Korina Sanchez flies to Ormoc to "investigate" relief efforts there

Personal na pupuntahan ng ABS-CBN news anchor na si Korina Sanchez ang bayan ng Ormoc City, sa Leyte, upang magsagawa ng report kaugnay ng relief efforts doon. Mamamahagi rin daw ng mga tsinelas at relief goods si Korina para sa mga nasalanta ng bagyo.


Marami ang nag-abang sa radio program ni Korina Sanchez sa dzMM, ang Rated Korina, ngayong umaga, November 14.

Umasa ang radio listeners na muling magsasalita ang ABS-CBN news anchor tungkol kay CNN anchor Anderson Cooper, na pinaratangan niyang mali-mali ang mga ibinabalita kaugnay ng kalamidad na sinapit ng mga Pilipino dahil sa super typhoon Yolanda.

Read: ABS-CBN anchor Korina Sanchez gets flak from netizens for slamming CNN news anchor Anderson Cooper

Nabigo ang mga nag-abang dahil pansamantalang pinalitan ni Jasmin Romero si Korina sa programa nito.

BACK TO NORMAL. Papunta ngayong umaga si Korina sa Ormoc City, Leyte, para sa live coverage niya na mapapanood mamayang gabi sa TV Patrol.

Habang papunta siya sa domestic airport, sa pamamagitan ng phone patch, ibinahagi ni Korina kay Jasmine at sa listeners ng Rated Korina ang mga gagawin niya sa dalawang araw na pananatili sa Ormoc City.

Pahayag ng veteran anchorwoman, “Pupunta ako sa Ormoc City, doon sa isang lugar na tinamaan din nang husto ng bagyong Yolanda.

"Pero bago pa ako makakarating doon, siyempre Cebu muna kami bago Ormoc.

"Nakipag-usap na ako sa team ko na nandodoon, kasi mamaya live ako sa TV Patrol mula sa Ormoc, at marami silang kuwento sa akin.

“Doon sa Ormoc kasi, hindi tulad ng nangyayari sa Tacloban, na talagang security hazard."

Ayon pa kay Korina, bumabalik na sa normal ang buhay ng mga tao sa Ormoc.

"Ang Ormoc ay idineklara na ng gobyerno kahapon na ligtas, at halos nagnonormal na ang buhay.

"Ito rin yung mga report sa akin ng mga tao natin na on the ground.

"Ang sabi nila, nakakakita na raw sila ng mga tao na nakangiti, pero hindi mo pa rin hindi mapapansin ang mga tao na hindi pa naaabutan ng mga relief goods.

“Ito ngayon ang nakapagtataka, ito nga yung iimbestigahan namin sa pagpunta doon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Marami raw relief goods sa City Hall, kaya lamang, kapag pupunta ka sa medyo malalayong barangay, meron doon na kakasya lamang ang mga nasagip nila, na bigas at asukal ang kinakain nila doon.

"Nakikisilong sila sa mga kamag-anakan at ‘yon ang kinakain.

“Sabi ko, ’Bakit hindi umaabot yung mga relief goods?’

"Yun ngayon ang hindi pa masagot.

"Ipinakakausap ko yung mayor doon, kasi nakarating na ang mga relief goods at nasa City Hall.

"So, nasa local government doon ang tila problema, na aalamin ko kapag dumating na ako ng Ormoc."

Ang mayor ng Ormoc City ay si Edward Codilla, na nakatunggali ng aktor na si Richard Gomez noong May 2013 elections.

Patuloy ni Korina, “Sabi ko nga, ’Sabihin mo sa mayor na baka puwedeng sumama na tayo at pilitin i-distribute na rin ngayong araw na ito para umabot doon sa mga barangay ng Ormoc City.’"

MASS BURIAL. Ibinalita rin ni Korina sa kanyang mga tagapakinig ang mass burial na nangyari kahapon.

“Ikinuwento na rin sa atin na ang paglibing doon ng mga 35 katao yata ang inilagay sa isang lugar.

"At kapag sila e nagpapalibing, parang pami-pamilya ang inilalagay nila sa isang hukay.

“’Yan ang aking nakuha na pangunang balita.

“So, nagkaroon ng seremonyas kahapon, at halos lahat naman daw yata ng mga inilibing doon sa site na ‘yon ay nakilala.

"Hindi katulad ng ibang mga mass grave na nagawa na o sinisimulan nang gawin ng DSWD [Department of Social Welfare and Development] at DOH [Department of Health], na yung marami, hindi na makikilala kasi walang nagke-claim.

"Sa Ormoc City, lahat ng nakalibing doon na pupuntahan namin, ipapakita po namin mamaya, ay nakilala naman ng kanilang mga kamag-anak.

“Gayundin, magkakaroon tayo ng report tungkol sa pagkalabas ng mga tao mula ng Ormoc.

"Baligtad, e, gusto naman nila na pumunta sa Tacloban, kasi gusto naman nila na makita yung kanilang mga kamag-anakan doon. Gusto nilang hanapin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, yun naman ang nangyayari sa Ormoc.

"Habang yung ibang mga Taclobanon naman, pumapasok na talaga diyan sa Ormoc City.

"Kasi nga, sa Ormoc, may mga bukas na restaurant, may mga nagta-traffic, umaandar ang mga sasakyan, may mga poste na pilit na itinatayo para sa kuryente.

“Siguro, maganda ang makikita natin doon.

"’Yan pa lang ang iniulat sa atin, hindi ko pa nakikita sa sarili kong mata."

SLIPPERS. Hindi rin daw mawawala ang pamimigay ng tsinelas ni Korina, na naging adbokasiya na niya sa maraming taon.

“Magdadala ako ng limang libong pirasong tsinelas na ibibigay natin sa mga bata.

"Balita ko, ang mga bata doon, sa takbuhan noong bagyo e talagang nagkaiwanan ng mga tsinelas.

"At para lalo silang mapangiti, may konting regalo tayo sa kanila—relief goods.

"Siyempre, meron tayong dala para naman sa mga pami-pamilya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN