PEP EXCLUSIVE. Senator Grace Poe satisfied with Senate appearance of Janet Napoles: "Hindi kumpleto ang istorya kapag hindi mo tatawagin yung kontrabida—kahit na gaano kasama."

Senator Grace Poe is privy to the moves her colleagues are considering to get at the root of the pork barrel scam. One is to call Janet Napoles’s husband Jaime to a hearing. And the other is to ferret out the big fish from the names of the people Napoles talks to in her cell phone.


Sa pagpapatuloy ng exclusive interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Senator Grace Poe, napunta ang usapan tungkol sa pagharap ni Janet Lim-Napoles sa Senado, kaugnay ng imbestigasyon sa pork-barrel scam.

Si Napoles ang itinuturong mastermind ng P10-billion pork-barrel scam.

Marami ang nadismaya dahil wala namang ibinunyag na substansiyal si Napoles sa hearing ng Senate Blue Ribbon Committee noong November 7.

Read: Senators express frustration with Janet Lim Napoles’s evasive answers

Gayunpaman, positibo si Senator Grace na may magandang idudulot ang imbestigasyon ng Senado sa pork-barrel scam.

Saad niya, "I think it’s good.

"Parang pelikula, you have one side and then the other side.

"Kahit na sabihin mong hindi magsasabi ng totoo, kailangan mo pa ring ipatawag, para you can assure yourself na talagang hindi na magsasalita ito.

"So, hindi kumpleto ang istorya kapag hindi mo tatawagin yung kontrabida—kahit na gaano kasama.

"So, okay na ’yan."

Humanga rin ang senador sa mga testimonya ng pork-barrel whistleblower na si Benhur Luy, na kamag-anak at dating personal assistant ni Napoles.

"Alam mo yung mga sinasabi ni Benhur Luy, napakadetalyado para sabihin natin na hindi katotohanan.

"It’s very detailed and he’s very confident about it.

"Unless he’s a psycopath, I don’t think na maiimbento mo lahat yung ganung kadetalye."

NEXT MOVE. Sa puntong iyon ay ibinahagi ni Senator Grace sa PEP kung ano pa ang maaaring asahan ng tao sa patuloy na pagdinig sa pork-barrel scam.

"So, ang dinig ko, ipapatawag ang asawa ni Napoles [Jaime Napoles].

"Ang isa pang sinuggest na kunin, yung phone number dun sa cell phone ni Napoles."

Ito ay para alamin kung sino ang mga nakausap na malalaking tao ni Napoles.

Sa mga pesimistiko naman na nagsasabing walang mararating ang pagdinig ng Senado sa isyu ng pork barrel, nagbigay ng mensahe si Senator Grace.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, "There is always a process.

"Even naman in the court, the hearing in the Senate does not necessarily mean to solve the situation in one or two hearings.”

Kaugnay ito ng malawakang panawagan na i-abolish na ang Priority Development Assistance Fund (PDAF) na diumano’y pinag-uugatan ng korapsyon sa gobyerno.

"It takes several hearings and you can take all what you’ve learned in all the hearings and, hopefully, come up with laws that will bring about safeguards for... let’s say the use of PDAF or totally abolish the PDAF," pagtatapos ng senador.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN