Senator Miriam Defensor-Santiago to Janet Napoles: “Sabihin mo na ang gusto mong sabihin para hindi ka nila ipapatay.”

Janet Lim-Napoles repeatedly answered "hindi ko po alam" at the Senate hearing.


Bukod sa pagharap ng itinuturong mastermind ng P10-billion pork-barrel scam na si Janet Lim-Napoles, inabangan din ng maraming Pilipino ang pagdating ni Senator Miriam Defensor-Santiago.

Ang dalawa ay dumalo sa Senate Blue Ribbon Committee hearing ngayong araw, November 7, sa pagpapatuloy ng imbestigasyon ng anomalya sa Priority Development Assistance Fund (PDAF).

Marami ang naging interesado sa kung paano magtatanong si Senator Santiago, na kilalang mahusay na abugado, kay Napoles, na inaasahan naman ng lahat na hindi magsasalita.

Kagabi pa lamang, November 6, ipinaalam na ni Senator Santiago sa kanyang official Twitter account (@senmiriam) na hindi niya hahayaang maabuso ni Napoles ang karapatang umiwas sa posibleng pagkakasangkot sa anumang kaso.

Kaya naman pagdating niya sa Senado, nang harapin na niya si Napoles, agad niyang sinabi kay Napoles: “Oh, there you are, let me take a good look at you.”

Pagkatapos nito, pinakiusapan ni Senator Santiago si Napoles na maglahad ng katotohanan.

Sabi ng senador, na kilala sa pagkamatabil at pagka-diretso sa pananalita: “I will not bully you.

"I will [not] attempt to outshout you, so I hope you show me the same courtesy by telling the truth, the whole truth, and nothing but the truth.

“I remind you, Mrs. Witness, puwede ka magtanggi sa pagsagot sa maski anong tanong na mababaon sa iyo or makasangkot sa iyo sa isang krimen. Karapatan mo iyan.

“Pero wala kang karapatan na magsabi ng sinungaling [kasinungalingan].

“Pag nagsinungaling ka, lagot ka.

“Kaya iba yung ayaw ko magsagot dahil baka lalo akong mabaon diyan sa krimen na ’yan, at iba rin yung magsinungaling ka sa harap ng isang senador.

"Nagsumpa ka, e.”

Ang tinutukoy ni Senator Santiago ay ang panunumpa ni Napoles bago magsimula ang pagdinig na magsasabi siya ng katotohanan.



NO RIGHT TO A PUBLIC ATTORNEY? Sa pagpapatuloy ni Senator Santiago, kinuwestiyon niya ang pagbibigay ng legal assistance ng Public Attorney’s Office (PAO) kay Napoles.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa ngayon kasi ay wala pang opisyal na legal counsel si Napoles para samahan siya sa nasabing Senate hearing.

Sa katunayan, ginawa itong dahilan ng inaakusahang mastermind ng pork-barrel scam para i-reschedule sana ang Senate hearing.

Dahil dito, nagbigay ang PAO ng tatlong abugado kay Napoles para magbigay ng pansamantalang legal assistance.

Ang mga abugadong nag-represent kay Janet sa hearing kanina ay sina Attorneys Howard Areza, Marlon Buan, at Annaliza Soriano.

Iyon din daw ang unang pagkakataong nakaharap ni Napoles ang mga abugadong itinalaga ng PAO para sa kanya.

Noong una ay hiniling ng mga abugado na magkaroon ng "executive session" si Napoles sa mga senador.

Ngunit hindi pumayag si Committee Chairman Teofisto Guingona III.

Sa halip, binigyan sila ng 23 minuto upang makausap ang kanilang kliyente.

Ngunit ayon kay Senator Santiago, “You may have no right to public attorney.

“I am not entirely sure that under the Constitution, the accused, Mrs. Napoles, has a right to counsel.

“The Constitution, Article 3 of Bill of Rights, in Sec. 12, Paragraph 1, protects any person under investigation for the commission of an offense.

“Our Constitution provides that: ‘If the person cannot afford the services of counsel, he must be provided with one.’

“But Mrs. Napoles, from what we have heard about her in the media, you can certainly afford the services of counsel.



“You yourself have chosen not to be accompanied by counsel. Ikaw ang namili, e. Ayaw mo.

“Only three days ago, your counsel in the plunder case resigned, and you knew you won’t have a lawyer today.

“You have another counsel for serious illegal detention, but you refused to bring him here.

“Kagustuhan mo na lang talaga na wala kang abugado para magamit mo ang rason na naghahanap ka pa.

“Hindi dapat na bigyan ka namin ng libre na galing sa Public Attorney’s Office.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ayon sa batas, ‘yang Public Attorney’s Office ay para lang sa mahihirap na hindi makabayad ng abogado.”

Ang tinutukoy ni Senator Santiago na abugado ni Napoles na nag-resign ay si Atty. Lorna Kapunan.

Nagbitiw si Atty. Kapunan bilang legal counsel ni Napoles sa kaso ng illegal detention laban sa huli dahil sa “differences of opinion in strategy.”

(Read: Lorna Kapunan resigns as lawyer of Janet Napoles in illegal detention case)

Ang humalili sa kanya ay ang isa pang abugado ni Napoles na si Atty. Alfredo Villamor.

Subalit limitado lamang umano ang serbisyo ni Atty. Villamor kay Napoles sa kasong serious illegal detention, na isinampa ng pinsan niya at isa sa pork-barrel scam whistleblowers na si Benhur Luy.

INVOKING RIGHT AGAINST SELF-INCRIMINATION. Nang magsimulang tanungin ni Senator Santiago si Napoles tungkol sa pagkakasangkot niya sa pork-barrel scam, halos pare-pareho lang ang naging sagot ni Napoles:

“Hindi ko po alam.”

Kabilang sa itinanong ni Senator Santiago kay Napoles ay kung kilala niya ang mga binansagan ni Benhur na “Tanda,” “Seksi,” at “Pogi,” noong humarap ang whistleblower sa Senado.

Tinanong din ni Senator Santiago kung may kilala pa si Napoles na ibang senador na sangkot o maaaring masangkot pa sa pork-barrel scam, at kung may nakausap siya sa mga ito bago siya humarap sa Senado.

Pero halos salitan lang ang pagsagot ni Napoles ng “Hindi ko po alam” at “I invoke my right against self-incrimination.”

Kaya pinaalalahanan ni Senator Miriam si Napoles: “Kung ganyan kang sumagot, lahat na lang ng tanong, ‘I invoke my right,’ ibig sabihin sa publiko, nasa isip at nasa utak ng mga Pilipino, may itinatago ka.

“At kasusumpa mo pa lang na magsasabi ka nang buong totoo.

"Paano masasabi na nasasabi mo ang buong totoo, tapos sasabihin mo na, ‘Wala akong gustong sabihin sa ’yo’?

“Sana kanina, noong nagsumpa ka, sinabi mo na, ‘Magsasabi lang ako ng kalahating totoo. Yung iba, ililihim ko.’”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nang tanungin ni Senator Santiago si Napoles: “Sino ang most guilty?” ang sagot pa rin ng huli ay: “Hindi ko po alam.”

Agad namang humirit si Senator Santiago, “Hindi mo alam? Ako, alam ko, e. Napakalawak ng sakop niya, parang empire na, e.”

Sa hanay ng mga senador, sina Juan Ponce Enrile, Ramon "Bong" Revilla Jr., at Jinggoy Estrada ang unang tatlong kinasuhan ng Department of Justice ng kasong plunder kaugnay ng PDAF scam.

Sa tatlo, ang pinuntirya ni Senator Santiago ay si Senator Enrile.

Si Enrile lang naman daw kasi ang pinakamatanda ngayon sa Senado. Pero aniya, kahit matanda na raw ito ay "may asim pa."



SPEAK NOW. Sa kanyang pagpapatuloy, hinimok ni Senator Santiago si Napoles na magsalita tungkol sa PDAF scam, sa pamamagitan ng pagpapaliwanag sa kanya na maaari siyang maging state witness.

Ito raw ay sa dahilang hindi naman si Napoles ang itinuturing na "most guilty" sa isyung ito.

Pinayuhan din ng senador si Napoles na mas mabuting magsalita na siya ngayon bago pa manganib nang tuluyan ang kanyang buhay.

Sabi ni Senator Santiago kay Napoles: “Sabihin mo na ang gusto mong sabihin para hindi ka nila ipapatay.

“Kung hindi ka pa nagsasalita, sinasabi mo, ‘I invoke my right to self-incrimination, baka bandang huli, down the road, magpalit ang isip mo at magdaldal ka lahat. O, e, di panganib sila.

“Pero kung sabihin mo na ngayon, wala na silang motibo para ipapatay [ka], kasi nandiyan na ang testimony mo.

“Kinukuha ‘yan ng stenographer dito, and that is under oath, which is in effect an affidavit or a dying declaration."

Payo pa ni Senator Santiago kay Napoles: “Mag-isip-isip ka.

“Sabihin mo na habang maaga pa, huwag mong ipaabot na ipapatay ka.

“These people are murderous.

“They’re not only homicidal, they’re murderous. They’re planning your murder.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN