Local celebs praise CNN anchor Anderson Cooper’s coverage of Yolanda aftermath

Maraming local celebrities ang pumuri at nagpasalamat kay CNN news anchor Anderson Cooper sa ginawa nitong pagbabalita tungkol sa kaganapan sa central Visayas pagkatapos ng typhoon Yolanda.


Sa ilang araw na pag-uulat ni CNN news anchor Anderson Cooper tungkol sa naging epekto ng pananalasa ng bagyong Yolanda sa Tacloban City, Leyte, naging saksi siya sa tibay ng mga Pilipino sa pagharap sa kalamidad na ito.

Dumating si Anderson sa bansa noong nakaraang linggo para sa coverage ng CNN sa mga lugar sa central Visayas na sinalanta ng bagyong Yolanda—na may international name na Haiyan.

Sa kanyang Reporter’s Notebook sa CNN noong November 16, Sabado, ipinahayag ni Anderson ang paghanga niya sa Filipino typhoon survivors dahil sa ipinamalas nilang katatagan at optimismo sa kabila ng trahedyang dinaranas.

Read: CNN’s Anderson Cooper to Filipino typhoon survivors: "Mabuhay, Philippines... Maraming salamat for showing us all how to live."

Kahit sa kanyang tweet noong November 16, 2013, tinawag niyang "awesome" ang Pilipinas.

"In awe" rin daw siya sa katangian ng mga Pilipinong nakilala niya sa ilang araw niyang pananatili sa Tacloban.

SALUTE TO COOPER. Samantala, kung saludo ang American broadcast journalist sa mga Pilipinong biktima ng bagyo, umapaw rin ang suporta at pasasalamat ng mga Pinoy—kabilang na ang ilang mga artista—sa pagbabalita ng anchor ng CNN news program na Anderson Cooper 360º .

Sa pamamagitan ng social media, partikular na ang Twitter, pinuri ng celebrities na sina Sharon Cuneta, Anne Curtis, KC Concepcion, BB Gandanghari, Isabelle Daza, Ruffa Gutierrez, Nikki Gil, Miriam Quiambao, at Denise Laurel, ang ginawang pag-uulat ni Anderson.

Sunud-sunod ang pagpu-post nina Anne at KC ng feeds mula sa Twitter account ng programa ni Anderson:

Ipinagtanggol naman nina Sharon, BB, Isabelle, at Denise si Anderson sa ibang taong bumatikos sa American journalist dahil sa pagpuna raw nito sa mabagal na relief efforts sa mga biktima ng bagyo.

KORINA SLAMS ANDERSON. Matatandaang nagkaroon ng iringan sa pagitan ni Anderson at ng ABS-CBN broadcast journalist na si Korina Sanchez.

Ito ay matapos sabihin ni Korina sa kanyang morning radio program na Rated Korina, noong November 13, Miyerkules, na tila hindi alam ng CNN news anchor ang sinasabi nitong wala umanong government presence sa Tacloban.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang pahayag daw ni Korina ay pagtatanggol naman sa kanyang asawa na si Department of Interior and Local Government Secretary Mar Roxas, na siyang in-charge sa government relief operations sa mga apektadong lugar.

Read: ABS-CBN anchor Korina Sanchez gets flak from netizens for slamming CNN news anchor Anderson Cooper

Nilinaw naman ni Anderson na hindi niya sinabi na walang government presence sa Tacloban.

Inanyayahan din niya si Korina na magpunta sa Tacloban upang makita ang totoong sitwasyon doon.

Read: Anderson Cooper urges Korina Sanchez to visit Tacloban

Kaugnay nito, may ilang mga artista ang nagpahayag ng kanilang pagsuporta kay Anderson.

Sa kanyang tweet ay humingi ang Kapamilya singer-actress na si Nikki Gil ng pasensiya kay Anderson, at naka-tag pa ang link ng video clip kung saan sinagot ni Cooper ang akusasyon sa kanya ni Korina.

Sa kanya namang tweet ay sinabi ng direktor na si Yam Laranas (Sigaw) na gusto niyang maging Presidente ng Pilipinas ang CNN news anchor.

Nagbigay naman ng paalala ang APO Hiking Society member na si Jim Paredes na hindi dapat si Anderson ang maging sentro ng mga balita.

Samantala, narito pa ang ilang tweets ng local celebrities na nagpahayag ng pagsaludo at pasasalamat sa ginawang pag-uulat ni Cooper sa Tacloban:



ANDERSON AS U.S. AMBASSADOR TO THE PHILIPPINES? Samantala, kumalat sa social media noong nakaraang weekend ang balitang in-appoint diumano ni U.S. President Barack Obama si Anderson bilang ambassador sa Pilipinas.

Lumabas ang artikulo na may pamagat na "ANDERSON COOPER APPOINTED U.S. AMBASSADOR TO THE PHILIPPINES" sa website na adobochronicles.com kahapon, November 17.

Nakasaad sa artikulo: "President Barack Obama has nominated CNN’s Anderson Cooper to be the next U.S. ambassador to the Philippines.

"The White House announcement on the nomination came on the heels of Cooper’s live reporting on the aftermath of super typhoon Haiyan which has devastated many cities and towns in Central Philippines...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"His reports from Tacloban, the worst-hit among the cities in the province of Leyte, gained both praise and criticism.

"Many Filipinos, including expatriates from all over the world, have praised Cooper’s early coverage of the devastation in Tacloban and the Philippine government’s rescue and relief efforts which he described as lacking in coordination and clear strategy.

"On the other hand, Cooper earned the ire of Philippine President Noynoy Aquino who asked for ’greater accuracy’ in reporting on his government’s relief efforts and to focus on the strong spirit of the Filipino people in facing this calamity. Cooper responded on his news program that accuracy has been his hallmark as a journalist and that his reporting had always pointed to the enormous strength and fighting spirit of the Filipino people."

Binaggit din sa artikulo ang naging pahayag ni Korina Sanchez laban sa CNN news anchor.

Sabi pa sa artikulo, "In nominating Cooper, Obama said that the CNN journalist is fully qualified for the job and brings with him extensive knowledge and experience with political, social and other issues plaguing foreign governments, including the Philippines.

"Obama said that Cooper has also proven himself to be fearless, independent, and sensitive to the interest and needs of both the U.S. and its long-time ally the Philippines."

Bagamat marami ang natuwa sa naturang artikulo, walang katotohanan ang balitang si Anderson na ang bagong U.S. ambassador sa Pilipinas.

Ang artikulo ay isa lamang parody.

Ang totoo ay may na-appoint nang bagong ambassador ng Amerika sa Pilipinas sa katauhan ni Philip Goldberg.

Si Goldberg ay ang dating U.S. ambassador to Bolivia.

Pinalitan ni Goldberg si Harry K. Thomas, ang first African-American na humawak ng nasabing posisyon.

Na-appoint si Goldberg noong November 14.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN