandaang nagbigay ng reaksiyon si Mrs. Barretto sa Instagram posts ni Gretchen, kung saan tinawag siyang "narcissistic" at "abusive" ng aktres.

Bukod dito ay isiniwalat din ni Gretchen ang insidente sa isang jewelry store kung saan may nawala raw na alahas.

(Read: Gretchen Barretto threatens to reveal "molestation" if her Instagram basher does not stop)

Sabi ni Mrs. Barretto tungkol sa anak na si Gretchen, sa ekslusibong panayam naman nito sa PEP: "This one had always been stupid even in her evil ways!”

Sinabi rin ng Barretto matriarch na kanya ang sinasabi ni Gretchen na nawawalang alahas.

Dagdag ni Mrs. Barretto, "That had always been her forte! Smear campaign and character assassination!"

Tiniyak din ni Mrs. Barretto sa PEP managing editor na si Karen Pagsolingan na "Buena mano pa lang ’yan," dahil balak pa raw niyang sagutin, isa-isa sa mga susunod na araw, ang mga alegasyon ng anak.

(Read: PEP EXCLUSIVE: Mrs. Inday Barretto on Gretchen Barretto: "That had always been her forte! Smear campaign and character assassination!")

Kaninang bandang alas-dos ng madaling-araw, October 28, ay sumagot si Gretchen sa komento ng isa niyang follower sa Instagram account (gretchenbarretto), kung saan nagpahayag ng suporta ang follower sa aktres.

Nagsimula ang palitan nila ng mensahe sa huling post ni Gretchen sa Instagram, kung saan ipinagmalaki nito ang gradong nakuha ng anak na si Dominique Cojuangco sa eskuwelahan.

Sa London nag-aaral si Dominique ng kursong may kinalaman sa fashion.

Sabi ng follower ni Gretchen na may user name na @mitchsan: “Ay nako. Nabasa q ang mga message ni Inday sa pep. Grabe naman xa, makatawag sya ng Devil sa anak nya prang di xa ang nagluwal sayo. Naiintindihan q si Ms. Gretch. Napakasakit ng mga binibitiwan ng sarili mong ina sayo.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag pa niya, “Tama ba naman na, dungisan ang sariling anak para lang mapagtakpan ang baho nya. Grabe talaga. Be strong ms. Gretchen.”

Ito naman ang maikling tugon ni Gretchen: “@mitchsan_ she has to discredit me to conceal all her wrongdoings. May kasabihan na Ang kakambal ng sinungaling, magnanakaw.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN