Aljur Abrenica says mutual love, belief in God, and respect for work keep relationship with Kylie Padilla strong

Aljur Abrenica on Kylie Padilla’s attitude towards his work: “Tanggap niya. Siyempre, trabaho ko ito, mahal ko ‘etong trabahong ito, mahal ko ang ka-loveteam ko—mahal ko ‘to. Mahal niya rin kung ano ang mahal ko.”


Sa obserbasyon ng marami, maayos at tahimik naman ang takbo ng relasyon nina Aljur Abrenica at Kylie Padilla.

Ngunit may usap-usapan pa ring nagseselos daw si Kylie sa pakikipagtambal ni Aljur sa ka-loveteam nitong si Kris Bernal.

Magkasama ang dalawa sa early primetime series ng GMA na Prinsesa Ng Buhay Ko.

Ngunit pinabulaanan ito ng Kapuso young actor nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), pagkatapos ng Sunday All Stars, noong Linggo, November 3.

Sabi ni Aljur, “We’re happy, masaya ako na maayos yung relationship namin.

“Well, as I can see, nakikita ko naman, e, walang selos na nagaganap, walang selosan.

“Kylie, she knows her job very well, she knows the industry very well.

“Nasa pamilya na nga niya, kaya nga ang apelyido niya Padilla, di ba?

“Wala akong nakikitang pagseselos dahil alam kong naiintindihan niya ang trabaho ko.”



MUTUAL ACCEPTANCE. Ano ba ang mayroon sa team-up nila ni Kris, at lumalabas na minsan ay hindi ito tanggap ni Kylie?

“Tanggap niya,” giit ni Aljur.

“Oo, tanggap niya.

"Siyempre, trabaho ko ito, mahal ko ‘etong trabahong ito, mahal ko ang ka-loveteam ko—mahal ko ‘to.

“Mahal niya rin kung ano ang mahal ko.”

Kung tanggap ni Kylie ang team-up nila ni Kris, matatanggap din ba ni Aljur kung sino ang magiging ka-loveteam ng girlfriend sa mga proyekto nito?

Mabilis niyang sagot, “Yes! Actually, I’m very happy sa bago niyang project.”

Ang tinutukoy ni Aljur ay ang upcoming primetime series ng GMA Network na Adarna, kung saan si Kylie ang gaganap sa pangunahing papel.

Dagdag pa niya, “Tatlo ang leading men niya.

"Kasi pagka ganoon, mas marami siyang matututunan.

“So, kumbaga, in our craft, pag marami kang nakakatrabaho, the more you learn.”

Ang mga leading men ni Kylie sa Adarna ay sina Geoff Eigenmann, Mikael Daez, at Benjamin Alves.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


INTENSE. Walang dudang gusto pang pagtibayin ni Aljur ang relasyon nila ni Kylie.

Matatandang hinarana pa nga ng binata ang kasintahan nang minsang magkatampuhan sila.

(Read: Aljur Abrenica serenades girlfriend Kylie Padilla to win her back)

Paliwanag ni Aljur tungkol dito, “There are things na hindi mo makukontrol, e.

"It’s part of life talaga, lahat naman tayo dumadaan diyan.

“Ngayon, ini-enjoy ko lang yung moment at wala akong pinagsisisihan.

"I’m glad that we’re okay and happy.”

Kung may natutuwa sa relasyon nina Aljur at Kylie, may mga nangangamba ring baka maging mas matindi ang sakit kung sakaling magkahiwalay sila.

Sabi naman ni Aljur tungkol dito, “Kaya nga may kasabihan tayo na para na rin sa lahat, ‘First is God, second is yourself, then you can love others.’

“Pag hindi mo minahal yung dalawang binanggit ko, hindi mo totally magagawang mahalin ang isang tao.

“So, sa relationship namin ni Kyle, first is God… meron kaming Diyos, second yung sarili namin.

“So, I think, yun ang reason kung bakit nagwo-work yung relationship namin.”



MAJOR CONCERT. Samantala, kinumpirma ni Aljur na darating si Kylie sa Come and Get Me concert niya sa Music Museum bukas, November 7.

Pero ayaw sabihin ng Kapuso hunk kung ano ang magiging partisipasyon ni Kylie sa concert.

Sabi lang niya, “Yung makapunta lang siya sa concert ko, special na yun kahit wala siyang gawin.”

Sigurado ring pupunta ang mga celebrities at executives ng GMA Network sa concert ni Aljur.

Patotoo niya, “Marami akong inimbitahang mga boss ng GMA, yung mga kasamahan ko sa Sunday All Stars.”

Pagdating naman sa pamilya ni Kylie, ang sabi ng aktor, “Actually, gusto kong imbitahan lahat ng buong pamilya niya, pero malabo yun.

“Pero ita-try kong imbitahan sila.”

Nakakaramdam na raw ng kaba si Aljur sa nalalapit niyang concert.

Aniya, “Big event ito sa buhay ko, panibagong level naman, kaya hindi maiwasan yung makaramdam ka ng kaba at pressure.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tuluy-tuloy pa rin yung preparations. We’re very excited, nervous, but I think, I’m ready.

“I’m just thankful lang, kasi nabigyan ako ng chance na maibigay yung opportunity na ito.”

Tumanggi lang magbigay ng iba pang detalye si Aljur, pero may sorpresa raw siya.

“May pasabog kasi, e, na talagang ikakagulat nila,” sabi ni Aljur.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN