PEP EXCLUSIVE. James Yap refuses to comment about visitation-rights issue: "Meron akong gag order. So, baka ma-contempt ako."

Hindi man nakonsulta si James Yap tungkol sa pagpasok sa showbiz ng anak niyang si Bimby, sinabi ng PBA player na suportado niya ito. Sambit pa niya, “May magagawa ba ako?”


“Actually, meron akong gag order. So, baka ma-contempt ako.”

Ito ang sagot ni James Yap nang subukang itanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang tungkol sa hindi diumano pagsunod ni Kris Aquino sa ipinag-utos ng korte na visitation rights ng PBA player sa anak nilang si Bimby.

Ito ang alegasyon ng legal counsel ni James na si Atty. Lorna Kapunan sa panayam nito sa morning show ng TV5 na Good Morning Club, noong November 4.

Read: Atty. Lorna Kapunan contends that Kris Aquino is in breach of James Yap’s visitation rights

Sagot naman ng kampo ni Kris, walang intensiyon ang TV host-actress na suwayin ang korte at pagdamutan ang dating asawa na makasama ang kanilang anak.

Read: Kris Aquino’s camp issues statement refuting breach of James Yap’s visitation rights: "She has no intention of violating those [court orders] or depriving James of his right to be with his son.”

JAMES’S LOVELIFE. Sa gitna ng isyu tungkol sa visitation rights ni James ay nadawit ang pagkakaroon ng bagong lovelife ng basketbolista.

Ang girlfriend ni James ay ang Italian na si Michela Cazzola.

Ipinapaalala ng mga kampi kay Kris na baka makalimutan ni James ang obligasyon nito sa kanilang anak.

Hindi naman daw alam ni James kung bakit may lumalabas na ganitong isyu.

Pero aniya, “Basta ang mahalaga… alam mo ang pinakaimportante kasi sa buhay, yung masaya ka, di ba?

“Yun lang naman.

“And then, okey naman ako ngayon, masaya ako.

“So, eto na yung pinagpi-pray ko palagi, na kailangan sana tahimik na’ng lahat, wala nang gulo.”

Hindi kaya imposibleng mangyari yun?

Tugon niya, “Dasal ka pa rin.

“Sana, kung maaari maiwasan… pero minsan, hindi, e.

“Ganyan talaga ang buhay. Yun.”

May mga naging pagsisisi ba siya sa nakaraan?

“Well, wala naman akong regrets dahil meron naman akong guwapong anak,” sagot ni James.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nang tanungin muli namin kung bakit hindi pa rin niya nakikitang muli si Bimby, ito lang ang natatawang sagot ni James: “Gag order.”



BIMBY’S ACTING CAREER. Tungkol naman sa pagpasok ng anak niyang si Bimby sa pelikula, sinabi ni James na suportado niya ito kahit hindi siya nakonsulta tungkol dito.

Natatawang sabi niya, “May magagawa ba ako?”

Ang unang pelikula ni Bimby ay ang Metro Manila Film Festival 2013 entry na My Little Bossings.

Makakasama ni Bimby rito ang kanyang inang si Kris Aquino, ang ace comedian na si Vic Sotto, at and wonderkid na si Ryzza Mae Dizon.

Napanood na ba niya ang trailer ng pelikula?

“Hindi pa, hindi pa,” sagot James.

Sa palagay ba ni James ay nag-e-enjoy ang anak niya sa pag-aartista?

“Hindi ko pa nakikita,” matipid na tugon ng basketbolista.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN