Sarah Geronimo reveals second breakup was more painful than the first

Sarah Geronimo on finding the right man for her: “Ang pagmamahal, kapag masyadong sumobra, nao-overwhelm tayo. Ipinagdarasal ko na maging buo ako hanggang sa makita ko na, makasama ko ang mapapangasawa ko.”


Inamin ni Sarah Geronimo na dalawang beses na siyang nabigo sa pag-ibig.

Ginawa ni Sarah ang pag-amin sa live interview sa kanya ni Boy Abunda sa Buzz Ng Bayan kahapon, November 10.

Sinimulan ni Boy ang pag-uusisa tungkol sa lovelife ng Pop Princess, sa pamamagitan ng pagtatanong kung maaari siyang magkuwento ng kanyang love story.

"Naku, paano ko ba uumpisahan?" natatawang buwelo ng 25-year-old singer-actress.

Pagkatapos nito ay nagbukas na rin ng kanyang saloobin si Sarah.

Aniya, “Yung una po, natatakot.

“Pero sabi nila, siguro parte rin ng pagiging babae, parte rin ng pagiging tao, siguro nagsi-seek ka rin ng attention ng iba.

“Siguro, normal lang na nagkakagusto ka at parang, ‘Uy, ano kaya ang feeling na may boyfriend?’

“Dumating ako sa stage na ‘yan.”

Sino ang tinutukoy niya?

“Huwag na po, huwag na po!” tumangging sabi ni Sarah.

Hindi man sinabi ni Sarah kung sino ang tinutukoy niya, naisapubliko na ang naging lihim nilang pag-iibigan noon ni Rayver Cruz.

Tumagal ng isang taon ang relasyon nina Sarah at Rayver, nang hindi nakakatuntong ng bahay nina Sarah si Rayver.

Read: Sarah Geronimo opens up about her failed romance with Rayver Cruz in YES!

Ilang beses na siyang na-in love?

“Ilang beses po? Naku, susmaryosep!" napabulalas na tugon ni Sarah

Pero pag-amin din niya, "Dalawa.”

Ano ang natutunan niya sa una?

“Natutunan ko yung acceptance ng, siguro, you’re not meant for each other.

“Siguro, hindi pala ito ang panahon namin. Yung dalawang yun, naglalaro.

“Pero ang importante sa lahat, na naipagpatuloy yung friendship.

“At wala... yung pagmamahal mo sa isang taong yun, yun ang hindi na mawawala.

“Makita mo lang siya, makausap mo lang siya, okay na. Mahal kita. Yun lang.”

PARENTS’ APPROVAL. Hindi rin naman sikreto sa publiko ang pagiging mahigpit at protective ng mga magulang ni Sarah na sina Delfin at Divine Geronimo sa mga lalaking umaaligid sa kanilang anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hanggang saan puwedeng manghimasok sa buhay pag-ibig niya ang kanyang mga magulang?

“Ang hirap ng ng sagot na ‘yan!" natawang sagot ni Sarah.

“Para sa akin na lang siguro, at importante lang talaga, parte talaga na you make your own decision.

“Hindi naman yata… siguro noon po, noong unang panahon.

“Pero ngayon, hindi ka naman didiktahan kung sino ang magugustuhan mo. Kung kanino ka mai-in love, kung sino mamahalin mo.

“Importante na lang, sana, mapatunayan mo na tama ang desisyon mo.

“Na tama ang taong minahal at, sana, ganun din ang taong magmamahal, papatunayan niya sa sarili niya.”

Nagustuhan ba ng mga magulang ni Sarah ang una niyang minahal?

“Gusto siya? Naku po, parang hanggang ngayon naman po, wala, e. Hanggang ngayon, e.”

Pero nauunawaan niya na wala talagang masasabing “good enough for their daughter” pagdating sa kanyang mga magulang?

“Opo, opo,” pagsang-ayon ni Sarah.

SECOND LOVE. Ano naman ang natutunan niya sa kanyang ikalawang pag-ibig?

Hindi rin nagbanggit ng pangalan sina Boy at Sarah sa kanilang usapan, ngunit sa pagkakaalam ng publiko ay nagkaroon ng short-lived romance ang Pop Princess sa Kapamilya hunk na si Gerald Anderson.

Read: Gerald Anderson on failed romance with Sarah Geronimo: "Nangyari na ho ang mga dapat mangyari, kailangan na lang po nating mag-move on."

Pahayag ni Sarah, “Ano ba ang natutunan ko dun? Na merong pag-ibig na hindi para sa ‘yo. Pag-ibig na I deserve someone better.

“At saka, ito po ang natutunan ko—magmahal ka nang totoo, magmahal ka nang tama.

“Kung hindi niya suklian yun, sorry.

“At least, ako, naging totoo ako sa ‘yo, minahal kita nang totoo.”

Saan siya mas nasaktan—sa una o sa pangalawa?

“Oh, no… mas nasaktan… sa pangalawa,” pag-amin ng dalaga.

Dahil?

“Opo, alam niyo na po yun. Ayoko nang balikan!” natatawang sabi niya.

Nasasabi at naikukuwento ba ni Sarah sa kanyang mga magulang ang mga nangyayari sa puso niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot niya, “I’ll be honest, hindi everything. Hindi ko po masabi sa kanila ang lahat.

“Kung ano lang ang kaya ko at sa paniniwala ko na kailangan kong ibahagi sa mga magulang ko, yun, sinasabi ko po sa kanila.”

IS SARAH IN LOVE NOW? Ngayon, masasabi niya bang in love siya?

“Puwede bang secret?" nakangiting sagot niya.

Dagdag ni Sarah, “Hindi ko po kayo masasagot nang diretso.

“Basta ako, nagdarasal ako at hoping ako na tama ang ginagawa ko.

“Kung magkakamali man ako, aray… dyusko, ‘wag naman po sana!

“Pero naniniwala ako na ire-redirect ng Diyos ang path ko kung halimbawang magkamali ako.

“At ang mga magulang ko, nandidiyan para sa akin. Alam kong hindi nila ako bibitawan.

“At ipinagdarasal ko, ang pagmamahal, kapag masyadong sumobra, nao-overwhelm tayo.

“Ipinagdarasal ko na maging buo ako hanggang sa makita ko na, makasama ko ang mapapangasawa ko.”

Hindi pa man sila direktang umaamin, maugong ang balitang may relasyon na si Sarah sa aktor na si Matteo Guidicelli.

Read: Sarah Geronimo neither confirms nor denies relationship with Matteo Guidicelli


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN