Richard Gutierrez says peace between girlfriend Sarah Lahbati and GMA Films executive Annette Gozon Abrogar not yet possible

Richard Gutierrez believes this is not the right time to patch things up between girlfriend Sarah Lahbati and GMA Films executive Atty. Annette Gozon-Abrogar. He says, “Marami nang nagawang bagay na nakasakit sa mga tao. So, I guess ‘yong emotions ngayon, nangingibabaw pa ang mga hurtful na nangyari.”


Itinuturing ni Richard Gutierrez na “best decision” ang ginawa niyang pagbabakasyon at pansamantalang hindi pagtanggap ng showbiz commitments.

Nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media sa presscon ng bagong family reality show ng mga Gutierrez, ang It Takes Gutz to be a Gutierrez, sinabi ni Richard na marami siyang na-realize sa kanyang mahabang pagbabakasyon.

Sabi ng 29-year-old actor, “Alam mo, ‘yong bakasyon na ginawa ko is the best decision that I’ve done in my life.

“It kinda slowed me down, it kinda got my bearings right.

“Parang it ignited a fire again inside me, kung ano ba talaga ang gusto ko.

“I think next year will be the right time for me to connect again with my audience.”

Nakita rin umano ni Richard kung gaano kahalaga ang magkaroon ng oras para sa pamilya.

Aniya, “You know, ‘yong eleven years ko, I didn’t slow down once.

“So, I think it’s important to take, once in a while, a vacation or long break.

“‘Yon ang isa sa mga realizations ko, to always take time for yourself, take time for your family.

“Medyo na-miss ko kasi ‘yon noong nagtrabaho ako nang tuluy-tuloy.

“Now, I can spend time with my family. I can spend time with my friends.

“Wala akong pressure or responsibility to meet my schedule.

“You know, it’s like going back to my roots.”

STILL A FREELANCER? Matapos ang mahabang pahinga, magbabalik-trabaho na si Richard.

Bukod sa kanilang family reality show, na magsisimulang ipalabas sa susunod na taon, magiging abala si Richard sa pelikulang gagawin niya sa GMA Films.

Bagamat tapos na ang kontra ni Richard sa GMA Network, ang kanyang home station nang halos 11 taon, nilinaw niyang may film commitment pa siya sa GMA Films.

(Read: Richard Gutierrez to take long vacation after end of contract with GMA-7: "Now is the perfect time for me to step back and relax.") http://www.pep.ph/news/39170/richard-gutierrez-takes-long-vacation-after-end-of-contract-with-gma-7-now-is-the-perfect-time-for-me-to-step-back-and-relax/1/2#focus

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa susunod na linggo raw magkakaroon ng story conference para sa gagawing pelikula.

Hindi masyadong nagbigay ng detalye si Richard tungkol sa gagawing pelikula.

Ang tanging paglalarawan lang niya, “It’s a different kind of genre.

“It’s something kinda exciting for me also. It’s something new.

“It’s the first time I’ll be working with the whole team. So, it’s exciting for me.

“It’s a dark movie. It’s a different character. It’s something challenging that excites me.”

Ibig sabihin kaya nito ay mananatili pa ring Kapuso si Richard?

“I still have a couple of movies under my contract for GMA Films,” muling paglilinaw ni Ricard.

Samantala, hindi diretsong sinagot ni Richard ang tanong kung totoo ang bali-balitang pipirma siya ng kontrata sa rival network na ABS-CBN.

Sabi niya, “Maraming rumors na lumalabas, pero wala pa talaga akong ginagawa.

“So, I guess it’s good to keep the people guessing.

“Abangan na lang siguro nila sa January. I will make an announcement by January kung ano ang mga nakahanda.”

Pati sa balitang naghahanap siya ng manager, ang sagot ni Richard ay, “Abangan n’yo na lang.

“There’s a time for me to announce that also.

“There are a lot of plans for next year.

“There will be a lot of announcements next year for me. So, I’m looking forward to that.”



PEACEMAKER. Dahil sa bakuran ng GMA Films ang gagawin niyang pelikula, nakumusta kay Richard ang relasyon niya sa mga executives ng film outfit ng GMA Network.

Matatandaan na kasalukuyang may legal battle sa pagitan ng girlfriend ni Richard na si Sarah Lahbati at ng GMA Films president Atty. Annette Gozon-Abrogar.

(Read: Sarah Lahbati files criminal case against Atty. Annette Gozon-Abrogar)

Ito ay nag-umpisa nang isiwalat ni Sarah ang diumano’y “under-the-table” deals sa pagitan ng GMA Artist Center at ICONs, na una niyang binanggit sa kanyang personal Twitter account noong January 2.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

(Read: Sarah Lahbati reveals falling out with GMA Artist Center on Twitter; signs co-management contract with Annabelle Rama)

Hindi pa raw nakikita ni Richard si Atty. Annette. Pero professional naman daw ang naging pakikipagharap niya kina GMA Films producer Joey Abacan at GMA Films project manager Tracy Garcia.

“In spite of the controversies, we’ve set that aside.

“We kept it really professional, nothing personal.

“Kung ano ang relationship namin before, I guess ganun pa rin professionally,” kwento ni Richard.

Gayunman, aminado si Richard na hindi pa rin maayos ang lahat sa pagitan ni Sarah at ng mga GMA Films’ executives.

Pero kung siya ang tatanungin, ani Richard, “Honestly, I really want it to be done.

“Kasi, siyempre, mas maganda kung maayos lahat.

“Maganda, siyempre, kung peace lahat.

“Sa dami ng nangyayari sa bansa natin, mas maganda kung lahat tayo ay tulung-tulong or just be at peace with each other.

“Di ba, mas maganda kung ganun?”

Kung maaari raw, gusto niya na siya na ang mamagitan sa dalawang kampo upang maayos ang sitwasyon.

“Sana, I’ll be the one to mediate it. Sana, maging peacemaker nga ako. I hope I can do that, but at the right time,” sabi ni Richard.

Gayunman, aminado ang aktor na malayo pa itong mangyari: “Marami na rin kasing mga nabitawang salita.

“Marami nang nagawang bagay na nakasakit sa mga tao.

“So, I guess ‘yong emotions ngayon, nangingibabaw pa ang mga hurtful na nangyari.

“Pero, hopefully, soon maayos na.

“Somehow, some way, baka hindi pa ito ang tamang panahon.

“Pero hopefully soon, maayos na,” pagtatapos ni Richard.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN