Matteo Guidicelli echoes Sarah Geronimo on their unconfirmed romance: "Ako din. I am very, very happy with everything."

Matteo Guidicelli defends Sarah Geronimo’s mom for being protective: “All moms are strict. My mom is strict as well. Everyone wants the best for their kids, son or daughter.”


Halos pareho ang sagot nina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo tuwing natatanong ng media tungkol sa balitang sila na.

Wala mang direktang pag-amin o pagtanggi, sinasabi nila madalas na ipaubaya na lang sa kanila kung anuman ang namamagitan sa kanilang dalawa.

Dahil dito, lalong tumibay ang espekulasyong nauwi na sa mas malalim na relasyon ang paghanga o pagtingin ng aktor sa Pop Princess.

Sa interviews ni Sarah, nabanggit nitong masaya siya sa kung anuman ang mayroon silang dalawa ni Matteo.

(Read: Sarah Geronimo neither confirms nor denies relationship with Matteo Guidicelli)

Sinang-ayunan naman ito ng aktor.

Aniya, “Okey naman, okey naman lahat.

"Ako din, I am very, very happy with everything.

"Ayun, I am very happy.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Matteo sa special screening ng pelikulang Bekikang kagabi, October 29, sa Cinema 3 ng Trinoma Mall, sa Quezon City.

PROTECTIVE MOM. Isa ring mahalagang aspeto sa napapabalitang relasyon nina Matteo at Sarah ay ang pagiging boto diumano ng ina ng singer-actress, si Mrs. Divine Geronimo, sa aktor.

Kilala kasing istrikto at mahigpit si Mommy Divine sa mga lalaking napapalapit o nagkakainteres kay Sarah, ngunit sa pagkakataong ito ay tanggap daw ng pamilya ng Pop Princess si Matteo.

Bago pa man napabalita ang relasyon nina Matteo at Sarah, nakasama na ng binata ang pamilya ng dalaga nang magkaroon sila ng series of shows sa Amerika noon.

Ano ang masasabi ni Matteo tungkol sa pamilya ni Sarah?

Sagot niya, "Oo naman, okay naman ang lahat.

“They’re cool, they’re just like other families who just love their daughter, love their family very much. Yun lang.”

Ayon kay Matteo, nauunawaan niya kung maging mahigpit si Mommy Divine kay Sarah.

“All moms are strict, my mom is strict as well.

"Everyone wants the best for their kids, son or daughter.”

Boto rin ba ang kanyang ina kay Sarah?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Matteo, “I don’t know, I don’t know...

"I haven’t spoken to my mom yet. Di ko alam… sana.

“It’s nice to like everybody, it’s nice to love everyone, because everybody deserves to be appreciated or respected.”

Noon pa man ay bukas na si Matteo sa kanyang paghanga kay Sarah.

Sabi nga niya, “Alam naman niya yun.

"Sinabi ko palagi na she’s wonderful, she’s a wonderful person, pure hearted and strong woman.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN