Neri Naig embraces positivity after private-video controversy

With the recent controversy that hit actress Neri Naig and boyfriend Chito Miranda, the actress chose to be silent. Instead of dwelling on the issue, Neri says, “Embrace mo lang talaga yung positivity, positive na outlook. Kasi, may gawin ka mang maganda o may gawin ka mang hindi [maganda], you can’t please everybody naman, e.”


Sa hindi sinasadyang pagkakataon, nagsalita si Neri Naig tungkol sa iskandalong kinaharap nila ng boyfriend niyang si Chito Miranda.

Nakausap kasi ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media ang Star Circle Quest alumna sa story conference ng upcoming TV5 drama na Obsession, kaninang tanghali, November 14.

Sa nasabing story conference, inilarawan ang magiging karakter nina Neri, Marvin Agustin, Bianca King, at Alwyn Uytingco.

Ang karakter ni Neri, na may pangalang Bernadette, ay dadanas ng matinding depresyon dulot ng isang breakup.

Magiging sanhi ito ng matinding pagbabago sa kanyang katauhan.

Ayon kay Neri, malayo ang personalidad niya sa karakter na kanyang gagampanan.

Si Neri raw ay hindi tulad ni Bernadette, na lubhang nagpapaka-apekto sa depresyon: “Kapag may pinagdadaanan ako, sinasabi ko kasi, ‘Okay lang ‘yan. Okay lang ‘yan.’"

MOST DEPRESSING MOMENT. Dahil dito, tinanong ng PEP kung ano ang pinakamatinding depresyon na naranasan niya, at kung paano niya ito nalagpasan.

Hindi naman itinanggi ng aktres na isa na sa pinakamatinding kontrobersiya sa buhay niya ay ang pagkalat ng private videos nila ni Chito.

Read: Chito Miranda admits "private video" with girlfriend Neri Naig

“Pero mum lang ako about it,” sabi ni Neri.

Nang lumabas ang private videos ng magkasintahan, nanatiling tahimik si Neri, at tanging si Chito ang nagbibigay ng pahayag tungkol dito.

Isang opisyal na statement lamang ang inilabas noon ni Neri tungkol sa isyu.

Read: Neri Naig: "I am not yet ok, but I am getting there."

Paano ito nalagpasan ni Neri?

Sagot niya, “Embrace mo lang talaga yung positivity, positive na outlook.

“Kasi, may gawin ka mang maganda o may gawin ka mang hindi [maganda], you can’t please everybody naman, e.

“So instead of you checking kung ano yung mga sinasabi ng tao, yung mga taong nagma-matter sa ’yo, yun na lang ang i-embrace mo.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa ngayon, sinabi ni Neri na hindi niya pinagtutuunan ng pansin kung ano ang sinasabi ng ibang tao.

Katuwiran niya, “Mahal mo ba yung taong ‘yon? Nagma-matter ba siya sa ’yo?

"Kasi, kung hindi siya nagma-matter sa ’yo, sabi lang nila ‘yan, e.

“Pero, once na yung nagsabi sa ’yo ay yung taong pinakamamahal mo, doon ka mag-breakdown, kasi kilala ka nila personally and alam mong totoo.

“Alam mo naman sa sarili mo kung tunay o hindi.

“So, ‘yon lang, ‘yon lang ang pinanghahawakan ko.

“Basta alam kong wala akong inaapakang tao, okay na ako.”

Sa ngayon, masasabi ni Neri na naging mas matatag siya dahil sa pagsubok na ito.

Pahayag niya, “Sabi ko nga, grabe naman.

"Pero, wala lang, ginagawa kong joke na lang.

“Thankful naman ako na sobrang okay ang support ng mga tao sa paligid ko.

“Talagang nirerespeto nila ako kapag nakikita ko sila.”



QUALITY PROJECTS. Samantala, di tulad ng mga ka-batch niyang sina Melissa Ricks, Roxanne Guinoo, Joross Gamboa, at ang K-pop star na si Sandara Park, hindi ganun kaaktibo ang showbiz career ni Neri matapos ang kanyang SCQ journey.

Ilan sa mga teleseryeng kinabilangan niya sa ABS-CBN ay ang mga sumusunod: SCQ Reload: Ok Ako, Ang Panday, Komiks Presents Da Adventures of Pedro Penduko, Sana Maulit Muli, at Ysabella.

Naging bahagi rin siya ng mga pelikulang Now That I Have You, D’Anothers, Saan Ka Man, at Bulong.

Para kay Neri, mas mainam na bihira siyang gumawa ng TV project ngunit maganda naman ang nasasabi ng mga manonood.

Paliwanag niya, “Kasi naman ako, sinabi ko naman sa manager ko, hindi ko naman gusto yung laging nandiyan.

“Okay lang ako na bigyan niyo ako ng okay na project. Thankful naman ako na ganun.”

Sinabi rin ni Neri na mas gusto niyang mahinang ang kanyang kakayahang umarte kaysa sa ayusin ang kanyang kasikatan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ako, gusto ko naman talaga yung umarte. Gusto ko lang yung passion.

“Nakakatuwa naman na kaya ko palang umarte nang ganito, yung napaglalaruan ko yung character.”

Hindi rin daw nakakaramdam si Neri na anumang inggit sa kanyang mga kasabayan sa showbiz.

Sabi niya, “Okay naman ako sa projects ko paminsan-minsan.

“Siyempre, thankful ako na umarte ka na, binabayaran ka pa.

“Like, gusto mo yung ginagawa mo, tapos nababayaran ka pa.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN