Marian Rivera elated at Best Actress nomination in Asian Television Awards

Bagamat mahalaga rin kay Marian Rivera ang pagkilala sa kanyang kakayahan bilang aktres, mas importante raw sa kanya ang pagtanggap ng mga tao. Pahayag niya, “Ayoko namang sabihing famous star o aktres o magaling umarte o Best Actress. Dun na lang ako sa kung paano ako mahalin ng tao dahil sa mga ginagawa ko."


Nominado si Marian Rivera, sa kategoryang Best Actress in a Lead Role para sa pagganap niya sa Temptation of Wife, sa Asian Television Awards 2013.

Read: Marian Rivera, Lorna Tolentino, Kris Aquino, Michael V. score nominations at Asian TV Awards 2013

Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Marian kung ano ang pakiramdam niya sa nominasyong ito.

Sagot ng Kapuso Primetime Queen, “Hindi ko alam... nahiya ako bigla.

“Actually, ang nag-text sa akin, si Ma’am Lilybeth [Rasonable, GMA’s VP for Entertainment TV].

"Sabi niya sa akin, ‘Hulaan mo kung sino ang nominated para sa Asian TV Awards as Best Actress?’

“Sabi ko, ‘Hehehe!’

“Sabi niya, ‘Congratulations, parang nakapasok ka.’

“Sabi ko, ‘Wow, thank you!’

“Parang ibinalita ko agad kay Nanay, tsaka kay Mama, tapos kay Dong din na... ’Wow,’ sabi kong ganun, ’ang sarap ng pakiramdam!’

“Parang nominated ka pa lang, ang sarap na sa pakiramdam.

“E, [ganoon din] sabi nga ni Dong. 2010 nagpunta si Dong doon.

"So, iyon, ang sarap lang sa pakiramdam na napapasali ka sa ganyang mga klase ng awards."

Ang boyfriend ni Marian na si Dingdong Dantes ay na-nominate sa Asian TV Awards noong 2010 para sa pagganap niya sa Stairway To Heaven.

Pupunta ba siya sa awards night, na gaganapin sa December 5 sa Resorts World Sentosa, Singapore?

Sagot ni Marian, “Depende sa GMA.

"Pag tinimbrehan nila ako na, ‘Punta tayo, just in case...’ kung magbakasakali.

“Or baka busy ang schdeule, hindi rin makapunta... so depende sa GMA.”

Iba ba ang feeling kapag nominado siya sa isang international award-giving body?

"Oo naman!" bulalas niya.

"Siyempre, kahit anong klaseng award man ’yan, ibig sabihin, naa-appreciate ka ng mga tao na nasa likod ng mga award-giving bodies na yun.”

Nakausap ng PEP si Marian sa contract signing niya bilang endorser ng bagong labas na mobile phone brand na SKK, noong Huwebes, November 14.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ginanap ang pirmahan sa Century Seafood Restaurant sa Century Park Hotel, Malate, Manila.

MARIAN VS. LORNA. Kasamang nominado ni Marian bilang "Best Actress in A Lead Role" ang kapwa niya Kapuso na si Lorna Tolentino, na napansin naman para sa pagganap nito sa Pahiram Ng Sandali.


Makakalaban nila sa kategoryang ito sina Jade Chou (Falling, Taiwan); Debbis Goh (Mining Magnate, Malaysia); Kate Tsui Tsz-shan (Highs and Lows, Hong Kong); at Wen-Lin Fang (Go, Hula!, Taiwan).

May pressure ba kay Marian dahil isa sa mga kalaban niya ay si Lorna?

Tugon niya, “Ay, walang pressure-pressure!

"The mere fact na nandun ka at napasali ka e malaking bagay na yun para sa akin.

“Kung anuman ang gawin o mangyari, kung palarin man ako, kung ibigay man sa akin ng Diyos, e, di salamat.

“Kung hindi, at least okay din.”

Ayaw niyang mag-expect na siya ang mananalo?

“Oo naman. Minsan kasi, may mga bagay na ibinibigay sa iyo, na masarap na isipin na lang.

"At kung ibibigay sa iyo, na hindi ka umaasa, mas masarap sa pakiramdam."



ACTING AWARD OR COMMERCIAL SUCCESS? Sa nakuha niyang nominasyon sa Asian TV Awards, napatunayan niyang bukod sa sikat siyang artista ay mahusay siyang aktres.

Bago pa ito ay nanalo na siyang Best Actress sa Golden Screen TV Awards 2013 para sa pagganap niya sa epicseryeng Amaya.

Pero ano ba ang mas gusto niya—ang makilala bilang mahusay na aktres o bilang sikat na TV/movie star?

Sagot ni Marian, “Anuman sa dalawa ay mahalaga sa akin.

"At ang pinakamahalaga sa akin, kung paano mo tina-touch ang bawat tao sa ginagawa mong proyekto.

“Ayoko namang sabihing famous star o aktres o magaling umarte o Best Actress.

"Dun na lang ako sa kung paano ako mahalin ng tao dahil sa mga ginagawa ko."

Dagdag niya, “Kasi ’yang mga nangyayari sa buhay na ’yan—fame, mga awards—oo, importante ’yan bilang artista.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero ang mas mahalaga sa akin, hindi kasi nagpi-fade ang pagmamahal ng mga tao dahil sa ginagawa mo.

“At lalo ka nilang minamahal sa mga gagawin mo pang projects.

"So, dun ako mas looking forward—kung paano pa ako mas mahalin ng mga tao."

Ganito na ba siyang mag-isip dahil sa mga pinagdaanan niya sa showbiz, sa mga naging karanasan niya bilang artista?

“Siguro ganun talaga ang buhay.

"Habang nagtatagal ka sa industriya at sa buhay mo...

"Naglalakbay ka, e, marami kang matututuhan at magiging mature ka rin.

“Iisipin mo, ano ba ang mas mahalaga sa buhay?

“At para sa akin, mas mahalaga sa buhay yung minamahal ka ng tao at ng mga taong mahal mo,” saad niya.

Ano pa ang mahalaga sa kanya?

Sagot ni Marian, “Mahalaga sa akin basta tungkol sa pagmamahal.

"Iyon ang mahalaga sa akin at iyan ang panghahawakan ko.”



AS FAMOUS AS THALIA? Bukod sa nominasyon niya sa Asian TV Awards, naging matagumpay rin ang pagbisita ni Marian sa Vietnam noong unang linggo ng Nobyembre.

Napatunayan ng Pinay actress na maging sa Vietnam ay marami pala siyang tagahanga na sumusubaybay sa kanyang mga teleserye na ipinapalabas doon.

Read: Marian Rivera mobbed by fans in Vietnam

Ano ang masasabi ni Marian na kahit sa ibang bansa ay kilala at matunog ang kanyang pangalan?

Aniya, “Well, pasasalamatan ko diyan ang GMA, dahil sila ang dahilan kung bakit nakikilala ako sa ibang bansa—dahil sa mga projects na ginagawa ko sa kanila.

“Kaya sa GMA ko inaalay ’yan.”

Dahil dito, may ilang nagkukumpara sa kanya kay Thalia.

Si Ariadna Thalia Sodi Miranda, o mas kilala bilang Thalia, ay ang Mexican actress na sumikat sa Pilipinas noong mid-’90s dahil sa kanyang mga Maria-serye—Marimar, Maria Mercedes, at Maria la del Barrio.

Si Marian ang gumanap bilang Marimar sa local adaptation ng GMA telenovela na umere noong 2007.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ng Pinay actress, “Ay, si Thalia ay iba!

"Iba naman si Thalia, nasa rurok naman si Thalia, e.

“Nasa rurok na rin siya ng tagumpay, di ba?

“E, mahirap ikumpara, iba naman si Thalia.

"At isa rin si Thalia sa dahilan kung bakit ko ginawa ang Marimar.

"At isa rin siya sa mga dahilan kung bakit ako nabigyan ng space sa showbiz.

“So, dahil kay Thalia yun, dahil sa Marimar, so mahirap ikumpara yun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN