Paulo Avelino confirms that he is dating KC Concepcion

Paulo Avelino on suicide-attempt rumor: “Well, nagulat din po ako… Kumbaga, hindi ko rin alam when and how the gossip started. Pero, like any other gossip, I just shrug it off.”


Kinumpirma ni Paulo Avelino na nagde-date na sila ng actress-TV host na si KC Concepcion.

Ginawa ni Paulo ang pag-amin sa live interview sa kanya sa Buzz Ng Bayan kahapon, November 3.

“Yeah, we’re dating,” sabi ni Paulo nang tanungin tungkol sa kanila ni KC.

Pero tumanggi nang magbigay ng detalye ang 25-year-old actor.

Sabi niya, “Yun lang, I think hanggang doon lang.

“Kilala niyo naman ako. Siguro, I wanna keep things private.”

Pero masaya siya?

“Haping-happy,” sagot ng Kapamilya actor.

Paano ba ma-in love ang isang Paulo Avelino?

“Tahimik at tapat. Honesto, promise!” natatawa pa niyang pagbanggit sa titulo ng kinabibilangang teleserye sa ABS-CBN.

Matagal na ba silang magkakilala ni KC o ngayon lang?

Sagot ni Paulo, “Matagal na, matagal na.

“Actually, first work ko sa ABS, MMK [Maalaala Mo Kaya] was with her.

“That was a long time ago. Two years din.”

Nagselos ba siya sa NBA player na si Chandler Parsons, na na-link noon kay KC?

“Well, kuwento ko na lang din sa inyo!” natatawang sabi ni Paulo.

Puwede niyang sagutin ng yes or no…

“Hindi,” tugon naman ni Paulo.

Pero, alam niya ang tungkol doon?

“It was all over social media.”

Noong malaman niyang nakipag-dinner si KC kay Chandler, ano ang sinabi niya sa dalaga?

“Sa akin kasi, hindi rin talaga ako seloso, dahil I try to think about things first before I really, kumbaga, say anything or bring it out.

“Nasabi naman niya ang totoo.”

(Read: KC Concepcion confirms group date with NBA player Chandler Parsons)



BREAKING HIS SILENCE. Kaugnay naman ng hiwalayan nila LJ Reyes, bakit sa mahabang panahon ay nanatiling tahimik at iniwasan ni Paulo na pag-usapan ang mag-ina niya?

May isang anak sina Paulo at LJ, si Ethan Akio, na ngayon ay tatlong taong gulang na.

Paliwanag ng aktor, “Ako rin po kasi, hindi ako kumportable na pinag-uusapan yung pribado kong buhay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siguro, yung reason, for the people I love, to protect their privacy.”

Bakit sila nag-break ni LJ?

“Well, ganun po yata talaga. May nagkakamali.

“Ang pinaka importante naman po siguro dun ay yung mga natutunan mo.

“Just move on and stand up again.”

Ayon pa kay Paulo, “mutual decision” nila ni LJ na tapusin na ang kanilang relasyon.

Career ba ang naging problema nila?

Sagot ni Paulo, “Hindi naman po.

“Tao lang din naman po tayong lahat.

“At one point or another, may mga pagkakamali ka na magagawa.”

Magkaibigan ba sila ni LJ ngayon?

“We are,” nakangiting sagot ni Paulo.

Sa tingin niya, may naging pagkukulang siya?

“Nagkakamali talaga ang tao. Nagkakamali talaga.

“Hindi lang ako. I mean, kahit naman siguro sino,” sabi ni Paulo.



YOUNG FATHER. Isa ba sa dahilan kung bakit gusto ni Paulo na manatiling pribado, hangga’t maaari, ang relasyon nila noon ni LJ ay dahil sa kanilang anak?

Sagot niya, “Yes, I want to keep the privacy of my son.

“I want him to have a normal life, a simple life.

“And kapag may sarili na siyang isip at sabihin niya na gusto niyang mag-showbiz, o magtanong siya, then, siguro, choice niya na rin yun.”

Kapag magkasama sila ng anak niya, ano ang ginagawa nila?

“Kapag wala po akong trabaho, I don’t really think of it as a responsibility as a dad.

“Well, siyempre, kapag mahal mo ang anak mo, parang ginagawa mo na lang yun kasi gusto mong makita ang anak mo. Makita siyang masaya.

“Gusto mo siyang turuan ng values.”

Madalas naman daw silang magkitang mag-ama.



SUICIDE ATTEMPT. Muli ring pinabulaanan ni Paulo ang balitang nagtangka diumano siyang magpakamatay.

“Well, nagulat din po ako… Kumbaga, hindi ko rin alam when and how the gossip started.

“Pero, like any other gossip, I just shrug it off.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagtangka nga ba siyang magpakamatay—oo o hindi?

“Hindi po,” nakangiting sagot niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN