Super Typhoon Yolanda aftermath: What went wrong?

“May bagyo pang tatama sa Pilipinas, lalung-lalo na sa Visayas at Mindanao. Pero kung gaano kalakas, we have no idea.” Ito ang sinabi ni Nathaniel Cruz, GMA resident meteorologist sa programang Reporter’s Notebook noong November 12, Martes.


Mga makabuluhang paksa tungkol sa Super Typhoon Yolanda ang tinalakay ng episode ng GMA News & Public Affairs program na Reporter’s Notebook noong November 12, Martes.

Kabilang na rito ang kahandaan ng bansa sa naganap na kalamidad, seguridad, at kaayusan sa mga apektadong lugar, gayundin ang mainit na pinag-uusapan ngayon tungkol sa deployment ng tulong sa mga biktima, ilang araw makalipas manalasa ng bagyo.

Isa sa mga malaking hamon ngayon para sa pamahalaan, non-government organizations, at sa gustong tumulong ay ang pagsasagawa ng relief operations.

Dahil sa mga nasirang kalsada, mga nagbagsakang puno at poste, at debris ng bagyo, hindi madaanan ang major roads, kung kaya’t hirap na maabutan ng tulong ang mga biktima.

Sanhi nito, nagkaroon ng desperasyon ang mga biktima.

Naiulat ang maraming insidente ng pagnanakaw, o looting, para maitawid ang gutom ng mga biktima ng kalamidad.

May mga naiulat na ring namatay dahil sa mga looting na ito.


IT COULD HAVE BEEN PREVENTED. Ayon sa Center for Disaster Preparedness, maaaring naiwasan ang mga kaganapang ito kung maagang naplano ang pagtugon sa mga pangunahing pangangailan ng mga biktima.

Sa panayam kay Zenaida Dellica-Willison, adviser ng Center for Disaster Preparedness, sinabi nito na ang mga insidente ng looting sa Leyte ay patunay na “hindi ready” at “hindi na-anticipate” ang resulta ng kalamidad.

Samantala, sa text ni Department of Interior Local Government Secretary Mar Roxas sa Reporter’s Notebook, ipinaliwanag niya kung paano naipapaabot ang relief goods sa mga biktima sa Tacloban, Leyte—isa sa malubhang nasalanta ng bagyo.

Ayon kay Secretary Roxas, “In Tacloban, via barangays.

"DSWD brings food packs to barangays and distributes there.

"For Leyte province, via government.

"Sacks of rice are sent to provincial government who then resends it to towns.”

Nagpaliwanag din ang kalihim kung bakit nagkakaroon ng pagkaantala sa pamimigay ng relief goods.

Saad niya, “Delays were because of inaccessibility after Yolanda. Roads were blocked.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Also, the prepositioned 5,000 food packs relief goods were carried away by the storm surge.

"To date, as per DSWD, about 120,000 food packs were already distributed.”

Higit sa isang libong kapulisan naman ang ipinadala ng Philippine National Police (PNP) sa mga apektadong lugar upang mapanatili ang kaayusan doon.

Sabi ni Sr. Superintendent Reuben Sindac, PNP spokesperson, “Naging desperate ang tao din.

"They had to take so much [that] they had to resort to desperate means."

Idinagdag din ni Sr. Superintendent Sindac na may 300 special action force nang ipinadala para sa pagbabalik ng peace and order sa mga apektadong lugar.

Mayroon din daw medical team na nandoon para matulungan ang mga nagangailangan ng medisina.

Tuluy-tuloy din daw ang clearing operations ng Department of Public Works and Highway (DPWH) nang sa ganun ay malinis ang mga daan at mapuntahan ang mga lugar para sa relief operations.

Pahayag ni DPWH Secretary Rogelio Singson, “Nandiyan din yung mga poste, nandiyan din yung malalaking puno, na kapag natumba, mas nakakasagabal sa operations sa relief, sa recovery.

“So, we are now evaluating, ano ba ang policy diyan?

“Papayagan pa ba natin na yung mga puno ay nasa mismong right of way ng national roads?

“Yung mga nakasagabal na kuwan, itinatabi dahil yung mga electrical posts, hindi naman namin puwedeng basta-basta galawin ‘yon dahil pagmamay-ari ng electric corporations ‘yon."



NOT THE FIRST TIME. Ayon pa sa ulat ng Reporter’s Notebook, ilang beses nang naulit ang insidenteng ito sa panahon ng bagyo.

Nang manalasa ang bagyong Pablo sa Mindanao noong December 2012, umabot sa 1,100 katao ang patay.

Bilyun-bilyon ang halaga ng pinsalang idinulot nito.

Noong November 2011 ay umabot sa 1,200 ang namatay sa bagyong Sendong, sa katimugang bahagi rin ng Pilipinas.

Dalawang bilyon ang halaga ng nasirang mga ari-arian.

Inamin naman ng Project NOAH ng Department of Science and Technology na nagkulang sila sa pagbibigay ng impormasyon sa mga naapektuhan ng bagyo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Project NOAH executive director Mahar Lagmay, “Dahil naunahan tayo [ng bagyo], ang naibigay lang natin, yung mga lugar na puwedeng tamaan, at yung taas ng storm surge na puwedeng mangyari.

“Kumbaga, may lost in translation.

"Ang taas ng five meters, baka hindi naintidihan [ng iba].

"Pero ako, alam ko ang limang metro ay mas mataas sa isang bahay. So, yun, mga ganung klaseng mapa.

“Kailangan pagbutihan pa, naunahan lang ng Yolanda."

Sinabi rin ni Lagmay na kailangan pang paigtingin ang programang NOAH at i-fast track ito.

Sa panawagan naman ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino, sinabi nito na sa mga susunod na araw ay aasahan na magiging “paspas ang ayuda” ng pamahalaan para tulungan ang mga nasalanta ng bagyo.

Nanawagan din siya para sa pagiging kalmado, pagdarasal, pakikisama, at pakikipagtulungan upang makabangon mula tayo sa kalamidad na ito.

Read: President Noynoy Aquino declares state of national calamity



NOT OVER YET. Subalit tila hindi pa ang Yolanda ang huling bagyong papasok sa Pilipinas ngayong taon.

Paglilinaw ni Nathaniel Cruz, GMA resident meteorologist, “Kung pag-uusapan ang panahong ito, November up to December, definitely, may bagyo pa.

“May bagyo pang tatama sa Pilipinas, lalong-lalo na sa Visayas at Mindanao.

“Pero kung gaano kalakas, we have no idea.

"Pero doon sa nangyari dito sa Samar [at] Leyte, siguro it’s high time na bawat bagyong papasok at tatama sa atin, dapat talaga laging ’I am ready.’"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN