Benjamin Alves just waiting to get lucky in both career and lovelife

Benjamin Alves on Max Collins and Janine Tugonon, who were linked to him: "There’s always a quality in all the girls that I’ve been close [to], na they’re really the type that you’ll take seriously."


Naging maugong ang balitang nakipag-date si Benjamin Alves kay Miss Universe 2012 1st runner-up Janine Tugonon.

Ngunit sa isang panayam noon, sinabi ni Benjamin na mas makabubuti kung manatili na lang silang magkaibigan ng beauty queen.

(Read: Benjamin Alves maintains he and beauty queen Janine Tugonon are just friends)

Nakapanayam muli ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng press si Benjamin sa set ng Katipunan, sa Magdalena, Laguna, noong Martes, October 29.

Ang Katipunan ang mini-series ng GMA News TV na tumatalakay sa buhay ni Andres Bonifacio, na ginagampanan ni Sid Lucero.

Ayon kay Benjmain, hindi na sila masyadong nagkakausap ngayon ni Janine dahil na rin sa kanilang busy schedule.

“Wala, e. But, you know, we text once in a while.

“I think she’s going to Russia para sa Miss [Universe].

"She’s the one… siya yata yung magiging ano sa behind the scenes, e.

“So, I’m really excited for her for that.

"Alam ko sobrang excited siya para kay Ara," pagtukoy niya sa kandidata ng Pilipinas na si Ariella Arida.

Patuloy ng aktor, “Malaki expectations kay Ara but, you know, I think she’s gonna do well, and also Janine.

“I think she just finished her NYFA [New York Film Academy].”



FROM DATING TO FRIENDS. Sa kabila nito, marami pa rin ang nagtataka kung bakit napunta sa "friend zone" ang relasyon nila ni Janine.

Sagot ni Benjamin, “Yun lang ’ata ending nun sa akin e. I think it just happens that way.”

Sa ngayon, wala raw muna sa priorities ng aktor ang lovelife dahil na rin sa dami ng kanyang trabaho.

“I think I’m always serious naman with them, but not to the point na masyado namang bigla yun.

"Na you’re just getting to know each other, and parang naiisip mo na kaagad na tayo na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“That’s a little too much, especially in this business.”

Paliwanag pa ng Kapuso hunk, ayaw rin niyang pumasok sa isang relasyon na hindi niya mapapanindigan.

“It’s very hard to… ayoko naman na hindi ko mapanindigan.

"That’s one of the biggest reasons—because I don’t have the time.

“Ang sabi nga, e, if you’re lucky with your career, papa’no pag nagkasabay-sabay lahat yun?

"I really don’t know… I’d admit it, that I don’t know how to handle both.”



NO TIME FOR LOVE. Hindi naman daw nape-pressure si Benjamin na maghanap ng magiging girlfriend, lalo na ngayong sobrang busy ng kanyang schedule.

“I think there’s gonna come a time naman na I’ll be lucky in both, but hindi pa nangyayari.

“And I don’t get frustrated by it.

"Saka hindi mo naman puwedeng sabihin sa Diyos na, ‘Lord, bakit ganun?’

“Parang hindi naman curse maging single, e.

"It’s actually a time to prepare.”

Dagdag pa ng 24-year-old actor, “Hindi naman, especially now, wala talagang [time].

"Isipin mo, tatakbo pa lang, hindi na ako makahanap ng time.

“Sinisingit ko pa yung exercise sa taping mismo. What more yung pag date?”

Ano ba ang hinahanap niya sa isang babae?

Sagot ni Benjamin, “There’s always a quality in all the girls that I’ve been close [to], na they’re really the type that you’ll take seriously.

“That’s why I couldn’t commit to a relationship because hindi naman ’to… like Max, Janine—they’re not the type na just to have fun with, di ba?

“I have so much more respect for them for that.

"So, they had the qualities that I look for. It’s just not the right time.

“Hindi ko naman mabibigay yung maging mabuting partner, nakakahiya naman sa kanilang dalawa or whoever I try to date.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



ADARNA. Excited naman si Benjamin dahil balik-primetime siya sa telefantasya ng GMA na Adarna.

Isa si Benjamin sa makakapareha ni Kylie Padilla rito, bukod kina Mikael Daez at Geoff Eigenmann.

Ayon sa actor-model, wala namang kaso sa kanya kung hindi siya ang piliing ultimate leading man ni Kylie.

Saad niya, “Okay lang po sa akin, basta po ako may [project].

"I heard na si Geoff na [ang main leading man].

“I’m happy because I’m working with Timmy [Sid Lucero], tapos si Geoff naman this time.

“I have no problem with that. These guys are my seniors, kumbaga.

“And even then, ang sabi ko, primetime yung nabigay sa akin—Adarna."

Laking pasasalamat din ni Benjamin sa suportang ibinibigay ng kanyang home network, kaya wala na rin daw lugar ang pagrereklamo.

“Alagang-alaga po ako ng GMA.

"Wala na po akong mahihingi pa sa kanila na… mag-inarte po na mas malaking role po yung nabigay sa [iba].”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN