Angelika dela Cruz wins bid to become barangay captain in Longos, Malabon

Isa nang "kapitana" ang aktres na si Angelika dela Cruz matapos niyang manalo bilang barangay captain sa Longos, Malabon City. "I’m happy and thankful sa mga taga-Malabon. Sa pagmamahal sa akin and sa family ko," sabi ni Angelika.


Nanalo ang Kapuso actress na si Angelika dela Cruz bilang barangay captain sa Longos, Malabon City.

Ginanap ang barangay elections kahapon, October 28.

Ito ang unang pagsabak ni Angelika sa pulitika.

"Sarap ng pakiramdam. Double celebration," pahayag ni Angelika sa text message nito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) pagkatapos ng bilangan.

Ang ibig sabihin ng aktres sa "double celebration," bukod sa kanyang panalo ay nagdiriwang din siya ng kanyang 32nd birthday ngayong araw, October 29.

Dagdag ni Angelika, "I’m happy and thankful sa mga taga-Malabon. Sa pagmamahal sa akin and sa family ko."

Dahil sa pagwawaging ito ni Angelika ay nasuklian ang lahat ng pagod at sakripisyo niya noong panahon ng kampanya.

Lalo na’t nalagay pa sa alanganin ang buhay niya nang may isang lalaking magtangkang saksakin siya habang nangangampanya noong October 19.

Ang suspetsa nila ay may kinalaman sa pulitika ang pagtangka sa buhay ng aktres.

Ang pinakamahigpit na nakalaban ni Angelika ay ang pinsan niya.

(Read: Angelika dela Cruz pins political rivalry as motive for harrowing attempt on her life)

Isa raw sa mga plano ni Angelika ngayong barangay captain na siya ng Longos, Malabon, ay ang mag-aral muli.

Pero siyempre, ipagpapatuloy pa rin niya ang kanyang showbiz career.

Huling napanood si Angelika sa primetime series na Mundo Mo’y Akin.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN