Ejay Falcon on relationship of crush Sarah Geronimo with Matteo Guidicelli: "Maging masaya na rin lang tayo para sa kanila, di ba?”

Ejay Falcon gets worried when he has no work: “Basta gusto ko ay lagi akong busy, yung may pinagkakaabalahan. Kasi pag wala, parang magwo-worry na ako para sa sarili ko.”


Inamin noon ni Ejay Falcon sa isang interview na crush niya ang Pop Princess na si Sarah Geronimo.

Read: Ejay Falcon on Sarah Geronimo: "Bago pa ako mag-artista, crush ko na yun."

Kaya tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ejay kung ano ang masasabi niya sa balitang boyfriend na ni Sarah si Matteo Guidicelli.

Sagot ng 23-year-old Kapamilya actor, “Wala, e, link-link lang naman, e.

“At saka, crush ko lang naman siya at dream na makatrabaho.

“At saka, wala naman ako sa posisyon na magsabi kung totoong silang dalawa na nga.

"Ang importante diyan ay kung saan sila masaya.

“Hindi naman natin sila puwedeng i-judge at kilala ko naman si Matteo... mabait siyang tao."

Dagdag niya, “E, kung saan sila masaya, ituloy nila kung yun ang ikagaganda ng buhay nila...

“Di maging masaya na rin lang tayo para sa kanila, di ba?”

Nakausap ng PEP si Ejay sa presscon ng Call Center Girl kahapon, November 10.



CAREER FIRST. Giit pa ni Ejay, nakatutok siya ngayon sa trabaho.

“Sa akin kasi, hangga’t nandiyan yung oportunidad, i-grab ko na. Mahirap kasi mawala, e.

“Paminsan-minsan, may ka-date din, kaya lang, ako kasi, gusto ko private lang siya.

“At saka siguro, hindi pa dumarating yung tamang babae para sa akin.

“Ayaw ko naman kasing manligaw for... alam mo yun? Yung kailangang may maisulat sa akin o mai-promote lang ako.

“Hindi naman kasi ako nag-artista para manligaw.

“Nag-artista ako para maipakita ko ang kaya kong gawin o ma-inspire ang mga tao sa panonood sa akin.

“Siguro pag dumating yung time na yun, na dumating na yung babae para sa akin, e, hindi ko na pakakawalan.”

Dugtong pa niya, “May tiwala naman ako sa God na ibibigay Niya yung tamang tao para sa akin.

“Na siguro, kaya hindi pa Niya ibinibigay sa akin, e, baka mawala ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Na ngayon, masyadong concentrated ako sa trabaho, tapos may dumating na girl ay mawawala na yung focus na yun.

“Kaya hintay na lang ako kung kailan darating.”

YAM CONCEPCION. Dahil tutok si Ejay sa kanyang career, kahit personal na buhay raw niya ay kanyang naisasantabi.

Pero sa gitna ng pagiging abala ni Ejay sa trabaho, nali-link pa rin siya ngayon kay Yam Concepcion, na naging leading lady niya sa Dugong Buhay.

Iwas si Ejay na maungkat ang isyu sa kanila ni Yam.

Pagbibiro niya, “Noong umupo ako dito, sinabi ko nang, kung puwede, ‘wag na lang siyang pag-usapan.”

Pero nagpatuloy pa rin siyang nagkuwento tungkol sa sexy star.

Ano ang qualities ni Yam na ikinagusto ni Ejay?

“Mabait,” tugon niya.

“At saka, iba yung respeto niya sa parents niya, iba rin yung respeto niya sa akin.

“At saka kahit mababang tao, pantay-pantay ang tingin niya, e, kahit sa set."

Ayon pa kay Ejay, paminsan-minsan ay lumalabas siya kasama si Yam.

“Lumalabas kami, pero as a group.

"Kahit naman noong sa Dugong Buhay ay lumalabas kami.

“Wala, wala, e.

"Kasi ako, kung priority ko ang trabaho, siya rin.

"Dahil bago pa siya sa showbiz, naka-focus muna siya.

“Pero enjoy naman kami kapag magkasama kami.”



SATISFIED. Kuntento raw si Ejay sa takbo ng kanyang showbiz career, matapos niyang maging big winner sa Pinoy Big Brother Teen Edition Plus noong 2008.

Ngayon nga ay sunud-sunod na ang kanyang projects pagkatapos ng first starring role niya sa Dugong Buhay ng ABS-CBN.

Pagmamalaki niya, “Sobrang masaya ako, lalo na sa taong ito.

"Kasi nagawa ko nga yung Dugong Buhay, tapos may tatlong movies akong ginagawa ngayon."

Ang tinutukoy ni Ejay na mga pelikula ay ang Third Eye ng Regal Films, Boy Girl Bakla Tomboy ng Star Cinema at Viva Films, at isang indie film.

“Ngayong November to December, may tatlo akong ipu-promote na pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"At yung sa Regal, alam ko January to February ay ipu-promote ko.

“So, alam mo yun, hindi naman ako nawawalan ng projects.

“Kaya nga nagpapasalamat ako na marami pa rin ang nagtitiwala sa akin...

“Na kahit maraming mga baguhang artista na naglalabasan, hindi pa rin ako naiitsapuwera.

“Basta gusto ko ay lagi akong busy, yung may pinagkakaabalahan, kasi pag wala, parang magwo-worry na ako para sa sarili ko.”



SUPPORTING ROLE. Kasama rin si Ejay sa pelikulang Call Center Girl ng Star Cinema.

Tampok dito sina Pokwang, Jessy Mendiola, Enchong Dee, John Lapus, Chokoleit, Alex Castro, at Dianne Medina.

Nakatakdang ipalabas ang pelikulang ito ni Don Cuaresma sa November 27.

Pahayag ni Ejay, “Masaya ako, kasi dito, iba ang nagagawa ko.

“Yun naman talaga ang gusto ko, yung parating iba ang nagagawa ko, hindi lang puro action.

“Nakuha ko na yung dream role ko sa Dugong Buhay.

“Yun, action-drama yun, at gusto ko naman na may bawi.

"Heto nga po, comedy... heto ang pinaka-satisfying kasi comedy.

“Tapos lahat naman nagsisimula sa support, sa teleserye naman, support-support din naman ako.

“Sa movie naman, kahit support, okey lang, nasa right timing naman yung pagbibida, di ba?

“Basta ako, ang importante sa akin ay may natututunan ako.”

Dugtong pa niya, “Ang importante sa akin ay natsa-challenge ako, e.

“Hindi naman yung kailangan ko dahil may trabaho ako o kailangan ko ng exposure.

“Ang importante sa akin kahit maliit na role, e, markado.

“Actually, ngayon ko lang na-realize na sa maliliit na role, doon pala ako natsa-challenge, e.

“Yung challenge sa akin dito sa movie na ‘to ay yung pagko-comedy, mula sa action-drama na mga ginawa ko, kaya masaya ako.

“Hindi naman ako yung pinakabida, hindi naman akin yung buong pelikula.

“Masaya ako kasi may natutunan ako sa co-actors ko at sa director ko.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN