Senator Jinggoy Estrada insists he’s not guilty in pork-barrel scam: "I did not steal a single centavo sa ating mga kababayan."

Senator Jinggoy Estrada reacts to Benhur Luy’s testimony during the Senate Blue Ribbon Committee hearing last November 7: "It’s all pure hearsay. Inuulit-ulit na naman yung nakasaad sa affidavit nung whistleblower."


Nagbigay ng opisyal na pahayag si Senator Jinggoy Estrada kaugnay ng paghaharap ni Janet Lim-Napoles at ng pangunahing whistleblower na si Benhur Luy sa Senate Blue Ribbon Committee noong November 7.

Pinanindigan ng senador na walang katotohanan ang ibinibintang ni Benhur na isa siya sa mga mambabatas na tumanggap ng kickback mula kay Napoles.

Si Napoles ang itinuturong utak sa pagtatag ng 20 bogus non-government organizations (NGOs), na diumano’y tumanggap ng sampung bilyong piso mula sa Priority Development Assistance Fund (PDAF), o pork barrel, ng ilang mambabatas.

Read: Janet Lim-Napoles maintains innocence in PDAF scam; denies allegations of whistleblowers

Saad ni Senator Estrada, sa ekslusibong panayam ng ABS-CBN North America News Bureau, noong Sabado, November 9:

"It’s all pure hearsay.

"Inuulit-ulit na naman yung nakasaad sa affidavit nung whistleblower.

"I am not guilty. I have done nothing wrong.

"I did not steal a single centavo sa ating mga kababayan."



WIFE’S MEDICAL CHECKUP. Ginanap ang panayam kay Senator Estrada sa UCSF Medical Center sa San San Francisco, California.

Noong November 2 ay lumipad patungong Amerika si Senator Estrada para raw sa medical check-up ng misis niyang si Precy Ejercito.

Kaugnay nito, kinuwestiyon ng taong-bayan kung bakit hindi niya kasabay na umalis ng bansa si Precy, gayong ito ang may medical appointment sa isang American doctor doon.

Bilang sagot sa mga bumabatikos sa kanya, iginiit ni Senator Estrada na siya mismo ang nagpasa ng medical records ni Precy sa UCSF Medical Center, bago pa dumating ang kanyang misis sa San Francisco kamakailan.

Ani Senator Estrada: "We were seeking a second opinion for the medical condition of my wife, Precy, because she discovered a lump on her breast.

"I was here earlier, four days ago, I submitted all her medical documents.

"And the reason why she wasn’t able to travel with me together was because my eldest daughter was hospitalized."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tiniyak din ng senador na babalik siya ng Pilipinas upang harapin ang kasong plunder, malversation, at graft na isinampa laban sa kanya ng Department of Justice (DOJ) at National Bureau of Investigation (NBI) sa Office of the Ombudsman.

Aniya, "As I said, I was born in the Philippines. I was raised in the Philippines. I will die in the Philippines.

"In due time, I will prove my critics are wrong."



BENHUR’S ACCOUNTING RECORDS. Ang pahayag ni Senator Estrada ay taliwas sa sinumpaang salaysay ni Benhur, ang second cousin at dating empleyado ni Napoles sa kumpanya nitong JLN Corporation.

Ang JLN Corporation ay nadadawit sa maanomalyang transaksiyon ng mga pekeng NGO na pagmamay-ari diumano ni Napoles.

Sa ginanap na Senate Blue Ribbon Committee hearing noong Huwebes, muling idinetalye ni Benhur kung paano ang hatian ng kickback na nakukuha mula sa PDAF ng sangkot na mga mambabatas.

Ito ay base sa kanyang sworn affidavit noong August 5, na nauna nang isinumite sa Office of The Ombudsman at Senate Blue Ribbon Committe.

Paliwanag ni Benhur, isa siya sa iilang empleyado ni Napoles na pinagkakatitiwalaan nito na maghanda ng pera tuwing may legislator o representante ng legislator na pupunta sa JLN Corporation Office para kunin ang komisyon nila.

Mayroon din daw pagkakataon na siya ang personal na nagdadala o nag-aabot ng pera sa mismong tanggapan ng mga kasabwat na opisyales ni Napoles.

Ang natanggap na pera ng bawat opisyales ay naitala ni Benhur sa kanyang accounting records mula 2004 hanggang 2010.

Dagdag pa niya, may pailan-ilan siyang naitala sa kanyang accounting records mula 2011 hanggang 2012.

Ngunit may ibang komisyon ang mga kasabwat na opisyales, na hindi na raw naitala ni Benhur, dahil mismong si Napoles na ang nag-abot sa mga ito sa labas ng opisina ng JLN Corporation.

Sa affidavit ni Benhur ay pinangalanan niya sina Senator Ramon "Bong" Revilla Jr., Senator Juan Ponce Enrile, at Senator Jinggoy Estrada na mga mambabatas na tumatanggap diumano ng komisyon mula kay Napoles.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



SENATOR REVILLA’S PDAF. Sa PDAF ni Senator Revilla, ang kabuuang halaga na tinanggap daw ng bogus NGO ni Napoles ay P652,000,000.

Fifty percent ang usapang hatian o P326,000,000.

Ang pinal na komisyon diumano ni Senator Revilla na naitala ni Benhur ay nagkakahalaga ng P224,512,500.

Ang tumanggap daw nito ay si Atty. Richard Cambe.

Bilang chief political staff ni Senator Revilla, si Atty. Cambe ang nagsisilbi umanong middle man sa pagitan ng senador at ni Napoles.



SENATOR ENRILE’S PDAF. Sa PDAF ni Senator Enrile, ang kabuuang halaga na natanggap daw ng bogus NGO ni Napoles ay P363,275,000.

Fifty percent ang usapang hatian o P363, 275,000.

Ang pinal na komisyon ng senador na naitala ni Benhur ay nagkakahalaga ng P172,834,500.

Ang tumanggap daw nito ay sina Ruby Tuason at Atty. Jessica "Gigi" Reyes.

Bilang dating chief of staff ni Senator Enrile, si Atty. Reyes ang nagsisilbi umanong middle person sa pagitan ng senador at ni Napoles.

Si Ruby naman ay dating social secretary ni dating Presidente Joseph Estrada, at isa rin umanong middle person sa pagitan nina Senator Enrile at Napoles.



SENATOR ESTRADA’S PDAF. Sa PDAF ni Senator Jinggoy Estrada, ang kabuuang halaga na natanggap daw ng bogus NGO ni Napoles ay P751,500,000.

Fifty percent din ang usapang hatian o P375,000,000.

Ang pinal na komisyon ng senador na naitala ni Benhur ay nagkakahalaga ng P183,793,750.

Ang tumanggap daw nito ay si Pauline Labayen.

Bilang appointment secretary ni Senator Estrada, si Labayen ang nagsisilbi umanong middle person sa pagitan ng senador at ni Napoles.

Maging si Ruby Tuason ay nagsisilbi rin umanong middle person sa pagitan nina Senator Estrada at Napoles.

Nang tanungin naman si Napoles ukol sa testimoniya ni Benhur, pinabulaanan niya na chief financial officer ang huli ng JLN Corporation.

Saad ni Napoles, "Hindi po siya ang chief financial officer. Admin lang po siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi lagi siyang may religious... kaya bihira siya sa office.

"Siya may gawa niyan kaya hindi ko alam."

Read: Whistleblower Benhur Luy about Janet Lim-Napoles: "Nagsisinungaling po siya."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN