Claudine Barretto posts Facebook message of support for parents Miguel and Inday

Sa gitna ng lumalalang away sa pagitan ng mag-inang Inday at Gretchen Barretto, isang mensahe ng pagsuporta ang ipinost ng aktres na si Claudine Barretto para sa kanyang magulang sa Facebook ngayong araw, October 31.


Dalawang araw matapos ng maiinit na pahayag ni Gretchen Barretto sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) laban sa mga magulang na sina Miguel at Estrella Barretto, naglabas naman ng kontra-mensahe si Claudine Barretto.

Isang mensahe ng pagsuporta para sa mga magulang ang ipinost ni Claudine sa kanyang official Facebook account ngayong araw, October 31.

Mensahe ni Claudine: “I just want to Honor both my Dad & Mom for being wonderful Parents.i pray for good health & Long life pa for u both to enjoy the Love & Respect that so many of both ur frends,children & Grandchildren have for u both.believe me we i say Im Proud to hav u & Dad as my Parents.u dnt deserve all the pain that some hav inflicted on u both.God knws how Grateful Gia,Michie,Mito & i are for still having u both for us.pls b strong.we your children "we got ur Backs" thank u for being my Dad & my Mom.i wouldnt want it any other way.its a Privilege to have u as my Parents.i luv u Dad & Mom.so so much.”

Malinaw na hindi isinama ni Claudine sa mga tinatawag niyang "grateful" sa magulang sina Gretchen, Marjorie, at J.J.

May alitan si Claudine at ang tatlong kapatid na nagmumula sa sinasabi ni Claudine na paninira sa kanya ng tatlo, sa pamumuno umano ni Gretchen; at sa sinasabi nina Marjorie na pagkawatak-watak ng pamilya, dala ng pagda-drugs ni Claudine.

Si Claudine ang bunso sa pitong anak ng mag-asawang Mike at Inday Barretto. Ang anim pang iba ay sina Mito, Mitchie, J.J., Gia, Gretchen, at Marjorie.

Sa halos lahat ng mga pinagdaanang kontrobersiya at problema ni Claudine ay nasa tabi niya ang kanyang mga magulang.

Naroon si Inday—mula sa naging alitan ni Claudine at ng pamilya ng ex-boyfriend nitong si Rico Yan, noong mga panahon ng lamay para kay Rico, hanggang sa iringan sa pagitan ni Claudine at ng ABS-CBN, noong mga panahong pinakawalan ng network si Claudine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Maging sa away sa loob ng pamilya ay hayagan ang pagkampi nina Mike at Inday kay Claudine.

Kinampihan nila si Claudine laban sa mga kapatid na sina Gretchen, Marjorie, at J.J., na humantong sa pagbibitiw nina Mike at Inday ng matitinding papuri sa bunso at masasakit na salita para sa mga huli.

Nariyan pa rin sina Mike at Inday sa likod ni Claudine sa isyu ng hiwalayan nito at asawang si Raymart Santiago, na sa ngayon ay nagsampahan ng sanga-sangang kaso sa korte.

Tinatayang ang bagong Facebook message ni Claudine para sa mga magulang ay patungkol sa mga pinakahuling pangyayari sa pagitan nina Inday at Gretchen.

Nitong mga huling araw, muling nagpalitan ng akusasyon ang mag-inang Inday at Gretchen, na parehong nag-ungkat ng mga kinikimkim nilang sama ng loob sa isa’t isa.

Read: Gretchen Barretto threatens to reveal "molestation" if her Instagram basher does not stop

Read: PEP EXCLUSIVE Mrs. Inday Barretto on Gretchen Barretto: "That had always been her forte! Smear campaign and character assassination!"

Read: PEP EXCLUSIVE. Gretchen Barretto on Inday Barretto: "My mother is the person who is deeply pained by my happiness."



GRETCHEN’S LATEST POST. Kaugnay pa rin ng alitan ni Gretchen at ng ina nitong si Inday, isang maiksi ngunit malamang pahayag ang pinakawalan ni Gretchen sa huli nitong Instagram post (gretchenbarretto).

Kagabi, October 30, sinagot ni Gretchen ang isang follower.

Tinanong ng Instagram user na si @lovellakate, kung dadalo ang aktres sa lamay o libing ng ina kung sakaling pumanaw ito.

Maikling tugon ni Gretchen: "no. I won’t."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN