Vice Ganda asks Pinoys to keep up relief efforts for typhoon victims: “Hindi pa tayo dapat huminto.”

Vice Ganda on doing his share and imploring fellow Pinoys to help typhoon victims: “The word enough, hindi natin alam kung kailan enough yung enough, e. Marami nagsasabi, ’E, marami namang ibinigay na tulong ang ibang bansa.’ Hindi ninyo alam yung kung ano ang extent ng damage ng mga lugar na nasalanta talaga. Yung nakikita ninyo sa TV, hindi pa yun, e. Marami pa tayong hindi nakikita.”


Isang benefit show ang pinangunahan ni Vice Ganda upang makalikom ng halaga para sa mga nasalanta nating kababayan dahil sa bagyong Yolanda.

Ginanap ang benefit show sa Laffline Comedy Bar, sa Timog Avenue, Quezon City, noong Biyernes, November 15.

Sumuporta sa benefit show ni Vice ang mga kasamahang komedyante na sina Chokoleit, Pooh, at Pokwang.

AUCTION. Sa isang bahagi ng programa ay sinabi ni Vice na puwedeng mag-request ng kanta sa kanya ang audience, pero sana ay lakipan ng halaga, na kasamang idu-donate sa kikitain ng kanyang benefit show.

Agad ay may nagbigay ng halagang P12,000. Sinundan ito ng dalawa pang tig-P10,000.

Nang patapos na ang show ay biglang nag-announce si Vice ng auction para sa suot niya noong gabing iyon.

Unang nakuha ang sapatos niya sa halagang P20,000.

Hindi nagtagal ay sunud-sunod nang napresyuhan at nakuha ang iba pang items—gaya ng black pants (P10,000), black shirt (P20,000), earrings (P3,000), one set of rings (P4,000), at necklace (P5,000).

Nagbigay rin ng P300,000 cash ang mobile phone brand na ini-endorse ni Vice.

Sa kabuuan, mahigit P600,000 ang nalikom mula sa benefit show ni Vice.

Sa Lunes, November 18, ay nakatakdang gawin ang part two nito, sa Punchline Comedy Bar naman.

Nangako si Vice na isasama niyang mag-perform ang kanyang It’s Showtime co-hosts, gaya nina Vhong Navarro at Billy Crawford.



REACHING OUT TO HELP. Pagkatapos ng show ay nagpaunlak ng panayam si Vice sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa loob ng kanyang dressing room.

Saad niya, “Lahat naman tayo gustong tumulong ngayon.

"Nasisiguro ko lahat ng Pilipino ngayon, gustong tumulong, at lahat tayo may kanya-kanyang diskarte kung paano.

“At ito yung pinakamadali para sa akin."

Dagdag niya, “Kaya ko naman magbigay ng pera. Pero mas malaki kung nakakahingi pa ako ng tulong, di ba?

“May mga nagku-comment nga na... may nababasa nga ako na, ’Bakit kailangan niyang mag-solicit? Bakit kailangang humingi ng tulong sa ibang tao?’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Mas malaki kung magtutulong-tulong, di ba?

"Yung kaya kong ibigay, mas madadagdagan kung makakahingi ako ng tulong sa iba at isasama ko.”

Nagbigay rin ba si Vice ng sariling donasyon?

“Oo, siyempre,” matipid niyang sagot.

Pero tumanggi siyang sabihin kung magkano ang halagang ibinigay niya para sa mga biktima ng bagyo.

Ano ang naramdaman niya na maraming nag-donate at sumuporta sa benefit show niya?

Sabi ni Vice, “Nakakahinga nang konti, kasi ang sikip sa dibdib, e.

"Nung Wednesday nga [November 13], nag-taping ako noong GGV [Gandang Gabi Vice].

"Pero bago kami nag-taping, nanood ako ng news.

"Sabi ko, ’Parang hindi ko kayang magpatawa.’

“Sobrang nakakadurog na ’to ng puso.

"Napapanood ko lang ’to sa mga pelikula, e. Pero nangyari sa Pilipinas pa, sobra naman."

Bahagi ba talaga ng show niya ang pagpapa-auction ng suot niya o bigla lang niyang naisip?

“Kanina, habang nagbibihis ako... Kasi hindi ko alam kung ano ang isusuot ko.

"Kaya sabi ko, ’I-auction ko ang damit ko na ’to, ’Day.’

“Tapos, hindi alam ng audience, ha. Pero nag-participate sila nang bongga,” natutuwa niyang kuwento.

NOT ENOUGH.” Ano ang nararamdaman niya sa ginagawa niyang tulong para sa ibang tao?

Sagot ni Vice, “Masaya, pero meron pa akong kayang gawin.

"Hindi pa tayo dapat huminto, e.

“Kasi the word ’enough,’ hindi natin alam kung kailan enough yung enough, e.

"Marami nagsasabi, ’E, marami namang ibinigay na tulong ang ibang bansa.’

“Hindi ninyo alam yung kung ano ang extent ng damage ng mga lugar na nasalanta talaga.

"Yung nakikita ninyo sa TV, hindi pa yun, e. Marami pa tayong hindi nakikita.”

May plano ba siyang personal na bumisita sa mga kababayan natin na nasalanta?

“This Sunday [November 17], we were scheduled to go to Tacloban. Si Kris [Aquino]...

"Pero kanina, hindi na raw kami matutuloy."

Ang tinutukoy ni Vice ay ang relief operations ng Sagip Kapamilya ng ABS-CBN, na pangungunahan dapat ni Kris Aquino.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Read: Kris Aquino, Angel Locsin to lead Sagip Kapamilya relief operations in storm-devastated areas

Paliwanag ni Vice tungkol sa hindi pagkakatuloy nito, “Hindi kami binigyan ng permit.

"Kasi hindi raw safe, dahil meron daw yung mob mentality ng mga tao, dangerous na raw.

“Baka kapag nalamang nandoon kami, baka raw lalong magkagulo.

"Imbes na makatulong kami, makasakit pa kami. Kaya huwag na raw.”

Ayon sa ilang reports na natanggap ng PEP, delikado na nga ang lagay ng mga volunteers na nasa Tacloban. Ang ilan sa kanila ay hinohold-up na at ninanakawan ng kanilang personal na rasyon ng pagkain.

Ayon pa rin sa reports na nakalap ng PEP, naghalo na ang mga nasalantang may lehitimong pangangailangan sa pagkain, damit, at tubig at ang mga nasalantang may malinaw na criminal intent.


BENEFIT SHOW REPEAT. Sa Lunes, plano niyang ulitin ang auction sale during the show?

Aniya, “Oo, mag-o-auction ako ulit. Bahala na.

"Basta kung ano ang suot ko, maghuhubad ako or anuman.

"Kasi siyempre, mas gusto nila kung nakita nila na suot mo talaga, may pawis mo, di ba?”

Ganun din kaya ang gagawin ng kanyang Showtime co-hosts? Mag-auction din kaya sila?

“Naku, madali namang hingan ang mga yun.

"Sa Showtime nga, kapag nagbibiruan kami, ibinibigay namin sa madlang people.

“Lahat ng Pilipino ngayon, mararamdaman na kahit anong estado sa buhay, kahit anong kasarian, meron talaga na bahagi ng puso nilang punung-puno ng generosity,” pagmamalaki ni Vice.

Wala bang plano si Vice na gumawa ng benefit concert sa mas malaking venue?

“Biglaan kasi ’to, e.

"Sabi ko nga, gusto kong mag-Araneta [Smart Araneta Coliseum], kahit P100 ang entrance.

“E, palalampasin ko muna yung sa ABS-CBN.

"Kasi baka naman ano, di ba? Mas maganda yung mapuno rin sila.

“Tapos makakakuha rin ako ng malaking madu-donate.

"Baka yung mga tao, malito pa at hindi nila alam kung saan sila manonood.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang ending, pareho kaming hindi nakinabang.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN