Claudine Barretto thankful to Edu Manzano for spending time with her parents, calls him her "adopted brother"

Nag-post ang aktres na si Claudine Barretto sa Instagram ng larawan ng kanyang ama na si Mr. Miguel Barretto kasama ang TV host-actor na si Edu Manzano, na itinuturing ng aktres na "adopted brother." Si Edu naman, sa kaniyang Instagram post kamakailan, ay nagbigay puri kay Mr. Barretto: "A truly wonderful man.’


Pinasaringan ng aktres na si Claudine Barretto ang mga taong nang-iwan at “naghugas-kamay” sa Instagram posts niya kahapon, November 3.

Nag-post si Claudine ng larawan niya kasama ang dalawang kaibigan, na hindi niya pinangalanan.

Sa caption ay sinabi ng aktres: “Happy birthday to a Frend who came wen d others turn their baks @naghugas kamay.tnx Coleen! I luv u my frend & Sister.”

Sa isa namang post ni Claudine ay nagpasalamat siya kay Edu Manzano, na itinuturing daw nitong “adopted brother.”

Sa dalawang magkasunod na repost ni Claudine sa larawan ng kanyang ama na si Miguel “Mike” Barretto kasama si Edu, pinasalamatan nito ang TV host-actor dahil sa mga oras at panahong iginugol daw nito sa kanyang mga magulang.

Ayon pa sa aktres: “@therealedumanzano my Adopted Brother.thanks for always being wid Dad & mom. we luv u so much.

“@realedumanzano thank u for always spending time wid Dad & Mom. u r a son & brother to us. we luv us so much!”

Ang larawan nina Mr. Barretto at Edu ay kuha noong kaarawan ng Barretto patriarch.

Sa post ni Edu, five weeks ago, sinabi nitong: “With Tito Mike, Inday, Mito, Connie and John Barretto celebrating Tito Mike’s bday. A truly wonderful man.”

Matatandaang noong October 31 ay nag-post si Claudine sa kanyang Facebook account ng mensahe ng pagsuporta sa mga magulang niyang sina Mike at Inday Barretto, bilang pangontra sa naging pahayag ng kapatid niyang si Gretchen Barretto laban sa kanilang mga magulang.

(Read: Claudine Barretto posts Facebook message of support for parents Miguel and Inday)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN