Mikael Daez admits brief rendezvous with Miss World Megan Young in London

Matipid ang kuwento ni Mikael Daez sa pagkikita nila ni Miss World Megan Young sa London kamakailan. Nagkita ang dalawa sa Westminster Abbey, at ayon kay Mikael, “I just saw her in passing. I said hi.”


Hindi itinanggi ni Mikael Daez na nagkita sila ng rumored girlfriend niyang si Miss World Megan Young sa London, nang pumunta roon ang Kapuso actor-TV host para kumuha ng materyales sa “Midnight Snack” segment niya sa Saksi.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Mikael sa grand launch ng bagong telefantasya ng GMA, ang Adarna, kagabi, November 13, sa Plaza Ibarra, Timog Avenue, Quezon City.

Nagpasalamat muna si Mikael sa Philippine Air Lines, dahil nasama siya sa first straight flight mula Manila papuntang London.

Solo siyang nagbiyahe, at bukod sa pagiging stand-upper, siya rin daw ang nag-camera para sa kanyang “Midnight Snack” segment.

RENDEZVOUS IN LONDON. Nang sinundan na namin ng tanong tungkol sa pagkikita nila ni Megan sa London, medyo alanganin ang sagot ni Mikael.

Sabi niya, “Yes. I did see her.

“It was okay naman.

“I just saw her in passing. I said hi.”

Pero sa patuloy na pag-uusap namin, inamin ni Mikael na nagkaroon sila ng komunikasyon ni Megan.

Kaya nagkaroon ng pagkakataong magkita sila sa Westminster Abbey nang papunta na si Megan sa office ng Miss World Organization.

Kuwento pa ni Mikael, “Through group messaging.

“I think she’s on the way to the Miss World World office, nag-message ako sa kanya.

“I told her… I said hi lang.”

HAITI INCIDENT. Nung nagkita raw sila ay tapos na yung nangyaring insidente sa Haiti, kung saan nagtamo ng sugat at galos si Megan.

Read: Miss World Megan Young sustains minor injury in accident in Haiti

Sabi ni Mikael, “She’s okay naman. I don’t think it was as bad as nasabi.

"May na-injure lang talaga na medyo malala. Pero, otherwise, everyone was very safe."

Ano ang naramdaman niya nang magkaroon ng panahon ang Miss World 2013 na magkita sila?

“Okay naman, I was happy, siyempre Miss World,” tipid niyang sagot.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



“WE’RE FRIENDS.” Pero muling nilinaw ni Mikael na magkaibigan lang talaga sila ni Megan, bago pa ito sumali sa Miss World at hanggang ngayon.

“Once and for all, masasabi ko na I’m single.

“I know Megan is single... from what I know.

"So, that is that—and we’re friends."

Aware naman daw si Mikael na napapag-usapan silang dalawa ni Megan. Pero talagang magkaibigan lang daw sila.

Sabi ni Mikael, “Nangyayari naman ‘yan because we’re friends.

“Di ba, nag-usap pa tayo nun? Way before nung unang picture na lumabas, na I think we were in Hong Kong pa yata at that time?

“E, nangyayari lang naman talaga po.

“If ever may mga friends ako na naging artista, tapos nakita nila na magkasama kami, baka maisip din nila na, ‘A, baka they’re together.’

“Pero wala lang… the usual barkada.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN