Atty. Lorna Kapunan contends that Kris Aquino is in breach of James Yap’s visitation rights

"We’re praying that both parties will see it… what is to the best interest of the child and set aside their personal differences," pahayag ni Atty. Lorna Kapunan kaugnay ng visitation rights na ibinigay ng korte kay James Yap para sa anak nila ni Kris Aquino na si Bimby.


Ayon sa kampo ni James Yap, hindi raw sinusunod ni Kris Aquino ang visitation rights na ibinigay ng korte sa basketbolista para sa anak nilang si Bimby.

Kaninang umaga, November 4, ay nag-guest sa morning show ng TV5 na Good Morning Club ang legal counsel ni James na si Atty. Lorna Kapunan.

Tinanong ng host ng programa na si Erwin Tulfo si Atty. Kapunan tungkol sa balitang hindi raw sinusunod ni Kris ang kautusan ng korte kaugnay ng visitation rights ni James.

(Read: James Yap and Kris Aquino finally settle James’s visitation rights in court)

Ayon kay Atty. Kapunan, “It’s very sad, but it’s very true.

“Although I cannot talk about the case, kasi meron kaming gag order, e, gusto ko lang sabihin na…

“I make this an appeal on air na sana sundin naman niya [Kris] yung visitation orders because from… napag-agree na ‘yan, e.

“Ginawa ngang easy for the son, ‘no... for both parties and the son to see the father.

“E, hanggang ngayon, hindi pa rin sinusunod.”

Tumanggi namang sabihin ni Atty. Kapunan kung kailan puwedeng bumisita si James o kung kailan puwedeng dalhin si Bimby kay James.

Paliwanag ng abugado ni James, “A, yun, hindi ko puwedeng sabihin for security purposes, because the little boy is also a public figure.

“Ang puwede ko lang sabihin, e, ito ay with the court order. Ito ay with the studies of the psychologist.

“This is also with the recommendation of the social worker.

“And with the agreement of both parties and the little boy himself.

“And kapag sinasabi nating rule of law, e, sana naman nobody is above the law.”

Magpa-file ba sila ng contempt dahil sa paglabag diumano ni Kris sa kautusan ng korte?

Sabi ni Atty. Kapunan, “We are thinking about it.

“Kasi, pag ganyan yung contempt, separate case ‘yan, ‘no.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi ‘yan puwede i-file by motion. You have to file a separate case.

“E, nag-move on... we’re very happy that James has moved on with regards to his personal lovelife.

“And then to involve them again into this tug of war, sana huwag na lang.”

Ang tinutukoy ni Atty. Kapunan ay ang pagkakaroon ngayon ng kasintahan ni James sa katauhan ng Italyang si Michela Cazzola.

Ayon pa sa abugado ni James, pumayat noon ang kanyang kliyente dahil may panahong hindi nito nakikita ang anak.

“That is true… that is true.

“In fact, at the height of this fight, this controversy between the mother and father, na si Kris at si James, doon yung sumakit yung back pains niya.

“At saka na-affect yung kanyang performance in the last games, ‘no.

“I would see him naka… ano tawag dun? Naka-fetal position sa court.”

Dagdag pa ni Atty. Kapunan, “That was due to stress.

“And that gladly was removed nung nagka-okay na sila sa court order.

“Sana hindi na bumalik yung situation na yun.”

Sa huli, hiningan ng mensahe si Atty. Kapunan sa kampo ni Kris.

Aniya, “Ang sabi ng court is, ‘It is good for a child to have the mother and father, but they may be not husband and wife anymore. But the child always needs a mother and father growing up.’ Yun ang order ng court.

“So, I think… we’re praying that both parties will see it… what is to the best interest of the child and set aside their personal differences.”

Bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa panig ni Kris kaugnay ng naging pahayag ng abugado ni James.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN