John Lapus: "I would like to think na, in a way, I paved the way for gay actors na ma-invade itong industriya na hindi bastusin ang tingin sa kanila."

John “Sweet” Lapus on being replaced in launching movie: “Ayokong sabihin na sumasama ang loob ko, baka ma-misinterpret na, kapag sumama ba ang loob mo, nagagalit ka, inggitera ka, may bitterness ka sa buhay? Ako’y nalulungkot lang na walang nangyayari.”


Noong 2012 ay nabalitang magkakaroon na ng launching movie sa Viva Films si John "Sweet" Lapus.

Ngunit makalipas ang mahigit isang taon ay wala pa ring nangyayari rito.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Sweet, sa presscon ng pelikulang Call Center Girl noong November 10, tinanong namin siya kung ano na ang nangyari sa launching movie niya.

Sagot niya, “Well, hindi ko rin alam.

“Kasi, dapat nga yung Girl Boy Bakla Tomboy, pero ang ginawa ko, nag-beg off muna ako.

“Dahil sabi ko nga, hindi ako physically ready dahil ang taba ko noon.

“Ang ginawa ko, tinanggap muna namin yung KathNiel, yung Must Be Love [2012], kasi doon, okey lang, hindi ako pinapapayat.

“E, ang nangyari, parang kailangan na yata nilang mag-shoot.

“So, sinabihan naman ako na ibibigay na muna raw kay Vice [Ganda], kasi kailangan na nilang magsimula.

“Naiintindihan ko naman, mag-iisip na lang daw ng iba para sa akin.

“Tapos, nalaman ko, hindi rin pala natuloy.

"So, from the moment na hindi natuloy, siyempre ini-expect ko na ibabalik ulit sa akin.

“E, wala na, sinubmit pala sa filmfest [Metro Manila Film Festival] entry.

“The moment na isinabmit [submitted] sa filmfest, wala na, alam kong malabu-labo na ako sa role.

“Siyempre, filmfest ‘yan, at the end of the day, negosyo ‘to.

“Kahit ako naman ang Viva, si Vice Ganda ang isasabak ko sa filmfest at hindi si John Lapus, di ba?”



DISAPPOINTED. Nagtampo ba si Sweet na hindi pa siya inilu-launch ng Viva hanggang ngayon?

Sagot niya, “Well, noong time na yun, nalungkot lang ako dahil yung concept nga na Girl Boy Bakla Tomboy, inisip para sa akin ni Mother Mel del Rosario [scriptwriter].

“Akin ‘yan, ‘no, bakit ibinibigay sa iba?

“Then again, you know, naiintindihan ko naman na kailangan na nilang mag-shooting noon, biglang hindi natuloy, sinubmit na sa filmfest, so okey lang yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Well, hintayin ko na lang siguro kapag tumawag sila.

“Dalawa ang kontrata ko sa kanila ng two movies, so kung mag-e-expire na, dapat nagsisimula na kahit isa man lang.”

Pumirma ng two-picture contract si Sweet noon pang March 2011.

Read: John Lapus signs up with Viva Films but will still do movies for Regal Films



GETTING AHEAD. Ano ang naramdaman ni Sweet nang maunang i-launch si Joey Paras sa Bekikang (2013) ng Viva Films?

Sagot niya, “Ako naman, hindi naman ako inggiterang tao. Deserve din naman ni Joey Paras yun.

“At saka, alam ko yung Bekikang, para sa kanya talaga ang concept na yun.

“Ayokong kuwestyunin bakit siya ang inuna ninyo.”

Pero aminado naman si Sweet na sumagi sa isip niya ang mga bagay na yun.

Aniya, “Sumagi sa isip ko na, ’Oo, kakapirma ko lang ng kontrata, bakit nauna pa siya sa akin?’

"Nalulungkot lang talaga ako.

“Ayokong sabihin na sumasama ang loob ko, baka ma-misinterpret na, kapag sumama ba ang loob mo, nagagalit ka, inggitera ka, may bitterness ka sa buhay?

“Ako’y nalulungkot lang na walang nangyayari, pero ang Star Magic, nakikipag-usap naman.”

Ang Star Magic ang namamahala sa career ni Sweet.

Hindi naman napapagod si Sweet na magbigay ng suporta sa mga bida sa mga proyekto niya sa telebisyon o pelikula.

Ayon sa kanya, “Yun nga ang sinasabi ko, kung kasing-bait ba naman si Pokwang, why not?"

Si Pokwang ang bida sa pelikulang Call Center Girl.

“Masuwerte naman ako at alam naman ng Star Magic ‘yan, na maliban sa istorya, namimili rin ako ng katrabaho o artistang susuportahan.

“Kasi, mahirap, e. Kapag yung sinusuportahan mo hindi open, paano mo susuportahan?

“Feeder ako, e, dapat yung pini-feed-an ko, magpa-fight.

“Sa mga nakatrabaho ko, pansinin ninyo ang mga naging pelikula, lahat ng pini-feed-an ko… fight!

“Di ba? Yung Marian Rivera, Regine Velasquez, ‘eto si Pokwang, so ang sarap nilang suportahan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, kung magkaroon man ako ng launching movie, I will still do support roles.”



GENDER ISSUE. Masaya rin si Sweet na ang mga katulad nilang miyembro ng Lesbian Gay Bisexual Transgender (LGBT) community ay nabibigyan na ng pagkakataong makapagbida sa pelikula.

Saad niya, “Kahit naman sa Amerika. Ang maganda lang niyan, because rin of… siguro sa social media.

"Ang nakikita ng mga tao sa TV at pelikula...

"I’m proud to say na noong nag-artista ako years ago, I’ll make sure na maiiba ang pananaw ng tao sa mga bakla sa pamamagitan ng mga roles na ginagawa ko.

“Kasi, prior or bago lumabas sa mga pelikula si John Lapus, dapat ang bakla, hindi maganda, pangit.

“Dapat ang bakla, sasabuyan ng cake sa mukha, tatapunan ng kape, tatalsikan ng tubig.

“Again, modesty aside, noong pumasok si John Lapus, maldita… siya ang naglalagay ng cake sa mukha, siya ang nagtatapon ng kape.

"So, naiba.

“You know, I would like to think na, in a way, I paved the way for gay actors na ma-invade itong industriya na hindi bastusin ang tingin sa kanila.

“Kaya ngayon, napapansin ko, bihira na ang mga batang bakla, tinutukso ng ‘Bakla, bakla!’

“Kung meron man, gumaganti na ang mga batang bakla.

"So, I think, dahil din yun sa role, sa nakikita nila sa TV.

“Ang tingin nila sa bakla ngayon, may respeto na—it’s another gender, hindi na siya mali.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN